Prolouge

1K 21 27
                                    

Prolouge

Eupheria: Ito po ang pangalawa kong story dito sa wattpad. Kapag walang maisip para sa My First Chaotic Love Story (makapag promote na din. hehe(^___^) ), asahan nyo, nandito ang diwa ko. Haha..

Babala: Kathang isip lamang po ito. Kung hindi kayo komportable sa title, eh di wag nyo basahin. Produkto lamang ito ng aking weird na yutak.

Enjoy!

Prolouge:

Luci Fer's P.O.V.

Nabasa nyo ba ang title?

Hindi nagbibiro si author... Ako. Si. Luci Fer. I am Luci Fer. As in L-U-C-I-F-E-R. Wag nyo basahin ng diretso. Lucy. Space. Hinga muna bago sabihin ang...... Fer. Gets?

Nakikita nyo po ba yang picture ng magandang babae sa gilid? Ako po yun. Yan na siguro ang sinasabing hindi lahat ng bagay binibigay sa tao. Haha!!!!! Ang kapal lang ng protagonist. Maganda na raw kasi ako, kaya kahit di na yung name. Haha. Charot! Joke lang po ang paragraph na 'to. Gusto ko lang umepal ng kaunti.

Ano ba naman.... Alam ko hindi lang ako ang nag-iisang may pangit na pangalan.

Yun bang awkward? o hindi matino?

Relate?

Kung bakit ba naman hindi muna inisip ng magulang ko kung ano kalalabasan ng pangalan ko kapag dinugtong ang Luci (first name) sa Fer (surname). Luci + Fer = LuciFer!

Pwede namang Grace Fer.

Aria Fer.

Alex Fer.

I am Fer?

Ba't Lucy pa?

Sabi ni Tatay, Lucy Fer daw dapat. Hindi Luci Fer. Nagpakonswelo pa sya... Infairness... Ang kaso, yung sekretarya dun sa munisipyo, ginawa ba namang i yung y?! Asar !

Sabi ni Tatay, malalaman ko daw pagdating ng takdang panahon.

Hay...

Meet Luci Fer.

Isang ordinaryong dalaga na nabubuhay sa isang hindi ordinaryong mundo. (Hephep! Hindi po ito yung may mga power o churvaness.)

Hindi ordinaryong barangay lang pala.

Sa isang barrio na nabubuhay sa makalumang paniniwala at kultura, at sa bawat malas na nangyayari sa buhay ng mga tao roon ay sa'kin isinisisi dahil lamang sa pangalan na Luci Fer?

Pero tiniis ko lahat ng tsismis at pangungutya tungkol sa'kin hangang matapos ko ang high school with flying colors. Ang kaso, lalong lumala ang mga bulong bulungan na kampon daw ako ng dilim. Kaya daw ako ang naging Valedictorian ay dahil ako si Luci Fer at hindi si Laila na sya namang nag salutatorian. Yun ang sabi ng lola ni Laila.

Hangang sa may pangyayaring nagudyok sa'kin na lisanin ang munti naming barangay.

Nawala na parang bula ang aking mga magulang.

Pati mga gamit namin.

Tinakbo ko yung mga damit ko, wala na rin. ( T ^ T)

Pagpasok ko sa bahay galing sa isang awarding ceremony na kung saan ako nanaman ang first, may nakita akong folder sa ibabaw ng lamesa na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa'kin. At my note.

Luci Fer,

Huwag mo kaming hanapin. Pumunta na kami sa abroad. Ginamit namin yung napanalunan mong trip for two sa kung saan. Graduate ka na ng high school kaya kaya mo ng mabuhay mag-isa.

Dinala nga pala namin ang iyong laptop, cellphone at tablet na napanalunan sa mga contest. Bayad mo na rin sa'min sa pagpapalaki sa'yo. Kulang pa nga kaya wag ka magreklamo.

Yung mga gamit sa bahay binenta na para sa pocket money. Yung mga damit, pinakilo na namin sa ukay.

