2: Luci Fer meets Sun Pedro

424 13 7
                                    

Bagong update din po yung My First Chaotic Love Story.  Enjoy!

Luci's P.O.V.

" Halow.... Tao po?" Nasa tapat na'ko ng magigi kong bagong bahay. Feel na feel lang. Haha.  Ito daw yung bagong bahay para sa mga bagong tauhan/katulong/alalay ng Heaven's.Puno na kasi yung isang bahay kaya nagpagawa ng bago. An sosyal naman pala ng mga katulong dito. Para daw hindi ma homesick kaya bahay talaga at hindi maid quarters. Sino kaya makakasama ko? Sana naman yung matino.

"Tao po?"

"Sino yan?" biglang bumukas yung pinto.

O o O

Oh my gulay!

Sobrang tino naman po ng makakasama ko. Nagshishare ng blessings.

Ano yung blessings?

Tandandandan!!!!!!

May nakahain lang naman na anim na pandesal sa aking harapan,. Ohhhhhhhh....haaaaaaaaaaaa?  Waaaaaaaaaaawwwwwwwwwww..... Thank you Lord! Tenkyu!

"Ikaw ba si Sun Pedro?" Hindi ako gumamit ng po kasi parang kaedad ko lang yung lalaking may basang buhok at nakatapi ng tuwalya. Magkaedad? Bagay kami! Hahahaha... Joke lang naman.

"You are?" sabi nung hot guy. Aba.. Engleshero pati gardener.

"I'm Luci Fer."^___^

"Engleshera na pala talaga si Inday. Akala ko sa text lang. Haha. Tara. Pasok ka."

"Nagtatagalog naman pala eh."

"Akala ko kasi isa ka sa mga barkada nung Angelo. "

"Waaw. Binibisita ka nila personally? Ang sosyal mo namang gardener. Close ka din sa friends ng boss."

"Uhm... Hindi naman,. Malalaman mo nalang.Nasa'n nga pala mga gamit mo?"

"Uhm... Wala eh."

"Kahit underwear man lang?"

Manyak ba 'to? Bakit underwear pa ang kailangan nyang itanong?

"Hep! Wag kang magisip ng masama. Isa pa, matataas ang taste ko. I prefer yung mga porselana ang kutis. Kaya kahit tayo lang dalawa sa bagong bahay na 'to, di kita kakabtiin!"

"Kakantiin?! Agad-agad? Waaaw.......... An sosyal mo ring gardener no? Talagang porselana." sabi ko.

"Bakit? Wag mong sabihing gusto mong pagnasaan kita?  "

"Hah! Kapal! Hindi ko alam ganito na pala ang San Pedro ngayon."

Sun Pedro's P.O.V.

Ako lang naman ang nasa picture. Yung sa gilid po. Gwaping di ba? Bwahahahah.

Ansarap asarin netong bago kong kasama sa bahay. Ang cute eh.

Nabigla nga ako na ang bago kong makakasama ay babae. Ibig sabihin, mataas ang pagtingin sakin ng boss. Nanirerespeto ko ang mga babae at hindi mapagsamantala. Hindi ko bibiguin si boss.

"Hot naman! Bwahahahaha" sagot ko kay Lucy.

"Sunugin kita dyan eh!"

"Bwahahahaah. Si Luci Fer ka nga."

Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww.........

Uh...oh...

"Ahehehehe.. Me pagkain ka ba dyan?"

"Haha. Gutom lang pala makakapagpatahimik sa'yo. Tara sa kusina" alok ko kay Lucy.

"Kusina to ng katulong? May ref! Andaming gulay oh! Waaaawwwww."

"Pag nagtagal, masasanay ka na rin sa pamamalakad nila. Ang bait nga nila eh. Hindi ka lang sa kanila masasanay, pati sa kagwapuhan ko. Tsk."

"Waw.. Kaya naman pala ambilis gumalaw ng mga ulap. Ang hangin ni San Pedro. Haha..."

"Haha.. Kain na."

"Ayaw mo bang mag-tshirt?">///////////////////////>

Ang lapit nya kasi nung nagserve ng food tapos nakatowel lang sya.

"Bakit nasisilaw ka ba sa gandang lalaki ko?"

"Waw... Kaya pala kahit may ulap grabe pa rin ang init na tumatama sa lupa."

"Para mo na rin sinabing nasisilaw ka sa gandang lalaki ko?"

Luci's P.O.V.

Wala. Suko na ko sa kakulitan nitong si Sun Pedro. Kumain na lang ako.

Munch. Munch. Munch.

"Ang cute mong kumain." nakapangalumbaba sya sa mesa habang nakatitig sa'kin.

"Cute rin yung sa'yo."

"Talaga?" Nakakiller smile sya.

"Wag kang epal. Yung t-shirt. Ang cute." munch. munch. munch.

"Hahaha. Pwede ba kitang tawaging Lucy? "si Sun.

"Uhm.. Oo naman."

"Eh di tawagin mo kong Sun. Ok ba?"

"Oo naman."

^___^ smile lang kaming dalawa.

After 1 hour...........

"Eto pala ang Divisoria?" tanong ko kay Sun.

To make the story short, binigyan ako ni Boss(yung father nung Angelo) ng pambili ng damit at kung ano pa. Dahil sa mapride ako, pinilit kong ibawas na lang sa sweldo. Gusto nila sa mall na daw ako bumili, pero pinilit ko rin kay Sun na sa divisoria na lang para mura at may pocket money pa ko. Hehe. Eto ang simula ng pagtitiis para sa 10,000,000.

"Oo. Tara. Kailangan makapamili na tayo ng damit mo kasi kailangan pa nating magtrabaho bukas." tapos hinawakan nya kamay ko.

"Uhm.. Ano. Hindi mo naman kailangan hawakan kamay ko eh." 

"Kinikilig ka no?"

"Di ahh. Di na ko bata. Hindi ako mawawala." pinipilit kong mawala sa pagkakaholding hands.

"Weeh? Sa dami ng tao, kapag lumiko ako sa isang sulok, di mo na ko mahahanap sa dami ng nagsisiksikan. Gets? Kaya wag ka ng maangal."

"Ok."

"35." sabi ko.

"34." sabi ni Sun.

"35."

"Ineng, gusto mo maluwag ang bra mo? Sampung taon na kong nagtitinda rito. 34 yan."

"B po?" tanong ko.

"A." sabi ni Sun. sabay killer smile.

"Hay ang mga kabataan sa ngayon. Ekspert ka boy ahh.. SIguro matagal na kayong nagsasama. Tanchado mo eh.. Daig mo pa mister ko. Hahahaha.."

"Po?! Nag---"

Tinakpan ni Sun yung bibig ko. Wag ka ng dumaldal. Mapapatagal pa tayo dito eh. Dadaldal pa yan!

"Magkano po?"

After 2 minutes...

"Tawad pa po. Isang dosena na bibilhin ko eh."

"Malulugi ako sa'yo ineng. Last price na yun."

"Tara na Sun. Lipat t'yo."

"Hah? Eh grabe na nga tawad mo eh!" sabi ni Sun sabay kamot sa ulo.

"Hay.. SIge na nga ineng.  Isang dosena sa pinakabagsak na presyo. Record breaker ka sa tawadan! Nakowwwww... kung hindi lang gwapo yang boypren mo. " sabay kindat kay Sun.

"Ahahahahaha. Salamat po." natawa ako.

At natapos ang pamimili namin sa ganung paraan. Pacute si Sun. Tawad ako. Tapos,Reklamo. Tawad. Bili. Kaya grabe ang tipid. Sulit! 

Pagpapayaman Tip #1: Kung mamimili, magsama ng cute guy upang makatawad to the nth level.

Vote, comment, be a fan! Add sa RL. Salamat po sa support! Basahin nyo rin yung My First Chaotic Love Story. Mas marammi na pong chapter yun,.

Good night! ^___^

Luci Fer on EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon