Chapter III - HERA

10 0 0
                                    

Umuwi nanaman akong talunan. Wala eh, hindi nanaman ako nakahanap ng mapapasukang trabaho

Meron na sana kaso naudlot pa

Kakapasok ko pa lang sa gate ng apartment na inuupahan ko ng mapansin si Ben na nakaupo sa labas ng pintuan ko

"Oh ben anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko dito

"Tati nanjan na po pala kayo" pupungaspungas na sambit ng bata

Si Ben ay anak ng pinsan kong si Samuel, siguro ay nasa trabaho pa ito kaya nandidito si ben

Katabi lang ng apartment na inuupahan ako ang kina samuel at ben

"Tati sabi po kasi ni papa puntahan ko daw po kayo. Kakaalis lang din po niya" wika nito

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si samuel

"hello san?" saad ko dito

San ang tawagan namin dahil pinaikli itong pinsan

Bata pa lang kami ay close na kami nina samuel at anna. Si anna ay kasalukuyang nasa probinsya namin dahil kinailangan niyang umuwi dahil nagkasakit daw ang tiyo niya. Magkasama kami sa apartment dati ni Anna at sa kabila naman ay si samuel ngunit simula ng umuwi sa probinsya si anna ay ako na lamang ang natira dito

"san andito si ben, sabi mo daw ay pumunta sya sakin?"

"ayy oo... Pinag oovertime kasi kami ni boss, alam mo na nagkulang kami sa mga trabahador. Papakisuyuan sana kita na ihatid si ben sa mama niya" saad nito

Hiwalay na kasi si samuel at ang dati nitong nobya na si Kayla kaya naman minsan ay nandidito kay samuel ang anak nilang si ben at minsan naman ay nandoon siya sa mama niya

"ahh ganun ba.. Ay sya sige ako na ang bahala dito kay benben"

"san okay lang ba? Nakakahiya naman sayo baka may gagawin ka pa?" ramdam ko ang hiya sa mga bises nito

"sus! Ito nahiya pa eh! Ano ka ba ayos lang saka maaga pa naman oh mag aalas kwatro pa lang" saad ko dito

"Salamat san ha? Sige na kailangan ko na bumalik sa trabaho. Ingat kayo sa byahe" sabi naman nito bago ibaba ang tawag

"Benben kumain ka na ba?" tanong ko sa pamangkin ko

Ang cute cute talaga nitong si ben. Palibhasa maganda at gwapo ang mga magulang. Nakuha nito ang maputing balat sa kaniyang ina dahil may pagka mestiza ang nanay nito. Ang mapupungay na mata pati na rin ang dimples sa magkabilang pisngi ay nakuha naman sa pinsan kong si samuel

Nasa lahi namin yata talaga ang may dimples sa pisngi dahil ako, si Henry at si papa ay mayroon din

"Tati hindi pa po... Nagugutom na nga po ako eh" kamot ulo nitong sabi

Magpipitong taon na si ben sa susunod na buwan kaya naman doble kayod si samuel upang mabigyan at matustusan ang pag aaral nito. May trabaho din naman si kayla ngunit sapat lang din ang kinikita kaya nagtutulungan talaga sila para sa kapakanan ng bata

"ganun ba.. Oh sya tara na muna sa loob at ipaghahanda kita ng miryenda bago kita ihatid sa mama mo, okay?"

"sige po tati!" saad nito at nginitian pa ako. Cuteee!!

Pagpasok namin sa bahay ay kaagad nagtatakbo si ben papunta sa sofa at binuksan ang tv

Nilagay ko muna sa kwarto ang mga dala ko at nagtungo sa kusina para maipagpalaman ng tinapay si ben

Matapos kong maibigay sa bata ang pagkain ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kayla

"Hello? Hera napatawag ka?" sagot nito sa kabilang linya

Loving My Worst Nightmare [ON-GOING]Where stories live. Discover now