YUAN'S POV
Papunta na dapat ako sa classroom alam kong late na naman ako nagpalit na ng mga bagong sections ngayong taon. 7:30am ang unang class namin tinignan ko sa relo ko kung anong oras na [7:45am] nang biglang tumunog phone ko tinignan ko may message. ["Hello this is your class mayor, wala pong 1st subject may meeting daw po"] buti naman walang klase, dumaan muna ko sa bulletin board ng college namin tinignan ko kung may mga upcoming events or auditon bago ko dumiretso sa canteen, oo sa canteen muna bago sa classroom. Naka earphone ako pero may konti naman akong naririnig na mga ingay sa hallway.
Nakalagpas na ako sa classroom namin, habang naglalakad ako at walang pakielam sa paligid may napansin akong may hawak na skateboard at sa takoyaki maliit na babae. Nang bigla kong nabunggo masyado kasing nakafocus sa takoyaki na hawak kaya di niya rin ako nakita pagkabunggo diretso lang di ko na pinansin. "Aahh!" sabi nung babae. Di ko na pinansin "Hey! sorry ha!" sunod na sigaw nung babae napahinto ako pero hindi ko na nilingon inabangan ko pa ng ilang segundo bago ko lumakad ko ulit baka may kasunod pa yung sasabihin. Mga babae talaga masyado ng sensitive.
Pag dating ko sa canteen "Uy si Yuan!".. "Hala ang gwapo, ano kayang section niya ngayon?" sabi nung mga babaeng nasa canteen sabay na nagtilian. Hininaan ko na yung music para naman medyo marinig ko yung tindera sa canteen. Dumiretso na ako para bumili ng candy at maiinom. "Ay nak Yuan, ano sa iyo?" sabi ni nanay Baby, simula nung pumasok ako sa college tinuring na akong anak nito kapag kasi sa ginagabi ako dahil sa practice sa kanila ko laging sumasabay umuwi. "Nay yung gatorade po tsaka yung candy" sabi ko sa kanya. "Late ka na yata anak, bat ngayon ka lang?" sabi nya habang kinukuha yung binili ko. "Wala po kaming 1st class" sagot ko, sabay namang abot sakin nung mga binili ko, tsaka ako dumiretso na sa classroom namin.
Pag dating ko expected ko na wala talagang tao pero may babae na malapit sa bintana nakaupo parang familiar kako, iniiwas ko tingin sa kanya nung papatingin na siya sa akin, may bakanteng upuan sa likod dun nalang ako umupo. Nakita ko yung skateboard niya may pangalan [Xoie], baka nga siya yung sinasabing magandang skateboarder hindi ko masyadong tinignan yung mukha kaya diko alam kung talagang maganda, sorry. Naalala ko na kung saan ko siya nakita siya yung nabunggo ko sa hallway.
[11:30am]
Nagdismissed na ng klase yung prof, tumayo na kaming lahat. "Yuan? gusto mo sumabay samin maglunch?" sabi nung mga kaklase kong babae. "Busog pako" sagot kong hindi tumitingin sa kanila. Inayos ko na muna gamit ko bago lumabas ng classroom. Lumingon ako dun sa upuan nung babaeng nabunggo ko sa hallway nakita ko na wala na siya doon. Pagkatapos ko mag ayos ng gamit lumabas na ako ng classroom.
Dumiretso ako sa likod ng activity center para matulog, may higaan kasi dun sa likod ng stage buti di pa nila tinatanggal. Noong pahiga na ako tumunog yung phone ko pagkakita ko may message. ["Tol saan ka? tara dito sa practice room"] chat ng mga kaibigan ko. Sumasali kami lagi sa event dito sa university minsan na rin kami nailaban sa ibang school.
Noong nakarating na ako sa practice room, nakita ko mga barkada ko may tinitignan sa phone diko naman pinansin baka nanunuod lang ng ibang sayaw para mapag aralan namin. "Uy Yuan!" bati ng isa kong barkada, tango lang ang sagot ko. "Nagpabili na kami ng pagkain sakto pala na magkakamukha oras ng lunch natin" tinanggal ko muna yung earphone "Buti naman, nagugutom na ako eh" sagot ko tapos napalingon ako dun sa dalawang barkada ko na nakatutok sa phone na kung ano ang pinapanuod, "Ano ba yang pinapanuod nyo? p*rn?" biro ko sa kanila, "Loko ka! Pinapanuod namin yung magandang skateboarder ang galing" sagot nung isa .. "Ang ganda pa kala mo anghel eh, hindi ko pa nakikita yan ngayong araw" sunod nung isa. Napaisip ako kung sino tinutukoy nila. Baka yung kaklase kong nabunggo ko may skateboard kasi yun, pero di ako sigurado kung siya ba o kung maganda din.
[Fast forward]
2pm na para sa next class, nandito kami sa computer lab ngayon. Tinawag ako ng ibang kaklase ko para dun umupo sa may bakanteng upuan na may bakanteng pc. Hindi ako umupo dun masyadong madaming babae na nakapaligid. Dumiretso lang ako at dun pa rin sa likod umupo. Umupo ako at nagbuklat ng libro para basahin muna habang wala pang prof. "Ahm hello, Yuan! may nakaupo ba dito" sabi nung babaeng lumapit sa akin, umiling lang ako. "Thank you!" sagot nito.
Mga ilang segundo lang halos dumating yung babaeng maliit na may bangs yung nabunggo ko kanina, diko alam pangalan diko nalang pinansin.
"Xoieee dito ka na umupo" rinig ko na sabi nung kaklase namin. Nang bigla niyang nabunggo yung mesa ko, papunta sa upuan niya at medyo nahawi yung monitor ng pc. "Ay sorry" habang inaayos niya yung pumaling na monitor ng pc. Di ko na pinansin diretso lang ako sa pagbabasa ko ng libro. Ilang segundo pa ang lumipas at dumating na rin yung prof namin sa Programming subject.
[Lumipas ang ilang oras]
Nag end ang klase wala pang 4pm wala pa naman talagang klase ng first day . "Yuan sama ka samin? Basketball sa gym?" tanong ng mga kaklase namin. "Hindi na pre may practice kami" sabay sakbit ko ng bag ko at umalis ng computer lab. "Ang gwapo talaga ni Yuan hano, ang cool" rinig ko sa mga kaklase kong babae na kinikilig habang palabas ako ng computer lab.
Dumiretso agad ako sa practice room pero wala pa mga barkada ko kaya umupo muna ko saglit at kinuha cellphone ko para manuod ng mga sayaw para makaisip ng idea para sa magiging bagong choreo namin. Paghahanda na rin baka magkaroon ng event dito sa university.
Habang nanunuod ako, may mga babae pala sa labas, tumingin ako sa kanila at nag smirk tapos tinuloy ko na ulit ang panonood ko.
YOU ARE READING
Fight for Love
FanfictionThis story only played on the imagination of the author, I am a big fan of these three Chinese actors and thought that while the three main characters have no drama yet, why not make a temporary story first. I'm not good at making stories but I'll d...