Chapter 6

134 8 5
                                    

JHON

"Mga inutil!!! Mga walang silbi!!"
pinagsasampal ko ang mga hinayupak.

Antatanga kasi.

"Ang sinabi ko, sabihin niyo sakin pag nakita niyo si Santos dahil ako ang tatapos sa kanya! Bakit kayo ang bumaril??!!!"

"Eh boss yung bumaril kay Santos patay ma din naman eh."pagrarason ng tauhan ko.

Tangina kasi eh. Mas maganda sana kung ako nakatama kay Santos eh.

"Kahit na! Dapat sinabihan niyo yon! Tsk tangina. Umalis nga kayo sa harapan ko!"

Pagkakataon ko na yon eh. Tangina kasi bakit ba di ako nakakita sa kanya.

Ay gago. So may tama daw siya sa hita so hindi siya makakapag trabaho.....

TAMA! Another pagkakataon para maakit siya. Ako ang magbabantay sa kanya habang nagpapagaling siya para mahulog siya sa bitag ko. Tsk. Talino ko talaga.

Bukas na bukas babalik ako sa carwash shop nila. Tapos magpiprisinta akong mag-alaga kay Santos kasi may trabaho din ang tatay at nanay niya. Humanda ka sa alindog ko Santos. Makukuha ko din ang matamis mong "Oo".

Ay mali.

Basta uutuin ko siya bye.


*****************************************

BENJIE

Ang sakit. Sobrang sakit ng tama ng bala sa hita ko. Bwiset kasi eh bakit di ko binantayan yung paligid bago ako tumayo. Kung hindi sana ako nagkasakit, di to mangyayari. Hinang hina kasi talaga ako kanina shuta. Edi ngayon tengga na naman ako sa bahay neto.

Sa ngayon kauuwi ko lang galing ospital. Pagkatapos matanggal nung bala at matahi nagrequest na ko na kung pwede uuwi na lang ako. Ayoko sa ospital kasi nakakapanghina.

"Anak papano ba yan? Eh may lalakarin kami ng mama mo walang maiiwan sayo dito, kaya mo ba?"-tanong ni tatay sakin.

"Oo tay ano pa bang magagawa ko kundi kayanin. Ingat po kayo."-sabi ko. Wala naman akong choice kundi kayanin kasi sarili ko lang din naman aasahan ko.

"O siya sige mauuna na kami. Kumain ka ha."-paalam ni tatay. Tumango nalang ako bilang sagot.

Naiwan ako sa sofa na nakaupo. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na ako nandidito sa bahay habang yung mga kasamahan ko nagpapakapagod. Pag pumunta naman ako doon pauuwiin din ako ni Chua. Pero hindi kaya ng sistema ko na tambay lang ako dito sa bahay kaya sinubukan kong tumayo para pumunta sa wheelchair ko.

Pasampa na sana ako sa wheelchair ng biglang umandar ito ng paatras.

"Shit!!"-alam ko naman na kahihinatnan nun, kaya pumikit na lang ako at inihanda ang sarili ko sa pagbagsak ko.

Pero ni hindi dumampi sa pwet ko ang sahig. Idinilat ko ang mga mata ko at nakitang may sumalo sakin.

"Sinabi na kasing magpahinga ka muna jan."-sabi ng lalaking umalalay sakin pabalik sa inuupuan ko kanina.

"Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko.

"Sabi ng tatay mo dito daw muna ako para may kasama ka."-sabi niya saka inilayo ang wheelchair ko. Aba aba, bida bida to ah.

"Kaya ko na ang sarili ko, di na kailangan. Bantayan mo na lang yung carwash doon."-saad ko. Oo, si Jonel na tagabantay sa carwash yung sumalo sakin.

"Sabi niya matigas daw ang ulo mo kaya kailangan mong bantayan. Napatunayan ko na. Pasaway ka nga."-tanong niya. Tsss.

Praybeyt Benjamin 3: A Fight For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon