❇️❇️❇️
Thea's POV
---
["Ano?! Hinalikan mo siya?!"] gulat na sabi ni Nixie.
"Oo. Hindi ko napigilan yung sarili ko eh. Tsaka bawi ko na din sa mga araw na sinusungitan ko siya." paliwanag ko.
Nag video call kaming tatlo para kamustahin ang isa't isa. Hindi ko naiwasan ang bibig ko na masabi ang nangyayari kaninang kumakain kami ni Vale sa restaurant.
["Lagi mo naman siyang sinusungitan. Wala naman kayang araw na hindi mo siya inaaway. Pasalamat ka at mahal ka nung tao. Pinapalipas niya lang ang bawat araw na sinusungitan mo siya."] ani Daphnie habang kunakain ang fries niya na nasa bowl at hawak-hawak niya ito habang kausap kami.
"Wow ha? Hiyang hiya naman ako sa inyo na sinusungitan rin noon ang mga jowa niyo noong hindi niyo pa sila sinasagot." reklamo ko.
["So?"] nakataas ang kilay na sabi ni Nixie.
["Past is past."] nakahalukipkip na sabi naman ni Daphnie sabay subo ulit ng fries.
Oh, tingnan mo ang mga 'to. Kapag ibabalik sa kanila yung sinasabi nila sa akin, nagagalit sila. Parang hindi naman nila ginawa noon. Guilty kasi eh.
"Asus! Ayaw niyo lang balikan yung mga pinaggagagawa niyo sa mga boyfriends niyo."
Iniba ko na lang agad ang usapan. Baka magalit pa ang mga 'to sa'kin. Baka pagdating ko sa bahay at kapag nagkataon na nandoon sila, baka pana'y irap ang matamo ko.
"So, kamusta naman ang lessons nung teacher na'ting walang kwenta?" pang-iiba ko ng usapan.
Bumuntong hininga si Nixie bago sumagot. ["Ayon, may pina-assignment sa amin. Wala namang bago. Kapag natapos ang walang kwenta niyang pagdi-discuss, magpapa-assignment agad."] sagot niya.
["Ikaw ba? Anong pinagkakaabalahan mo ngauon maliban sa kausapin kami?"] tanong naman ni Daphnie kaya nabaling sa kanya ang tingin ko.
Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong niya. "Wala. Nagbabasa lang ako kapag bored ako. Tapos tamang labas, tamang kain sa mga restaurant dito. Hindi kasi ako nabubusog sa mga binibigay ng hotel dito na makakain." sagot ko na ikinatawa naman nung dalawang bruha.
["HAHAHAHA! Bakit kasi ang takaw mong kumain? HAHAHAHA! Pasalamat ka at hindi ka tumataba sa ginagawa mo."] natatawa sabi ni Daphnie.
"Okay, salamat. Salamat sa pambu-bully! Mga letse kayo." bwisit talaga kahit kailan 'tong dalawang 'to. Akala mo naman hindi matakaw kumain.
"So, kamusta naman si Jade, Daphnie?" nakangisi kong tanong.
["Ayon, may nililigawan na. Yung isang kaklase na'tin na mas matangkad ng kaunti kay Nixie, siya 'yon."] sagot ni Dap.
"Huh? Hindi ko kilala 'yon."
["Buksan mo facebook account mo, in-add ka yata niya. Kami kasi, kaka-accept lang namin sa friend request niya."] sabat naman ni Nixie.
"Okay, I'll check later." tugon ko naman.
Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhang tatlo. Hanggang sa mapagod na kami sa kakatawa nang dahil sa mga kwento ni Nixie.
Nang matapos na kaming nag usap-usap, pinatay ko na ang wifi ng phone ko. May free connect sa hotel kaya malakas ang signal eh. Inilagay ko na lang sa mini lamp desk ang phone ko saka humiga na sa kama.
I checked my wristwatch.
It's already 9:30 pm.