Naging i yung y sa Lucy mong pangalan dahil matagal bago nabayadan yung utang sa registrar sa munisipyo kaya napagtripan nung registrar yung name mo. Ngayon alam mo na.

XXX.

P.S. Kapag may mga dumating dyang mga lalaki in black, saibihin mo umalis na kami. Nagpakalayo layo. May utang lang naman tayong 10,000,000. In pesos yan 'nak. Bahala ka na.

Congrats at first ka nanaman. Kung ako sa'yo ipakilo mo na rin yang medals sa envelope. Balita ko mahal daw ang tanso sabi ni Berting.

Dahil sa note na'to, nagbago ang direksyon ng aking kwento.

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. May ganun palang mga magulang?

Hindi ko na namalayan, umiiyak na kong mag-isa sa madilim naming sala. Naputulan nga pala kami ng kuryente. Hindi pa ako tapos magemote ng maybiglang pumasok sa bahay namin.

(T____T)

"Ikaw ba si Luci Fer?" parang natatawa na naiinis na tanong nung lalaking nakablack.

"Opo."

"Nasa'n mga magulang mo?"

"Umalis na po."

"Sa'n nagpunta?!"

"Hindi ko po alam."

"Sinungaling! Anong hindi mo alam?" sabay hinawakan nya ako sa braso.

"Eh sa hindi ko nga alam eh!" parang biglang uminit ulo ko. Hindi ko alam, bigla na lang ibinuhos ko lahat ng galit na nararamdaman ko sa mga mamang mukhang bodyguard.

Away kami. Bugbugan. Sipaan. Hindi ko na alam gagawin ko ng biglang may humawak sa kamay ko ng mahigpit kahit nagpupumiglas ako.

Pag-angat ko ng tingin, nakita kong nakasilip sa bintana at pinto ng bahay yung mga kapitbahay. Puno ng galit, suklam, awa, pagkainis, takot at kung ano ano pang negatibo. Nakapalibot sa'kin yung mga lalaking nakaitim na duguan. Habang ako naman, natatahuban ng bangs yung buhok at mukhang ewan.

"Sabi na sa inyo si LuciFer yan eh..."

"Tara na pumasok na tayo.. Baka kulamin pa tayo nyan eh."

"Mga kapitbahay pumasok na kayo sa loob ng inyong tahanan!"

Bigla na lang may kumuyog sa'kin sa loob. Yung mga kapit bahay ko tinataboy ako.

"Malas ka!"

"Salot!"

"Hindi ka na kinaya ng mga magulang mo kaya sila lumayas! Malas ka sa'min!"

"Kaya hindi umuunlad ang barangay eh!"

"Aray! Tama na!"

"Aray sabi eh!" naiiyak nanaman ako. Pero pinipigilan ko lang.

Sa hindi malamang dahilan, lalong nagalit yung mga kapit bahay ko at yung humawak sa kamay ko para pigilan ako sa pambubugbog ay hinila ako at isinakay sa sasakyan. Hindi na rin naman na ako hinabol ng mga dating kapitbahay.

"Te-teka sa'n mo 'ko dadalhin?"

Hindi nya ko nilingon. May nilabas syang cellphone at may tinawagan. "Men do what you have to do. Follow me when you're done."

"Sino ka? Anong kailangan mo? Wala kang makukuha kahit isang kusing sa'kin! Pababain mo na'ko!"

"I'm Angelo Heaven. "

"Haha.... Nag jojoke ka sir? Ako naman si Luci Fer."

"I know. You're Luci Fer. I'm Angelo Heaven and YOU OWE ME 10,000,000."

( 0 O 0)

Nagbibiro ba ang tadhana?

10,000,000?

Abangan ang next chap!

Pakibasa na rin po ng My First Chaotic Love Story. Salamat!

Vote, comment and be a fan! Yung gusto lang:)

Luci Fer on EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon