THIRD PERSON
Paglabas ni Benjie ng sasakyan, natanaw niyang naglilinis ng owner na jeep si Jonel.
"Aba, masipag ah. Impernes." bulong nito sa sarili.
Papasok pa lang siya ng gate ng mawalan siya ng balanse. Hinang hina na ito dala din ng pagod sa byaheng inabot ng halos isa't kalahating oras dulot ng traffic. Mabuti nalang at napakapit siya sa gate para hindi siya matumba.
Sa isang banda, inoobserbahan lang siya ni Jonel. Nagtataka siya kung bakit nanatili lamang na nakatayo si Benjie.
Mainit na mainit ang pakiramdam ni Benjie sa taas ng lagnat niya. Hindi niya din alam kung paano maglalakad para makapasok sa bahay niya dahil nangangatog ang mga binti niya. Pinagpapawisan na din siya ng malamig.
"Nahihilo.... ako..... Tulong....."
Tanging nasambit ni Benjie bago siya tuluyang mawalan ng malay.
BENJIE
Hindi pa man ako nakakadilat ng mata ko, ramdam na ramdam ko na yung sakit ng ulo ko. Sa ngayon hindi ko pa din naimumuklat ang mga mata ko. Tsk tsk. Palaisipan pa din sakin kung paano ako nakarating dito sa kama eh ang naaalala ko eh nasa gate ako kanina.
Maya maya may narinig akong nagbukas ng pinto. Pinilit kong idilat ang mata ko ng dahan dahan para aninagin kung sino iyon.
May bitbit siyang foodtray at inilapag sa lamesang katabi ng kama ko."Mabuti gising ka na. Kain ka muna para makainom ka na ng gamot."
JHON
"Mabuti gising ka na. Kain ka muna para makainom ka na ng gamot." sabi ko kay Santos.
Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkabigla.
"I-ikaw nagdala sakin dito?"takang tanong niya habang hawak ang sintido.
"Ah opo, kamuntik muntikan kang matumba kanina eh buti nasalo po kita bago pa tumama ulo mo sa semento. Ang init init mo nilalagnat ka kaya binuhat kita pa--"aba bastos to ah di pa ako tapos magsalita eh.
"Binuhat mo ko? Paakyat dito?"gulat na tanong niya sakin.
"Opo. Ahmm.. sige na po kumain ka na."sabi ko sa kanya.
Hirap siyang bumangon dahil pa rin siguro sa sakit ng katawan at ulo niya kaya inalalayan ko siya at nilagyan ng unan ang likod niya. Inabot ko sa kanya ang mangkok para makakain na siya. Habang hawak niya yung mangkok, nakita kong nanginginig yung kamay niya. Hahayaan ko na sana siya kaso parang di ko naman matiis na makita siyang ganun.
(a/n: nuxx, bait ah)
"Ah....ako na po?"pagpepresinta ko.
"Hindi na ako na."pagmamatigas niya.
"Tsk. Ay sus. Hirap ka teh, wag ka na tumanggi. Ako na."sabi ko sabay kuha sa kanya ng mangkok kaya di na siya nakapalag.
"Ikaw nag luto niyan?"tanong niya.
"Ah, opo ako."sagot ko naman. Yes oo, marunong akong magluto noh.
"Seryoso? Taray ah."namangha siya.
"Say aaaaaaaaaaah..."sabi ko.
"Oh masarap diba??"pagmamayabang ko. Tumango naman siya.
"Syempre masarap talaga yan, parang ako."saad ko bago ako magsalok ulit ng sopas.
Natawa naman siya. Hindi ko napansin nakangit na rin pala ako. Hindi maintindihan pero may kung anong pwersang nagsabi sakin na asikasuhin siya.
BINABASA MO ANG
Praybeyt Benjamin 3: A Fight For Love
FanfictionWhat are the things you are willing to sacrifice for love?