Chapter 3

98 11 0
                                    

Win's POV



Ilang segundo kaming nasa ganung posisyon at agad akong  bumalik sa ulirat at naitulak ko sya palayo. Agad naman kaming tumayo.



" Im sorry po sir Win, hindi ko po alam nasa banyo ka. Hindi po kasi naka lock yung pintuan kaya akala ko po walang tao." 

Oo nga pala may kasama na pala ako sa bahay,nasanay kasi ako na di mag lock ng pintuan ng c.r since ako lang naman mag isa pag gabi dito sa condo. 



" ok ok sa susunod kumatok ka muna bago ka pumasok." 



" opo opo sorry po talaga." 

Dali dali akong lumabas ng banyo at pumasok sa kwarto ko. Bakit ang init ng pisngi ko, kinapa kapa ko yung noo ko wala naman akong lagnat. Baka mainit lang talaga yung panahon, kaya tinodo ko yung aircon at nag bihis ng pang tulog. Pag katapos makapag bihis nag bukas ako ng laptop para icheck yung mga emails regarding sa business namin. May ilang documents kasi akong pipirmahan pero kailangan ko muna itong basahin ng maigi.  Di ko namalayan na mag alas dose na pala ng madaling araw. Bago ako matulog nagpunta muna ako sa kusina para mag timpla ng gatas. Pabalik na ako ng kwarto ng may narinig akong parang umiiyak. Sinundan ko yun at nakita ko si Bright na parang binabangungot. 

" Bright..." tinapik tapik ko sya sa braso pero walang response.

" Please wag mo akong iwan...Please..." 

" Ui Bright gumising ka, Binabangungot ka." nagulat ako ng dumilat siya at niyakap niya ako habang umiiyak. Parang may sariling buhay yung mga kamay ko at niyakap ko din sya habang hinahaplos yung likod niya. 



" Shhh... Shhh... Tahan na." naramdaman kong lumuwag yung pag kakayakap niya sa akin. 



" Sorry po sir Win."



" Ok lang. Ok ka na?"  



" Opo sir Win medyo ok na po ako." 



" Uhmmm Drop that formalities, Just call me Win."

" Ok lang po ba?" 

" Yes, since wala naman tayo sa office just call me by my name." 

"Win ok noted." 



"Are you sure your fine na?"



" Yes." 



" Ok sige tulog na ako."  patayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko. 



" Thank you Metawin."

After that night naging civil yung pakikitungo namin sa isat isa. Tinatawag niya akong sir pag nasa office kami. And by my name naman pag nasa condo na kaming dalawa. Sa 3 weeks namin magkasama unti unti ko syang nakikilala. At unti unti ko na din nakakalimutan si Luke, dahil na din sa busy ako sa  kumpanya. And this past few days medyo nagiging mainitin ang ulo ko. Di ko alam kung sobrang stress lang ako or sobrang pagod ko lang. Katulad ngayon anong oras na pero nasa opisina pa din ako.  Nakasubsob sa mga documents na nakatambak dito sa lamesa ko. Pasalamat na lang ako at nasa tabi ko si P'New. 



" Win  its already 9pm, I think na tapos naman natin yung mga importanteng documents para sa board meeting for tomorrow. Pwede naman natin tapusin yung iba, yung mga minor adjustment na lang siguro. So tara na at umuwi." Suggest ni P'New sa akin.  Tumingin ako sa oras at alas nuebe na nga ng gabi. 



"Ok sige na Pi pwede ka na umuwi." 

" Ikaw? Di ka pa uuwi?" 



"Saglit na lang may aayusin pa ako." 



The StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon