XOIE'S POV
Nagsimula na naman ang bagong kabanata sa buhay ko, panibagong school year na naman medyo nabitin pa ako sa naging bakasyon namin. As usual dala ko na naman ang aking pinaka mamahal na skateboard sabi nila kasi ang cool lang na lagi akong nakasakay sa skateboard ko hehe.
"Xoieeeee!" sigaw galing sa maganda kong bestfriend, na parang hindi kami nagkita ng isang taon.
Napahinto ako at tumungo din papunta sa kaniya para yakapin, ewan ko ba nakasanayan na namin na tuwing magkikita para bang miss na miss namin ang isa't isa. Parehas kami ng kurso na kinuha sa college kaso magkaiba lang kami ng class. "Racheeeeeel!" sigaw ko pabalik.
"Namiss kitaaaaaa! bagong school year na naman" sabi ni Rachel. "Kaya nga eh, kaya yan dalian na natin late na naman tayo" sabi ko. Naglakad na kami papunta sa mga classroom namin. Pagpasok ko sa pinto ng classroom namin buti wala pang prof, "Huy pre tignan mo si Xoie ang ganda nya", "Kaklase pala natin si Xoie sisipagin nako mag aral" sabi ng mga kaklase kong lalaki ngayong 3rd year nagpalit na ng mga section para sa specialization track ng college namin. Tumungo ako sa malapit sa bintana para dun umupo.
Lumapit kaklase kong lalaki. "Hello Xoie!", sabi niya sa akin na naka smile. "Hello!" sagot ko sa kanya nang naka smile din syempre para good girl haha joke. "Ako nga pala si ---", "Guys di daw makakaattend muna yung first subject natin may meeting daw sila", sabi nung mayor namin, nakapag elect na kami ng officers sa groupchat pa lang sa messenger. Nagmadali pa naman ako baka kako ma-late ako first day ng class. Umalis na yung kaklase ko nakalimutan niya na sabihin name niya, natawa nalang ako. Binunot ko ang cellphone ko para icheck yung next schedule para sa next subject [Social and Professional Issues 10:00am] btw ang course ko ay Information Technology, sabay tingin ko sa oras, [8:00am] alas otso pa lang.
Tumayo muna ko at kinuha yung skateboard ko at sinakyan ko na ulit ito, siguro sa canteen muna ko, bibili muna ako ng pagkain medyo matagal tagal na oras pa para sa next subject namin.
Pagdating ko sa canteen konti lang ang tao yung halos bilang lang yung tao may mga klase na kasi yung iba. Dumiretso na ako sa bilihan ng takoyaki, pag silip ko wala pang luto. "Hello ganda bibili ka na ba? Ipagluluto na kita?" sabi ni ateng nagtitinda. "Sige po 3pcs lang po". Umupo muna ko habang hinihintay takoyaki ko. Kinuha ko yung phone ko para i-chat si Rachel. ["To: Rachel, Mare, nagmadali pa naman ako wala pa lang klase ng first class, kita na lang tayo mamayang lunch sa canteen. Goodluck sa firstday!!"]
After 5mins naluto na yung takoyaki, pabalik na ako sa classroom para dun nalang kainin takoyaki ko.
Nang biglang may nakabunggo sa akin "Aahh!" sabi ko. Lumingon ako di manlang nagsorry. "Hey! Sorry ha!" sigaw ko dun sa lalaking nakabungo sa akin. Huminto siya kala ko magsosorry hindi pala lumakad lang siya na parang walang nangyari hindi ko nakita mukha nakatalikod kasi.
Pagdating ko sa classroom walang tao, okay to' tahimik. Pumunta na ako sa upuan ko nilapag ko na ang takoyaki ko at kinuha yung tubig sa bag ko. Masarap itong takoyaki favorite ko ito. Nung susubo na ako may biglang dumating hindi ko siya nakita kanina baka alam niyang walang first subject. Ang tangkad niya, pumunta siya sa likod dun may bakanteng upuan. Hindi ko na binati naka earphone kasi, kinain ko na takoyaki ko bago pa lumamig ..
[11:30am]
Tapos na yung class, hindi pa naman nag lesson kinuha ko na yung phone ko para ichat ulit si Rachel para magkita na kami sa canteen pero alam ko 12:00 pa dismiss niya hintayin ko nalang siya sa canteen.
Bago ako dumiretso sa canteen napadaan ako gym may mga nagpa-practice ng basketball parang ito yung mga varsity sa school. Tapos dumiretso na ako papuntang canteen sakay ng aking skateboard.
"Xoieeeee!" narinig kong boses ng lalaki, pag lingon ko may tumatakbo papunta sa akin "Xoieeee!" ulit niyang tawag. Pag tingin ko si Justin pala yung kapitbahay namin sa village "Oh Justin!" sabi ko na may halong pagkaway. "Lunch mo na? Sabay na ako sa'yo" sabi niya sa akin. Simula nung lumipat kami sa village nung highschool ako lagi na kami nagkikita kaya close na kam. "Sige tara! baka nandun na din bestfriend ko e" sagot ko sa kaniya.
Pag dating namin sakto nakita agad namin si Rachel, pinakilala ko na agad sa kanya si Justin. "Rachel si Justin neighbor kami" pakilala ko kay Justin. "Hello!" sabay na pagkakasabi nung dalawa sa isa't isa at umupo na kami.
[Fast forward]
"Xoie anong oras dismiss ng last class mo?" tanong ni Justin habang naglalakad kaming tatlo "Hmm 4pm pa" sagot ko "Same pala, sabay na tayo umuwi mamaya" habol niya, "Sige ba, sabay sabay na tayong tatlo".
Tumambay muna kami sa activity center para magpalamig may aircon kasi dun, ako naglaro muna ko ng skateboard. "Pre lapitan mo na".. "nahihiya ako".. "ibigay mo na yan", rinig ko sa mga lalaking pansin ko ay papalapit sa akin. Bumaba ako sa skateboard ko napatingin sa kanila. "Ahm ah eh .. hello Xoie para sa'yo" inabot niya yung hawak niyang papel sa akin. Ako na nagulat pero tinanggap ko naman mabait ako weh hehe. "Ah thankyou!" tapos umalis sila ng may ngiti sa labi, alam ko na love letter ito mamaya ko nalang basahin sa bahay. "Taray naman ng bestfriend ko pang ilang letter na yan ngayong araw?" pang aasar sa akin ni Rachel. "Grabe ka sa pang ilan, ngayon lang ito" sagot ko sa kanya.
Hindi naman sa pagmamayabang simula nung pumasok ako ng college halos weekly ako nakakatanggap ng mga letters minsan may pagkain pa. Tinatanggap ko naman yung iba naiisip ko na sayang ang effort pero pag alam ko na sobrang laki na ng binibigay .. which is the price diko na tinatanggap, yun ang turo ng mama ko sakin.
YOU ARE READING
Fight for Love
FanfictionThis story only played on the imagination of the author, I am a big fan of these three Chinese actors and thought that while the three main characters have no drama yet, why not make a temporary story first. I'm not good at making stories but I'll d...