Ngayon lang ako nakapag UD kasi ineenjoy ko ang bakasyon.. Haha..
An totoo po nyan ay nasa paanan po ako ng bundok at abala sa mga gawain... Alam nyo na? Hehe....
Anyways....
Angelo's P.O.V.
Tapos ng kumain ang mga kumag....
Dahil sa sobrang pagod kaya naman nagtuloy tuloy na sila sa kanya kanyang room.
Mabuti ngayon kasi tahimik na eh....
Kumuha lang ako ng yakult at pumunta na sa may gilid ng pool.
Ano ba yan....
May eepal pa eh...
Chapter ko na sana 'to... Ako na nga nagPPOV may umeepal naman....
Si Luci....
Umiiyak sya sa gilid ng pool habang nakalublob ang paa.... Imagine na lang kayo...
Umupo ako sa tabi nya... Kawawa eh....
"Oi Luci. Kapag naglasang dagat yang pool, papainom ko sa'yo yan...." Alam nyo namang maalat ang luha di ba? Try nyo lasahan minsan :)
that's my way of saying.... Luci wag ka ngang umiyak... tahan na...
Author: Tologoh? Mas mahirap pa ata intindihin utak mo sa makata? Haha...
"Birthday kasi ni Nanay eh... Namiss ko lang."sabay pahid nya ng luha sa pisngi.
"Kadiri naman to may uhog!"sabi ko sabay abot ng panyo.
"Uso yan! Haha..." sabay singhot....
Talagang nandidiri na ako kay Luci.. Ang uhog uso ngayong summer?
"Excuse me lang boss..." May tumutulo nanaman kasi sa ilong ni Luci... As in eeeeeeeeewwwwwwww.....
Bumababa uli yung sininghot nya kani-kanina lang kaya ang ginawa nya is ibinuga nya na lang sa panyo....
YUUUUUUUUUUUCCCCCCCCCCCKKKKKKKKKSSSSSSSSSSSSS!
"Ano ba yan Luci?!"sabi ko. Namasa talaga yung panyo ko eh.. Dumidilaw dilaw pa... Eeewwww..... Branded pa naman....T___T
"Kung ayaw mong makakita ng may uhog, umalis ka na lang... Arte netoh...."si Luci.
Nagcocomfort lang naman eh....
"Birthday ng nanay mo?"tanong ko. As if to confirm something. Alam ko namang nagets ni Luci kung ano yung gusto kong malaman.
"Oo. Nang nanay ko. Alam ko namang kinupkop lang nila ako kaya hindi talaga sila ang tunay kong mga magulang. Sino bang magulang ang iiwanan ang anak sa ere ng may milyon milyong utang?"she said while trying to smile.
May point naman si Luci.
"Pero you said namimiss mo sila?"
"Oo naman. Kahit papano, sila pa rin naman nagpalaki sa'kin. Saka ngayon lang nangyari na birthday ni nanay at di nila ako kasama.. Hehe.."
Silence.....
Okay. Yung moment na bigla na lang natahimik ang paligid... Masaya yun.... Awkward...
Binigyan ko na lang sya ng pack ng yakult at straw....
"Baka naman may charge to Boss Angelo?"sabi ni Luci. Hindi nya pa inaabot ang yakult.
"Wala. Donation yan."
"Oi.. Libre... Salamat!"ngiting ngiti na sya...Nalibre lang?
"Poor ka kasi."
"Ouch.. Akala ko pa naman may anghel na talaga yang pangalan mo... Yun pala... Ansama mo...Alam ko namang poor ako.. Pinagdiinan pa eh.."
"Hahahahahaha.. It's a joke!"sabi ko.
"Ahahahahah...Ganyan ba magjoke ang mayayaman? Boss Angelo Nakakasakit eh...."sarcastic na sabi ni Luci...
"Uhm... Sorry... Hey, you can call me Gelo. Friends?"^___^ Inabot ko yung kamay ko.....
"Friends?!"O o O
"Oo naman. Ayaw mo?"
"Ikaw? Nag-aalok ng friendship sa dukhang katulad ko?"sabi ni Luci.
"Para maiba naman.... Puro na lang kasi mayayaman ang friends ko... Hehe.. Pero seryoso.. friends?" nakalahad pa rin ang kamay ko.
"Oo naman.... Nice meeting you Gel-o"nagshakehands kami ni Luci.
"It's Gelo.... Not Gel-o"
"Ayaw mo nun? Unique! Gel-owwwwwwwww.... Parang food lang.. Haha... Joke pangmayaman yun Gelo.. Corny. Tawa naman dyan... Haha.."
"Bwahahahahahahahahahahahahhaahha" I gave my best to laugh so hard.
Napansin kong natigilan si Luci.
"Sige.. Shabu pa!"
"What?"nahinto ako sa pagtawa.
"Sabi ko kasi tumawa ka. Eh humalakhak ka ba namang pangabnoy.. Haha... Baliw!"
Ayun sabay kaming nagtawanan.. Ang corny nga namin eh....
"Ay Gelo, ba't nga pala ikaw ang may direct control sa'kin? Saka nung unang beses tayong nagkita, sabi mo ay I owe you? Eh di pera mo yung 10,000,000? Pero-----"
"Oo. Nung araw na nangutang yung mga magulang mo, kasama ako ni Daddy. Baby pa rin lang ako noon, pero yung 10,000,000 eh galing sa alkansya ko"
"Alkansya? 10,000,000?"
"Oo. Idedeposit na sana yun sa bangko. Eh cash na yung kailangan eh.. Puro card ang laman ng wallet ni Dad kaya... Ganun.."
"Baby ka palang pero nagka10,000,000 na alkansya mo? Wow...."
"Oo. Mga bigay-bigay ng kakilala. Naipon."
"So sa'yo talaga ako may utang?"
"Oo. Dahil akin nga yung 10,000,000. Kaya akin ka."
Pasensya na po kung medyo matagal ang update. Hehe.. Good night!
Obongon na lang ang next chap nandun yung katas?! Haha.. Ah ewan.. Abangan!