Chapter 06 : What A Life (Pt.2)

12 2 0
                                    

.. Halos lima yata yung natawagan ko bago ko makahanap ng bakante, may interview ako bukas para sa part time job ko sa isang coffee shop medyo may kalayuan sa university namin okay na yun kaysa wala, binuksan ko muna yung groupchat namin baka may announcement tapos nakita ko yung profile photo ni Xoie kaya chineck ko na yung facebook timeline niya.

 Halos lima yata yung natawagan ko bago ko makahanap ng bakante, may interview ako bukas para sa part time job ko sa isang coffee shop medyo may kalayuan sa university namin okay na yun kaysa wala, binuksan ko muna yung groupchat namin baka may an...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang bigla ako tinawag ni mama kaya nabitawan ko muna yung cellphone ko sa higaan. Pagbalik ko at pagkuha ulit ng cellphone ko may natanggap akong isang notification. [Xoie Cheng accept your friend request] ha? paano di ko naman ito .. bigla akong napaisip baka napindot ko ng hindi sadya, hamo na nga.



XOIE'S POV

Naglakad lang kami ni Justin papasok ng Village hindi naman ganoon kalayo mula sa gate hanggang sa bahay namin. Nung pagpasok ko sa bahay sinalubong agad ako ng alaga kong pusa, at nakita ko si mama sa kusina naghahanda ng miryenda. "Maa,"  sabay yakap ko sa mama ko. "Kumusta first day class ng anak ko?"  tanong ni mama sakin, "wala pa naman masyadong ginawa, akyat muna ako ma papalit lang ako damit tapos tulungan na kita dyan"  sagot ko sa kaniya. Binuhat ko na yung alaga kong pusa sinama ko na sa kwarto.

Noong pagkatapos ko magbihis bumaba na agad ako kasama ang pusa ko, "Nak umupo ka na dyan patapos na rin naman ito"  sabi sakin ni mama. Pinag-bake ako ni mama ng cupcakes alam niya kasi na favorite kong miryenda yun. 

Tinapos ko muna ang pagkain ko ng miryenda at naghugas ng pinagkainan ko bago ko umakyat ulit sa kwarto, pag akyat ko sa kwarto humiga agad ako haaaay sarap humiga wala naman masyadong ginawa kanina pero parang pagod na pagod ako. Habang nakahiga ako nag search at nanunod na ako ng mga posibleng maging lesson namin sa buong semester. At noong medyo tinatamad na ako manuod ng mga tutorial, nanuod naman ako ng mga videos about sa skateboarding, nakahiligan ko na talaga mag skateboarding simula nung pumasok ako ng highschool ayaw talaga ng magulang ko nung una baka daw makaapekto sa studies ko.

Ilang oras na rin ako nanunuod ng biglang may nag pop-up na notification [Yuan Wang sent you a friend request] huh? si Yuan, hindi na ako nag isip pa inaccept ko na, dumiretso agad ako sa  timeline niya, stalker yarn? Habang tinitignan ko mga photos niya ang dami na pala nilang panalo, tapos in-exit ko na. Ang bilis ng oras o sadyang nalibang lang ako pag tingin ko sa oras 7:00 pm na pala, sakto naman na tinawag na ako ni mama para kumain.


[7:00am]

Ang aga ko pala, nakalimutan ko na 8:00am yung first subject namin, aral na aral yarn? Ako lang mag-isa naglalakad kasi mamaya pa din class ni Rachel tapos si Justin di ko alam kung nasaan, pupunta nalang muna ko library. Habang naglalakad ako may humintong nakamotor sa harap ko sa gulat ko napaatras ako. Teka familiar, ah tama siya yung mayabang yung hari ng daan. Tinanggal niya yung helmet niya, "Hi!" sabi niya sakin, grabe brown ang mata, "Hello?"  sagot ko sa kaniya, ano ba to' may sasabihin ba ito sa akin? Tapos ngumiti lang siya, ano ba to'  baliw na ata, ilang segundo siyang nakatitig sa akin, "May sasabihin ka ba? Kung wala may pupuntahan pa ako"  tsaka naglakad na ako pero sumusunod pa rin siya sa akin kaya nilingon ko siya, "Saan ka pupunta?" sabi niya "Sa library" sagot ko sa kaniya at nagmadali na ako lumakad iniwan ko na siya ang weird lang di ako komportable.


Nakarating na ako sa library halos walang mga estudyante baka may mga  klase,  hinanap ko na yung libro na hihiramin ko,

Sa paghahanap ko, "ang taas naman"  sabi ko, humanap ako ng pwedeng tungtungan para maabot ko yung libro kaso wala kaya pinilit ko nalang abutin ilang segundo siguro ako abot ng abot hanggang sa tinigilan ko na ng biglang, may umabot nito sa akin kaya napalingon ako at napasandal sa shelf sobrang lapit niya sa akin tinignan ko siya at -- yung hari ng daan. Nung pagkakuha niya iniaabot niya agad sa akin yung libro kinuha ko agad to "thankyou!" sabi ko tsaka ako umalis sa harap niya, humanap ako ng bakanteng upuan para umupo.

Umupo din siya sa harap ko, ang weird nakangiti lang siya, nakainom ba to' ng gamot niya hindi ko na pinansin nagbasa nalang ako ng libro, "Ikaw si Xoie diba?"  tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya "hello i am Kevin from College of architecture"  wow ha, "yes i am Xoie"  sagot ko sa kaniya, "ang weird ko ba? don't worry mabait ako"  habol niya pa. Kaya tinanguan ko nalang siya. Di ko alam kung aalis ako o lilipat ng upuan, tinignan ko siya nakita ko na kumuha din pala ng libro para magbasa. Tumayo na 'ko lalabas nalang ako ng library napatingin siya sa akin kaya "ahh pupunta ako sa building namin babye" nung pahakbang na 'ko "Iwan mo nalang dito yung libro ako na magsasauli, di mo abot diba?" sabi niya, ganun ba ako kaliit? grabe naman to sa akin "Kaya ko isauli yung libro"  kinuha ko yung upuan para gawing tungtungan, pag akyat ko sa upuan bigla akong nadulas at bumagsak "ahhh!",  tumakbo siya papunta sa akin "okay ka lang? sabi sa'yo ako nalang magsasauli", sabi niya sakin habang tinitignan ako, bat ganoon kita ko sa mata niya yung pag aalala wow ha knight and shinning armor ang peg, "o--okay lang ako"  kaya tumayo ako bigla at tumakbo papalabas ng library, medyo malayo naitakbo ko napahinto ako sa totoo lang masakit yung paa ko, kaya naglakad ako ng paika-ika, nakarating ako sa mini forest at umupo muna saglit ang sakit talaga, hinubad ko muna sapatos ko para hilutin yung paa ko.


Nang mapansin kong may nakatayo sa harap ko, pag tingala ko si -- Yuan? "Anong nangyari sayo?"  tanong niya sa akin, "Ahh wala nahulog lang" sagot ko sa kaniya tapos umupo siya sa tabi ko, "Aga naman ata niyang kamalasan mo" sabi niya sa akin habang nakangiti, ano ba to' nang aasar ...

Fight for LoveWhere stories live. Discover now