1: Langit Lupa

438 17 7
                                    

#Destiny? Dedicated po 'to sa isang fan. Nakakatuwa kasi syang kachat. Hehe.

Angelo's P.O.V.

Picture ko yung nasa gilid. Ano? May angal sa kagwapuhan ko? Haha... Character ako. Reader ka lang. Wag kang epal. Haha.

"Oi.. Gising na."

"Oi. Luci. Wake up!" Tulog mantika!

As much as possible ayaw ko bangitin pangalan nya pero no choice.....

"Luci Fer!" sinigawan ko sya sa tenga sabay yugyug sa balikat nya.

"Mmmmnnnn.."

Aba't nagreply? Talagang sanay na syang tawagin ng mga taong Luci Fer.

"Lucifer!!!!!"

"Maglalaba na po!"

"What?"

"Nay?"

"Do I look like an old grump to you?!" sigaw ko.

"Napipicture out ko sa future. Ganun nga."

"What?!"

"Hindi po 'ko bingi. An lapit po natin sa isa't isa sir. Di nyo kailangan sumigaw. " sabi nya habang nagtatangal ng muta. Arrghh! Gross!

"Fine. Follow me." sagot ko na lang.

Luci's P.O.V.

"Welcome back young master." bati ng mga maids sabay bow.

"Waaaw... Astig ang cosplay niyo ahh... Uniform talaga lahat... Araw-araw ganito ba dito sir?" tanong ko dun sa Angelo.

TIningnan lang ako ng masama nung Angelo.

"Where is he?" tanong nya dun sa nakabow na lalaking nakauniform din.

"He's in his office right now, young master."

Tapos dumiretso na ng alis yung Angelo. Ahmm.. sa'n na ba ko?

"Hey, you! Follow me."

Tumingin ako sa likod ko kasi baka hindi naman ako yung inuutusan nya di ba?

"Luci. Follow me." naiinis nyang tinig.

Hindi man lang siya nagpasalamat sa pagsagot nung matanda?

"Ahmm... salamat po sa pagsagot. Tapos nagbow din ako dun sa matanda."

Nagsmile lang yung matanda sa'kin.

Tapos takbo na ko para makasunod sa mabibilis na step nung Angelo.

Baka kasi maligaw ako sa lawak ng mansion.

After 5 minutes na paglalakad sa mansion, hay.. kapagod lang ha...

Tumigil sya sa isang malaking pinto at huminga ng malalim.

Tapos biglang bumukas yung pinto.

"Welco-----------------" Pok! isang matanda nag patakbong yayakap dun sa Angelo.

"A-aaray!!!! Aray!" tumama yung noo nung matanda sa baseball bat.

Sa'n kaya nakuha agad-agad yung bat?

Ano to anime?

Anyways....

"Ahem...." tumikhim yung matanda at nakaupo na sa swivel chair.

"You are?" nakatingin sa'kin ng diretso.

"Luci Fer Sir."

"Bwahahahahahaha.."

"You're joking right?"

"Hindi po sir." pinipigilan ko lang yung inis ko.

"Take a sit. Uhm... So Luci Fer? You're name sounds familiar...."

Tiningnan ko ng masama yung matanda.

"Wait lang hija.. I dont mean Lucifer from you know?... Ahah! You're the 10,000,000 girl year 1994!"

"Po?"

"Pasensya na hija. Mas madali ko kasing matandaan ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng numero."

"Ahh.. ."

"You see. Your parents signed a contract year 1994, you're just a baby back then. Kalong-kalong ka nila then nangutang sila ng 10,000,000 para daw mapagamot ka. You're so cute, sayang naman kung mamamatay ka kaagad kaya pinautang ko sila. " parang wala lang na sabi nung matanda.

"Eh.. ano po yung contract?"

"After 18 years, babayadan nila yung 10,000,000. Kung hindi, you'll work for us hangang sa makabayad ka." (^___^)

"Ahhh..."

"You sound so relaxed hija. You can cry, pwede ka ring magwala! After all, sino ba hindi mawawalan ng ulirat kapag nalamang may utang silang 10,000,000?" Naaawang tingin sa'kin nung matanda.

Ngumiti lang ako.

"Kailan po ko pwede magsimula? Kahit ano pong bakante tatanggapin ko."

"Oh. You've decided that early. Gardener lang ang bakante sa mansyon. Ok lang ba?"

"Wala na rin naman na po akong mapupuntahan. No choice din naman po. Ano po ang terms and conditions?"

"You'll start working tomorrow. Basta 8 hours a day. 10,000 a month with free meals and tirahan. Hows that?".

"Deal!"

"Good. Welcome to the Heaven's."

"Maraming salamat po."

"You can go to Sun Pedro now."

"Po? Gusto nyo na'kong patayin? Pwede po bang after ilang years na lang ako pumunta kay San Pedro?" kinakabahan kong sabi.

"Haha... I mean Sun Pedro. He'll be your buddy in the garden."

"Nagjojoke po ba kayo?" Ang amo ko ay Heavens. Ang makakatrabaho ko ay si Sun Pedro?

"Isn't it great? Luci Fer and Sun Pedro working together. Haha... I wonder what will happen..."

(O o O)

Kakakilala ko palang sa isang Anghel na galing sa langit (Angelo Heavens) tapos si San Pedro naman ang next?

O . o

Luci Fer on EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon