KEVIN'S POV
Tumingin ako sa relo ko halos saktong alas kwatro natapos yung huling subject namin. Inayos ko na yung gamit ko at lumabas na ng classroom pero sumilip muna ako sa kabilang room nandun kasi mga barkada ko, tapos nagtilian yung mga babae noong Nakita ako kaya binati ko sila "Hi girls" sabay kindat lalo ng lumakas tilian nila hehe. "Tol una na ko'' paalam ko sa kanila, at naglakad na ako papuntang parking wala masyadong tao. Pinuntahan ko na motor ko at nagsuot na ng mask at helmet at sumakay sa motor mabilis kong pinaandar yung motor dahilan para mahawi yung mga estudyante naglalakad palabas ng campus sorry. Hindi pa naman ako naaaksidente kahit mabilis ako magpatakbo ng motor.
Nakarating na ako sa amin, umakyat agad ako sa kwarto nagpalit agad ako ng damit at umupo sa harap ng pc ko, balak ko maglaro muna. Nang biglang kumatok mama ko napalingon ako, "Kakarating mo lang ba? ano gusto mong miryenda?" tanong ng mama ko sa akin, "Ikaw bahala ma," sagot ko sa kanya ng nakangiti swerte ko talaga sa mama ko. Nagbukas muna ako ng social media, nagsscroll ako ng napansin ko na nagpost yung isang page sa university namin. [Xoie Cheng from College of Information Technology, rank 2 over all dean's lister, last year] cute na matalino pa mahusay ka.
In-exit ko na yung social media at inopen ko na yung Onmyoji para maglaro, saktong dumating na rin yung pancake at juice na miryenda ko, "Thank you ma," sabi ko kay mama sinagot niya ako ng ngiti lang at lumabas na siya ng kwarto ko.
Halos isang oras ako nakapaglaro ng Onmyoji puro panalo naman sa 2 games, kinuha ko muna phone ko at humiga, naalala ko yung nakita ko kanina sa page ng university namin nakalimutan ko pangalan kaya tinignan ko ulit yung page [Xoie Cheng] ahh Xoie, parang ngayon ko lang Nakita itong babae na ito o sadyang hindi ako interesado sa babae simula nung nagbreak kami ng ex ko, feeling ko pare parehas lang sila kaya tinuon ko nalang sarili ko sa laro at pag-aarchitect ko. Nang Tumawag yung barkada ko "Oh bakit?" tanong ko agad pagkasagot ko ng tawag.
"Tol tara mamaya sa bar?" --
"Pass muna masakit katawan ko, ingat kayo" sabi ko.
"Sure ka? Daming babae dun para happy ka na ulit tol" --
"Loko ka, sige kayo muna bawi ako sa susunod" sabi ko.
Di ko rin namalayan na nakaidlip rin pala ako. Nagising lang ako nung tinawag ako ni mama para kumain na ng hapunan ..
YUAN'S POV
Narinig ko pa yung tilian nila bago sila umalis, habang nanunuod ako napansin ko na parang may pumasok kaya nai-pause ko muna pinapanuod ko at napatingin sa pumasok, si -- Xoie? kita ko sa mukha niya yung pagkabigla niya. Ngayon ko lang natitigan ang mukha ng babaeng maliit na ito. "Ah eh sorry nakita ko kasi na nagkakagulo yung mga babae kanina kaya pumasok ako curious ba? Sensya na, ah ako nga pala si Xoie classmate mo 'ko sige una na ako" wala pa akong tinatanong pero nasagot na niya agad. "Ahh -- okay lang" sagot ko sakaniya dahlia para mapahinto siya at lumingon siya ulit at lumapit sa akin, iniaabot niya yung kamay niya para makipag shakehands? "Hello!" sabi niya napaka pormal naman ng babaeng ito. "Formal mo naman masyado" sabi ko sa kaniya, "Ah ehh pasensya na nasanay lang" sagot nito tapos tumalikod na ako na ako para sana umupo "Ikaw yata yung lagi kong naririnig na cool guy dancer" habol nito, kaya nangiti ako "Baka?, so ikaw yung sinasabi na magaling mag skateboard?" tanong ko sa kaniya "Ahh hindi naman magaling" humble na sagot niya sa akin. Nagpaalam na siya sa akin pala umalis ng hindi ko nililingon, pag labas niya dun pa lang ako lumingon.
Madalang ko lang siya makita noon kahit magka building lang kami. Ngayon ko lang siya nakaharap ng malapitan tama nga sila maganda nga yung maliit na babae na yun ang daldal pa. Ilang minute ang lumipas nang dumating na yung mga barkada ko.
[Fast forward]
Pasado alas sais na ng matapos kami madaming nadagdag sa choreo namin may nabuo na rin na ilang steps kahit papaano, papunta na kami ng mga barkada ko sa parking para puntahan yung mga motor namin para makauwi na rin. Nang may mga nakaabang na babae sa parking, hindi na bago para sa amin ito. "Waaaah ayan na ang UNIQ!!" (UNIQ-group name) rinig namin na hiyawan ng mga babae . As usual picture dito, picture doon pagkaalis ng mga babae "Sakit sa tenga nung mga babaeng yun" sabi ng isa kong barkada natawa nalang kami, at sinuot ko na yung helmet ko sabay sumakay na sa motor.
Nakauwi na ako sa Bahay nang marinig ko na nasa loob ng bahay namin yung land lady nangungupahan lang kasi kami simula nung iniwan kami ni papa at sinaman yung iba ko pang mga kapatid, isang buwan kami hindi nakabayad ng renta kaya siguro nandito yung land lady. Pagpasok ko ng bahay nakita ko mama ko na umiiyak at nagmamakaawa na pagbigyan pa ulit kami ng isang buwan.
"Oh nandito na pala yung anak mo, kailan kayo magbabayad ng renta ninyo?" sabi ng land lady sa akin napatingin ako kay mama, "Baka po pwedeng humingi pa ng extend kahit 3 weeks po wala pa po akong nahahanap na trabaho kakasimula lang po ng klase namin" sagot ko sa kaniya "3 weeks? doble na babayaran niyo sakop na yung isa pang buwan" sabi pa niya, "Opo bukas po maghahanap na ako ng part time" sagot ko sa kaniya "Sige kapag hindi pa kayo nakapagbayad pagkatapos ng 3 weeks pasensyahan tayo maghanap na kayo ng mauupahan, kailangan buong bayad nagkakaintindihan sana tayo" at lumabas na ng pinto yung land lady. Hindi sapat yung pagtitinda ni mama ng pagkain para maipambayad sa lahat ng bayarin dito sa amin.
Lumapit sa akin si mama "Nak pasensya ka na ha, pero kaya mo ba magtrabaho habang nag aaral? Pwede ko namang doblehin raket ko" sabi niya sa akin "Pag sinabi ko, kaya ko ma," sagot ko sa kaniya at pumunta na ako sa kwarto hindi na muna ko siguro kakain wala akong gana. Kinuha ko na cellphone ko para maghanap ng part time job online ..
YOU ARE READING
Fight for Love
FanfictionThis story only played on the imagination of the author, I am a big fan of these three Chinese actors and thought that while the three main characters have no drama yet, why not make a temporary story first. I'm not good at making stories but I'll d...