At dahil hindi pa nga ako naaantok, kinuha ko muna ang libro ko at nagbasa. Maingay ang tunog ng aircon kaya isinuot ko ang headphone ko at nagpatugtog gamit ang phone ko na nakakonekta sa headphone ko.
Hindi ko mapigilang matawa sa ilang scenarios sa binabasa kong story. Minsan napapalakas ang tawa ko pero wala akong pakialam. Sarado naman ang bintana ng kwarto at nakasarado rin ang pintuan kaya walang makakarinig sa akin.
Hindi nagtagal ay nakaramdam na rin ako ng antok. Kaya nahiga na ako sa kama. Itinabi ko na ang libro, headphone at ang phone ko sa bag. Mas safe sa bag ko ilagay kasi parang mahuhulog lahat iyon sa liit ng mini lamp desk na paglalagyan ko sana.
Nang mailagay ko na sa bag, bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at ipinikit na ang mga mata. Sana bukas, maging maganda na naman ang gising ko. Hay..
***
Vale's POV
---
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko dito sa hotel room. Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ako makatulog. Bakit? Bumabalik pa rin kasi sa isip ko yung nangyari sa amin ni Thea sa restaurant na kinainan namin.
Yung halik niya! Nakakaadik yung halik niya. Hinahanap-hanap ng labi ko! Sh*t!
Kahit na alam kong sa gilid lang ng labi ko 'yon, kakaiba yung naramdaman ko. Aaminin ko naman na hindi siya yung first kiss ko pero kapag labi niya talaga ang dumampi sa akin kahit na saang parte ng katawan ko, kakaiba ang nararamdaman ko.
Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yung unang beses na hinalikan ko yung labi niya. Ang lambot ng labi niya. Nakakaadik talaga. Kakaiba ang init ng halik niya. Yung tipong kahit na sino lalambot ang puso kapag natikman ang halik niya. Basta, hindi ko ma-explain.
Naisipan kong kausapin ang mga tukmol kong kaibigan. Nakaka-miss ang mga kagaguhan nila. Sigurado akong nasa bar ang mga 'to. O kaya naman ay nasa mga sarili nilang condo.
Bumili sila ulit ng sariling condo para daw hindi kami palaging nagkakasama at nagkikita. Para daw ma-miss namin ang isa't isa. Tsk! Ang daming mga alam. Parang tanga lang.
["Oh, napatawag ka bigla. May problema ba na naman kayo ni Thea?"] agad na bungad ni Vince.
"Wala naman. Okay naman kami dito. Kayo ba?"
["Ito, mahina ang signal ng wifi."] singit ni Vian.
["T*nga! Sabi ko kasing Converge ang bilhin mo, hindi Convenge. B*bo! Magdusa ka ngayon."] naiinis na sigaw sa kanya ni Vince.
Napakamot ng batok si Vian. Namomroblema sa signal ang may pagkatanga naming kaibigan. Tsk! Hindi kasi minsan ginagamit ang utak. Kaya ayan ang napapala.
["Tss. Eh 'di ikaw na ang may malakas na signal. Paki ko naman sa 4G na signal ng wifi mo. May 5G na signal ang phone ko."] sumbat naman ni Vian kay Vince.
Tss, ang tanga talaga. May 5G na signal naman pala phone niya, gagamit pa ng wifi. Mongoloid ang bobong 'to! Hindi ginagamit ang isip!
Patuloy pa kaming nag-usap ng nag-usap hanggang sa makaramdam na rin ako ng antok kaya agad ko ng isinara ang phone ko. Bahala silang dalawang mag-usap. Pana'y kalokohan ang mga alam nila.

BINABASA MO ANG
EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]
Genç Kurgu[UNEDITED] BESTFRIENDS SERIES #3 Hanggang kailan mo titiisin ang nararamdaman mo para lang maisakatuparan mo ang dati mong naging pangako sa sarili mo? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang lahat ng sakit para lang maipakita mo sa taong mahal mo na t...