JHONNakakainis. Masisira ata plano ko dahil sa ugali ng Benjie na yun. Nakakasira ng bait eh. Imbis na maakit ko to magbangayan lang kami ng magbangayan.
Pero okay lang titiisin ko, sa loob ng dalawang linggong wala ang mga magulang niya at injured siya, palagay ko ito yung perfect timing para matuloy yung binabalak ko.
"Hoy kayo ha, habang inaasikaso ko yung kay Benjie, asikasuhin niyo din yung pagimbestiga sa posibleng plano nila satin ha?"-sabi ko sa mga alagad ko.
"Yes boss, ginagawa po namin ng maayos ang trabaho namin. Bale, sa susunod na araw po pupunta po ang grupo ni Benjamin sa bahay nila. Gusto daw ni Benjie mapag usapan nila sa personal ang plano."-sagot ng alagad ko.
Tamang tama yun ah. Maririnig ko mismo ang usapan nila.
"Tama ang desisyon nila sa buhay. Sige sige salamat. Pagbutihin niyo pa."-sagot ko saka ako umalis.
Pinapadali ni Benjie ang trabaho ko.
Dahil jan, pagsisilbihan kita ng mabuti.******************************************
Pagdating ko sa bahay nila, sarado pa ang gate. Buti na lang sa akin iniwan yung susi. Yes super trusted ako ng tatay niya.
Pagpasok ko, naabutan kong natutulog si Benjie sa sofa. Nakaupo lang siya at nakasandal ang ulo. Masakit kasi yung hita pag ginagalaw eh kaya siguro hindi na niya inayos pwesto niya.
Umupo ako sa tabi niya para sana ayusin ang pwesto niya pero bigla itong gumalaw at tumakip ang blonde hair niya sa mukha niya. Nung steady na siya, lumapit ako ng bahagya sa kanya, sapat para maabot ng kamay ko ang mukha niya.
Hinawi ko ang buhok sa mukha niya.
Maamo din pala ang mukha ng baklang to.
Tsaka mabango siya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Hindi ko matatangging maganda siya. May anggulong gwapo din. Pero nangingibabaw yung ganda niya.May enerhiyang pumasok sa katawan ko para hawakan ang pisnge niya. Marahan kong hinaplos ito.
Dumiretso ang tingin ng mga mata ko sa labi ni Benjie. Katamtaman lang ang pula nito. Mukhang malambot.
Parang ang sarap halika-
"Tanginamo Jhon, gago ka ba? Bakit mo sinasabi yang mga bagay na yan??! You're supposed to hate Benjie gago ka!"
Saad ng utak ko. Oo nagsasalita to bakit ba.
I can't help myself na ilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Malapit na malapit.
BENJIE'S POV
Nakaramdam ako ng parang bumubugang hangin sa mukha ko.
Then naamoy ko yung scent na alam kong isang tao lang ang meron.
Ibinukas ko ang mga mata ko at nagulat sa lapit ng mukha niya sakin.
"J-Jonel??"
"Goodmorning."-bulong niya sakin. Ramdam ko ang init at bango ng hininga niya.
"Gago ka hahalikan mo ba ko?"-tanong ko saka ko inilayo ang mukha niya sa mukha ko.
"Hindi ba pwedeng gusto lang kitang titigan? May muta ka eh."-sagot niya saka tinapik ang labi ko. Tumayo siya at naghanda ng pagkain ko.
Nagluto siya ng tapsilog. Hanga din ako sa lalaking to ang galing magluto.
Gusto kong tumayo mula sa kinauupuan ko kasi magsi CR ako, ang layo ng wheelchair sakin, tapos si Jonel lang ang pwede kong mahingan ng tulong na ayun, busy sa pagluluto...... So pano?
BINABASA MO ANG
Praybeyt Benjamin 3: A Fight For Love
FanfictionWhat are the things you are willing to sacrifice for love?