JHON
"Sigurado ako matapos nilang mapanood yung video mo boss, kakabahan na yun. Ang galing mo manakot boss grabe bili--" pagputol ko sa dakdak ng isa sa mga alagad ko.
"Oo na oo na manahimik ka muna dahil may iniisip ako."
Sigurado ako matapos nilang mapanood yun, gumagawa na sila ng plano kung paano kami magagapi. Kailangan kong malaman ang plano nila para makaiwas ako. At para magkaroon ako ng pagkakataon para mapatay yang hayop na Benjamin na yan.
Isang magandang ideya ang pumasok sa isip ko. Imaginine niyo nalang yung may bumbilyang umilaw sa ibabaw ng ulo ko.
Ganyang ang mukhang may bright idea.
Nalaman ko kasing may pinatayong carwash ang tatay ni Benjamin. Naisip kong mag apply bilang carwash boy doon at kukunin ko ang loob nila kasama na ang mga bituka, atay at balun balunan char iba yon. Kukunin ko ang loob ni Benjamin para malaman ko ang plano nila sa pag atake sa amin. Madalas daw kasi siyang magbantay doon pagkatapos niya manggaling sa command center or sa headquarters. Hapon siya umuuwi hanggang gabi na ang pagbabantay niya don. Kasama niya minsan ang buong grupo niya doon para mag-usap usap. Panigurado nagpaplano sila sa mga ganap ng grupo nila.
Paano ko nalaman yan? Syempre magaling ang mga alagad ko.
"Paano eh kalaban ka niya diba? Napanood ka niya sa video?"
Sabi marahil ng iba. Syempre, hindi ko pinakita ang mukha ko sa videong iniregalo ko kay Benjamin. Alangan naman naisip ko tong plano na to tapos mag aapply ako donnedi natadtad ako ng bala. Witty yata to.
(I'll use Benjie nalang for short)
Naka maskara ako at naka leather jacket. Yun naman lagi suot ng mga kontrabida eh. At ang alam lang nila ay ang pangalan ko. Yun lang.
Matapos ko ma finalize ang plano ko, pinaliwanag ko agad to sa mga kasamahan ko.
Sigurado akong kakasa tong si Benjie. Nauto nga siya ni tito noon diba? Kaya naibigay sa kanya yung bomba na ikinamatay ng lolo niya. Ang yabang kasi eh buti nga. Marupok tong si Benjie nararamdaman ko eh. Kaya gagamitin ko ang probinsyanong charm ko. Humanda ka sa pag-akit ko sayo Benjamin Santos.
BENJIE
"Benjie? Okay ka lang? Ano magplano na tayo?" sunod sunod na tanong sa akin ni Lucresia. Ang dami talagang ebas netong babaitang ito lagi. Di pa nga ako maka get over dun sa videong napanood namin eh.
(Italicized words means flashbacks)
"Congratulations Commanding General Benjamin Santos the VIII! Bravo!! Tumaas na lalo ang rank mo. Napakagaling. Napag alaman kong nakapag pahinga ka pala matapos mong maipakulong si Jan Jaranjan,
ang tito ko.
Kaya naman, sa palagay ko'y handa ka na at ang grupo mo para sa panibagong laban anoh? Huwag kang mag-alala dahil handa na din naman ako. Handang handa na. Hindi ako titigil hangga't hindi namin nakukuha ang gusto namin,
BINABASA MO ANG
Praybeyt Benjamin 3: A Fight For Love
Fiksi PenggemarWhat are the things you are willing to sacrifice for love?