Chapter V - FIRST MEET

13 0 0
                                    

Lexa

Akala mo kung sinong mabait. Nandito ako ngayon sa labas ng Lezandro's dahil hindi ko kayang magtagal ng malapit sa babaeng iyon

Bakit ba kasi napakatagal ni Greggo?? Kanina pako nagiintay dito ha wag nilang hintaying puntahan ko ulit sila don

"Uhmm sige Hera.. I had a great time with you"

Pa-cute naman tong isang to

"Let's go" aya ko kay greggo at dirediretsong lumabas ng RGC

Pagkalabas na pagkalabas ko ng building, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko

S-she didn't changed at all. I mean, that face... That angelic face of her... Wait-- No.

Stop it Lex

She's the one who shattered your heart into pieces






"Greggo ano ba?! Bakit mo kasama yun?!" nanggigigil kong tanong kay greggo. Kakasakay lang niya kasi sa kotse niya kung saan kanina ko pa siya inaantay

"Calm down lex naglunch lang kami"

"uggh.. Whatever... I'm going to the office" sagot ko dito

Ilang oras lang ay nakarating din kami agad sa company na pag aari namin, ni dad

"Uyy si Ma'am Alexa ba yon?"

"Wow! Ibang iba na talaga no?"

"Ang ganda pero nakakatakot, tinginan pa lang parang mawawalan nako ng trabaho"

"huy ano ka ba! Wag ka ngang maingay. Sige ka marinig ka niyan tanggal ka talaga"

Bulungan dito, bulungan doon. Akala nila hindi ko naririnig pero alam ko. Rinig na rinig ko usapan nila, pati ang mga matang nakatitig sa bawat pagkilos ko pagpasok pa lamang dito sa opisina

"Good Afternoon Ma'am, sir Greg... Sir Anton is waiting for you inside" bati ng isang babae sa amin at pinapasok kami sa loob ng opisina ng dad

"Hija! Nandito ka na pala, bakit hindi mo ako tinawagan?"

Nakangiti itong lumapit saamin ni Greggo. Hindi halatang may karamdaman itong iniinda at nasa kaedadan na dahil muka pa din itong bagets

"Dad" bumeso muna ako at saka yumakap

"Hija... Ang tagal kitang inintay umuwi dito, mabuti naman at napagdesisyunan mo na" ika nito

"Dad, How are you? Really?" nag aalala kong tanong

"I'm good anak. Hindi naman ako lumiliban sa check ups ko" saad nito at nginitian ako

"hmm. That's good to hear. Kelan pa to dad? I mean when did you know--"

"Louise hija... Let's not talk about that now okay? Magkwentuhan muna tayo kumusta ka na ba? How's Jacob doing? Bakit hindi mo siya isinama"

Ugh. Nakakawala sa mood marinig yang si Jacob na yan.

"Dad matagal na kaming wala ni Jacob. I don't want to talk about him also so please" saway ko dito

Jacob's my ex-boyfriend. Long time boyfriend ko ito dahil mula 3rd year college hanggang last year kami pero nalaman kong niloloko nya lang pala ako, ginawa niya akong tanga.

"Sir-- Uhmm excuse me po but Mr. Villegas wants to talk to you" singit ng secretary ni dad

"Tell him na papunta nako. Louise anak mamaya na ulit tayo mag usap pag-uwi ko okay? Mamasyal masyal ka din muna. I'm sure namiss mo ang Pilipinas"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving My Worst Nightmare [ON-GOING]Where stories live. Discover now