Kinabukasan...
❇️❇️❇️
Vale's POV
---
Maaga akong nagising dahil may pasok na naman. Ayaw kong ma-late. Tsaka gusto kong makita si Thea agad kapag nasa school na ako.
Hindi pa ako nakakababa ng kama ko nang biglang tumunog ang phone. Kaagad kong sinagot ang tawag.
"Mom, what's wrong?" walang emosyon kong bungad na sabi sa kabilang linya.
["We need to migrate here in United States. May kailangan kaming ayusin ng Daddy mo sa kompanya na'tin dito sa States at kalinangan mong sumama sa ayaw mo't hindi. Maliwanag ba?"] dire-diretsong sabi ni Mommy mula sa kabilang linya.
Nagkatoon lang ba na United States din kami lilipat? Sabi kasi ni Thea, sa United States din daw sila lilipat. Kung gano'n...
"Yes! Yes, Mom! Sasama ako sa inyo." ecxited kong tugon.
Nagpaalam na si Mommy at ibinaba na niya ang tawag. Teka? Nasa ibang bansa lang sila noong mga nakaraang araw ah. Lumipat na naman sila Mommy? Tss! Kapag para talaga sa negosyo, hindi na nila alintana ang perang ginagasta nila makapunta lang sa mga meetings.
Oo, mayaman kami. Marami kaming pera. Kaya nga nagawa ko pa noon na maging babaero nang dahil sa bored ako at wala akong magawa sa buhay ko noon.
Oo na, bad boy na kung bad boy. Nagbago naman na ako ngayon 'di ba? Nagbago ako kasi may tunay na akong mahal, at si Thea lang 'yon. Wala ng iba pa.
Wait, kung sabihin ko na kaya kay Thea na pupunta rin kami ng United States. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Sigurado akong magiging masaya siya kapag nalaman na pupunta kami ng United States at doon na rin kami maninirahan.
Saktong tatawagan ko na sana si Vale nang biglang may pumasok na maid sa kwarto ko kaya napatingin ako doon.
"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas." aniya.
"Sige po, Manang Helen. Bababa na po ako. Sabihin niyo na lang po na hintayin na lang akong lumabas." bilin ko sa maid namin bago ito tumango at umalis na.
Dali-dali akong nagbihis ng maayos at komportableng damit saka nag-toothbrush at inayos ang sarili para magmukha akong presintableng tingnan.
Lumabas na ako kaagad ng kwarto ko nang makapag-ayos na ako ng sarili. Pero nagulat ako nang mabuksan ko angain door ng bahay namin. Hindi ko lubos akalain na nandito siya at magpapakita sa akin ngayon!
"Gale?" banggit ko sa pangalan niya.
"Kuya?" bigla niya akong niyakap. "Kuya!" tawag niya sa akin.
Niyakap ko na rin siya. Ilang sandali pa't narinig ko na ang mga hikbi niya at heto ako, tindi pa din makapaniwala. Gulat na gulat sa nangyayari ngayon.
"I've missed you so much, Kuya..." aniya habang umiiyak pa din.
Si Gale ang kapatid kong babae. Matagal na siyang nawawala simula noong naglayas ako ng bahay at lumiko ng landas. Naglayas siya ng dahil sa sama ng loob sa mga magulang namin. Hanggang sa nalaman ko na lang kila Lola na nandoon siya sa bahay nila noong mga panahong 'yon. Kaya hinayaan ko na lang.
Adopted child si Gale. Kaya hindi siya gaanong pinapansin nila Mommy. Sabi nila malaki na daw si Gale at kaya na niya ang sarili niya. Pero hindi ko pa din siya pinabayaan.
Hindi alam nila Mommy na nandoon kila Lola si Gale. Ang tanging alam nila ay may nakapulot sa kanya at inampon siya ng mabuting mag-asawang walang anak at dinala sa United Kingdom. Pero ang totoo ay nandito lang talaga siya sa Pilipinas at naghahanda ng lumipad papintang United States kasama sila Lola.
"Na-miss din kita, baby." tugon ko at niyakap ng mahigpit ang kapatid ko na matagal ng nawawala.
***
Thea's POV
---
Papunta ako ngayon kila Vale. Gusto ko kasi, sabay kaming papasok sa school ngayon. Gusto ko siya ang unang makapansin sa akin ngayon.
Nasa kalagitnaan ako ng pagda-drive, biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko agad iyon sa bulsa ko at sinagot ko agad.
Si Daphnie tumatawag. Ano namang kailangan nito sa'kin?
"Hello, Dap. Bakit napatawag ka?" panimula ko.
["May kailangan kang malaman. Dali!"] aniya mula sa kabilang linya.
"Ha? Papunta ako kila Vale ngayon."
["Ano?!? Huwag mong ituloy! Please! Huwag!"]
Luh, napa'no na ba 'tong babae na 'to? Ano namang problema niya kung pupunta ako kay Vale? Bawal ba? Pero bakit?
"Bakit naman hindi ako pwedeng pumunta doon? Girlfriend na niya kaya ako."
["H-ha?"]
"Hatdog." pambabara ko.
["W-wait, tama ba ako ng pagkakadinig? As in... kayo na ni Vale? Official na ba?"]
Ayy, oo nga pala. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na sinagot ko na si Vale kagabi, na kasal na lang ang kulang para maging Mrs. Morales na ako. HAHAHAHAHA! Pero hanggang pabgarap muna ngayon. Saka na lang 'yon.
"Oo, kagabi lang."
["Ouch, nasa iyo na lang kung pupunta ka ba talaga sa bahay nila Valr o hindi. Malaki ka na. Baka magsisi ka lang kapag nalaman mo ang tinatago sayo ni Vale. Sorry, Thea. Pero kailangan mo talagang malaman eh. Basta! Ayoko ng magkwento pa. Ang gusto namin ni Nixie, dapat ikaw ang makakita mismo."]
Ano ba'ng pinagsasasabi nitong babaeng 'to? Mga mongoloid talaga sila. Tsk! Ewan ko kung anong nakain ng mga kaibigan ko ngayon. May kakaiba sa kanila.
"Tss! Ewan ko sa inyo! Bahala na nga kayo." sabi ko at pinatay na ang tawag.
***
At sa wakas! Nakarating na ako sa bahay nila. Vale. Bumaba na ako kaagad pero nagulat ako sa nakita ko. Para akong nadikit sa kinatatayuan ko.
Ano 'to?
Bakit may kayakap ibang babae si Vale? Bakit sobrang sweet nila sa isa't isa? Ang higpit pa ng pagyayakapan nilang dalawa. Akala ko ba ako lang. Bakit may iba na siya agad? Bakit ang saya pa nila? Samantalang ako, ito, nakatayo at pinapanood silang masayang nagyayakapan habang unti-unti akong dinudurog ng sakit.
At narinig ko pa ang mga salita na dumurog lalo sa pagkatao ko na hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa sa akin ito ni Vale.
"... Na-miss din kita, baby."
Aray.
Ang sakit! Ang sakit, sakit!
"Vale?" mahinang banggit ko sa pangalan niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko.
Bumitaw ng pagkakayakap si Vale sa babae nang makita ako at gulat na gulat na napatingin sa akin. "T-thea... let me explain everything." nauutal na sabi nito.
"You don't need to explain! Now, I know everything. Pinaglaruan mo lang pala ako habang wala 'yang girlfriend mo! T*ngina mo, Vale! T*ngina mo!" sigae ko sa kanya at nagmadali na akong umalis sa lugar na 'yon.
Tama si Daphnie. Sana hindi na lang ako pumunta doon! Sana hindi na lang ako dumalaw sa bahay niya! Ang sakit, ang sakit nung narinig ko. Bakit niya nagawa sa akin 'to? Bakit?!!!
BINABASA MO ANG
EVEN IF SHE HATES ME - BS #3 [COMPLETED]
Teen Fiction[UNEDITED] BESTFRIENDS SERIES #3 Hanggang kailan mo titiisin ang nararamdaman mo para lang maisakatuparan mo ang dati mong naging pangako sa sarili mo? Hanggang kailan mo kayang tiisin ang lahat ng sakit para lang maipakita mo sa taong mahal mo na t...