Chapter I - APPLICANT 30

21 0 0
                                    

"No. 29 next na po! Makikiayos nalang po ng pila"

Mag aalas dose na nakapila pa din ako dito, kung sabagay nasa 29 na ang iinterviewhin at pang 30 ako konti nalang! Kaya mo yan Hera!

"Cut na ho muna tayo may biglaang meeting na magaganap" anunsyo ng gwardya

"ANO?! Ay sorry kuya di ko po sinasadyang sumigaw pero... Bakit po? Ako nalang naman kuya oh last nako baka naman pede ihabol?" tanong ko dito

"Pasensya ka na hija, sinabihan lang din ako mula sa HR eh bumalik ka nalang ulit bukas" sagot naman ng gwardya sa akin

"Pero kuya, ang aga aga ko na po pumila kanina" ayoko namang masayang yon paggising at paggayak ko ng sobrang aga

"Nako pasensya na talaga ineng" wika nito at tinalikuran na ko ng tuluyan

Bakittttt??? Gusto ko lang naman magkatrabaho, kumita kasi kailangan talaga

Bigo nanaman ako, pang ilang office na ba to na inapplyan ko? Hindi ko na mabilang

"Aray!" anak ng tokwa! ANG INEEEET!

"Oh! I'm sorry! Miss okay ka lang ba?" tanong ng isang lalaking anlakas ng loob magtanong kung okay lang ako eh ang init init ng kapeng natapon sakin!

"Ano?! Anong okay?! Ang init init nung kape oh anlawak lawak naman kasi ng daan san ka ba--"

"Miss magdahan dahan ka nga sa pananalita mo hindi mo kilala ang nasa harapan mo" singit naman nung isang lalaki sa likuran nito na nakashades pa

Nasa loob ng building nakashades sige nasaan ang araw dito grabe

"I'm sorry again miss... What's your name again?"

Nagbalik ang atensyon ko sa lalaking nakabangga sakin

May edad na pala ang lalaking ito at naka suit pa sya, may dalang brief case at sa isang kamay naman ay yung baso na wala ng laman ngayon dahil natapos na saakin

Mukhang mataas ang posisyon nito dito, yare talaga ako nito lalo

"Hera po"

"Ahh yes.. Again I'm sorry hija nagmamadali lang talaga ako. Greggo ikaw ng bahala dito I really need to go. Miss Hera siya na ang bahala sa gulong ito and I'm sorry again" sabi nito at umalis na

Sino ba yun? Gutom lang yan Hera... Gutom

"Ehem miss" tikhim naman nung lalaking naiwan eto yata yung Greggo?

"Ngayon lang kita nakita dito ah. Bago?"

"Hindi po mag aapply ho sana ako kaso bukas na daw po ulit yung interview"

"ahh... Applicant huh. Goodluck miss dahil nakabangga at nasumbatan mo ang may ari ng building na to" ngumiti pa ito ng pang asar ano ba to tutulungan ba ako nito oh aasarin lang?

Pero teka... M-may ari? Kung siya ang may ari nito edi siya ang... Boss?

"Ano? Tutulala ka nalang ba dito miss? Halika na nga" at heto higit higit ako sa braso.. Teka!

"Teka! Huy ano to san mo ako dadalhin?!" pag angal ko dito

"Kuya- Sir.. Kailangan ko na umalis maghahanap pa ako ng trabaho" sabi ko dito

"Sa tingin mo may kukuha sayo sa itsura mong yan? Look at your clothes ang dumi dumi na saka malalagot ako kay Tito Anton kapag hindi ko sinunod ang utos nya" wika nito

"Miss... Ano nga ulit name mo?"

"Hera po"

"Oh.. Miss Hera, I'm Greggo Alvarez. Nice to meet you"

Nagtungo kami sa ground floor ng building na ito

Malaki ang building mayrron ata siyang 40+ floors at kanina ay nasa 4th floor kami dahil nandoon ang HR department

Parang mall ang type ng kompanya dahil sa ground floor ay makakakita ka ng restaurant at mga stores

Nakasunod lang ako kay sir Greggo at sa isa nitong kasama na mukhang bodygaurd ata

"We're here. Hurry up, pili ka na ng gusto mo at dalhin mo sa cashier" saad nito ng makarating kami sa isang clothing store

Nag ikot ikot ako sa loob, ang gaganda ng mga damit! Nako paniguradong napakamahal ng mga ito kahit ibenta ko lahat ng gamit ko ay hindi ko mabibili ang mga ito

Nakakita ako ng isang white long sleeves na blouse na may black lace na naka ribbon sa may collar nito

Lumapit ako para tingnan ito

"5,000"

Ang mahal! Renta ko na yun sa apartment at pangkain at pang gastos ko ng isang buwan kaya ko pang tipidin para makaabot sa susunod na buwan!

"You like that?"

"Kamoteng kahoy! Eh! Ano ba yan"

"Sorry hahahaha so ano? Yan ba?"

Gusto ko nga to kaso ang mahal

"M-maganda sya... Oo gusto ko kaso ang mahal po hindi ko po kayang mabili mga presyo dito"

Kung papayag to sa labas nalang sana ako bibili ng damit. Okay nako sa ukay maganda din naman mga damit imported pa yung iba tapos mura lang

"Okay... Miss! We'll get one of these, pakikuha nalang ng size niya. Samahan mo na rin siya sa fitting room" sabi naman ni sir Greggo sa isang employee

"Okay sir, this way po Ma'am" saad naman nung babae

Sumunod ako dun sa babae at pinapasok nya na ako sa fitting room

Pagkasukat ko sa damit ay lumabas ako para makita sa salamin kung anong itsura sakin nito

"Woah that looks good on you"

Nahiya naman ako, well compliment yon ano ka ba Hera! Magthank you ka

"T-thank you po sir... Pero hindi ko po mabibili to, wala po akong ganitong halaga"pagtatapat ko dito

Tunay naman... Four hundred pesos lang ang dala ko kailangan ko pang tipidin dahil pangtanghalian, pamasahe at panghapunan ko pa to ang matira ay dagdag pang gastos bukas

"Sige na magpalit ka na Hera. Ako ng bahala sa bayarin wag ka mag alala" saad naman ni sir greggo

"Po? Nakakahiya naman-"

"Come on miss kailangan ko na din agad bumalik sa itaas para sa meeting" saad nito

Pagkatapos namin mabayaran ang mga binili, nagpunta ako ng comfort room para magpalit ng damit

Habang palabas nako ng kompanya ay hindi mawala sa isipan ko na wala pa din akong nakukuhang trabaho. Kailangan ko na talaga kumita ng pera para maipadala agad kina mama at mapagamot si Henry, ang nakababata kong kapatid

Hayyy san naman na kaya ako maghahanap ngayon ng trabaho

-----------------------------------------------
Hi guys! Nagustuhan nyo ba ang unang chapter? Mejo maikli pa lang hihihi bawi ako sa mga susunod

Don't forget to vote and comment!
🤍🤍🤍

Loving My Worst Nightmare [ON-GOING]Where stories live. Discover now