KEVIN'S POV
"Maaa, alis na ako maaga first class ko e" sigaw ko habang nagsusuot ng sapatos. Hindi naman talaga maaga pasok ko sa totoo lang 10:00 am pa pasok ko. "Hindi ka na ba muna mag aalmusal?" tugon ni mama, "Hindi na ma, doon na ako kakain bye" sagot ko sabay kuha ng susi ng motor ko at lumabas ng pinto. Papasok lang naman ako ng maaga para magbasketball.
Sumakay na ako sa motor at inistart ang motor. Masyado daw ako kaskasero kapag nagpapatakbo ng motor. Saya kaya napaka boring kapag sobrang bagal ng pagpapatakbo sa motor.
[After 20mins]
Ano kaya ang bago ngayong school year? Diretso na ako sa parking para magpark ng motor, hinubad ko na rin ang helmet at mask ko *slow motion*. Tumingin ako sa side mirror ng motor ko para ayusin yung buhok ko bago ko dumiretso sa gym.
Kinuha ko yung cellphone para tawagan mga barkada ko, "Tol, nasa gym na kayo? Otw na ko" sabay baba ko ng phone. Papunta na ako sa gym tapos nadaan ako sa madaming babae "Si Kevinnnn aahhh .." "Hello Kevin papunta kang gym?" tanong nila sa akin, "Yep," sabay smile sa kanila, "Ahhh ang gwapo ano ba yaan?!" narinig ko sa kanila. Kalma lang kayo girls ako lang to de joke lang.
Nakarating na ako sa gym syempre dating gawi shakehands muna. "Yow kumusta? kailan ulit yung huling basketball natin?" tanong ko sa kanila, "Last week lang tol bago magpasukan" sagot nila sa akin, "Ahh last week lang ba yon? parang ang tagal na rin" sagot ko syempre basketball is life "Tara na game" sunod na sa sabi ko habang hinuhubad ang jacket ko.
[After 1 hour]
Naupo na kami, at nagpunas ng pawis kinuha ko ang cellphone ko para mag social media at tignan na rin ang oras, may isang oras pa ako para sa klase ko. Ang dami pa rin nagpafollow na babae sa akin sa instagram nangiti ako ng hindi ko namamalayan. "Aba'y may nangingiti ano na ba yan? Nakahanap ka na ba?" sabi ng isa kong barkada, pinakita ko sa kanila yung request sa instagram "Ayan oh ang dami na naman nagrerequest", "wala akong panahon sa babae" sunod ko.
After 15 mins tumayo na kami para pumunta sa cr para magpalit ng damit. May ilang year nalang ako sa college para maging ganap na Architect, at baka maging sikat na basketball player na din.
Noong tapos na kami magpalit naghiwa hiwalay na kami para pumunta sa kaniya kaniyang klase iisa lang ang kinuha naming course sadyang pinaghiwa hiwalay lang kami. Dumiretso na agad ako sa classroom namin, maaga ako masyado wala pang tao tumingin ako sa relo ko, 9:30 pa lang halos, pumunta na ako sa may malapit sa bintana. After siguro ng mga ilang oras dumating na iba ko pang mga kaklase. Nag resection nga pala kaya hindi ko sila kilala pero ako kilala nila ko lalo yung mga babae, "OMG! kaklase natin si Kevin? biiiiiii .." rinig ko dun sa isa, iba talaga pag gwapo medyo kilala. "Ahh hello Kevin? I'm Sofia may nakaupo na ba dito?" sabi nung babaeng maputi "Wala pa naman sige lang upo ka lang" sagot ko sa kaniya, "Ayy ang swerte naman" sabi nung ilang kaklase kong babae. Tinignan ko pa ulit si Sofia, maganda din naman.
Natapos na ang unang subject namin, lunch na inayos ko na gamit ko para pumunta sa canteen para maglunch, habang nag aayos ako ng gamit "Kevin, may kasabay ka na maglunch?" tanong ni Sofia sa akin, "Wala" sagot ko na may halong smile. "Pwede ba akong sumabay sayo? Wala pa kasi akong friend dito sa section natin" tugon niya, tumango ako ng naka smile pero yung smile ko pilit hehe.
Sabay na kaming naglakad papuntang canteen, as usual pinagtitinginan kami wala naman akong pakielam. Nakarating na kami sa canteen humanap kami ng pwesto, habang nagbababa pa lang siya ng bag umalis na ko para humanap ng makakain. Kaya naman na niya siguro pumila mag isa.
Dun ako lagi bumibili ng pagkain kay nanay Baby, masarap kasi mga ulam na luto niya, "Kevin iho ano sayo? May chicken teriyaki kami" sabi ni nanay Baby, alam na niya talaga gusto ko. "Sige nanay bigyan mo'ko ng isang order" sagot ko sa kanya habang naka smile, ang bait talaga ni nanay Baby sa mga estudyante o baka dahil gwapo lang ako, de biro lang. Pag lingon ko nasa likod ko pala si Sofia, "Try mo mga ulam nila lahat masarap, pag hindi ka nasarapan kahit huwag mo na akong kausapin" biro ko sa kanya, sabay kuha ko sa order ko at dumiretso na sa pwesto namin.
Ang daming estudyanteng babae ang nakatingin sa akin kaya nangiti nalang ako. "Ayy biiii ang gwapo ni Kevin haay, swerte nung kasama niyang girl" rinig ko dun sa isang babae.
Pagkalapag ko ng pagkain ko sakto din naman na naka order na itong si Sofia, nakita kong umorder lang siya ng pasta. "Hindi ka magkakanin?" tanong ko sa kaniya, "Ahh hindi pasta nalang muna ako" sagot niya sa akin hindi ko na ulit tinanong pa.
[Fast forward]
Pabalik na kami para sa next class namin ng napadaan kami sa activity center bukas yung pinto kaya nakita ko na may naglalaro ng skateboard sa loob, babae naglalaro ng skateboard? Hindi ko na masyadong sinilip pa para malaman kung sino yun. At dumiretso na kami papunta sa classroom namin.
Medyo nakahiwalay ako ng konti dito kay Sofia baka ma-issue pa. "Ahm Kevin, may kasabay kang umuwi mamaya? nadadaanan ko yung bahay mo minsan e." sabi niya sa akin. "Ah may motor ako" sagot ko habang naka diretso ng tingin sa daan.
Noong nakarating na kami sa classroom namin nakita ko yung isa kong barkada tinaas ko ang kamay ko para tawagin siya "Yow!" dumiretso na ako sa kanya. "Huy sino yun? aga naman first day pa lang eh" sabi niya sa akin, "Ah ayun ba? kaklase ko yun sumabay lang kumain sakin ng lunch" sagot ko sa kaniya. "Bigay mo naman sakin name" sabi niya. "Sofia, sige pasok na ako kita nalang mamaya" sagot ko sa kaniya bago ko pumasok ng classroom.
YOU ARE READING
Fight for Love
FanfictionThis story only played on the imagination of the author, I am a big fan of these three Chinese actors and thought that while the three main characters have no drama yet, why not make a temporary story first. I'm not good at making stories but I'll d...