Chapter 6

89 8 0
                                    

Win's POV

Pagkatapos namin kumain ng almusal dumertcho ako sa kwarto ko at kinuha yung cellphone at dinial yung  number ng kapatid ko.

"Hello."

" Oh P' Win napatawag ka?"

" PP bumalik na ba si Daddy galing Thailand?" May business din kasi kami sa Thailand. And mostly doon nanalagi si Daddy since namatay si Mommy. Kaya ako ang humahawak  kumapanya dito sa Pilipinas. Actually Thai- Chinese ang Father ko samantalang Pilipina naman yung nanay ko. 

" Wala pa, baka sa Sunday balik niya Bakit?" 

" May importante kasi akong sasabihin."

"Ok..Ayaw mo bang sabihin sa akin?" 

" Sa Sunday na para sabay kayo ni Daddy."

"Ok. Miss na kita P' Win."  halata sa boses niya na may problema sya. 

" May problema ba PP?"  ilang minuto siyang nanahimik sa kabilang linya bago sya nag salita. 

" P'Win...Si Billkin.. he cheated on me." 

PP had a Boyfriend si Billkin. Since highschool pa sila, then nung nag collage na nag sama sila sa iisang bubong. Una tutol si daddy sa relasyon nila pero di kinalaunan pumayag din si daddy dahil pinatunayan ni BillKin namahal niya si PP. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa.

" What? Why?" 


" Pwede bang pumunta ako sa condo mo later." 


" Ok Sige papaluto ako ng food mamaya." Binaba ko na yung phone ng pumasok si Bright sa kwarto ko.


" Love ready ka na?"  di pa din ako sanay sa binigay niyang earderment. Tumango ako at kinuha niya yung suitcase. 

Nasa loob na kami ng sasakyan ng hawakan niya niya yung kamay ko habang yung isang kamay nasa manibela. 

" Idlip ka muna Love medyo matraffic." 

" Ok Nga pala sa Sunday samahan mo ako sa bahay." 

" Bakit?" 


" Balak ko na kasing sabihin kay daddy tungkol sa anak natin at yung sa atin." 

"Oh.."


" kinabaha ako bigla." hinigpitan ko yung pag kakahawak ko sa kamay niya. 


" Wag kang mag alala alam ko maiintindihan ni Daddy yung sitwasyon natin." 


" Paano kung di ako tanggapin, paano kung di tanggapin yung anak natin?" 


" Di ganun si Daddy. Ang kaligayahan ng mga anak niya ang priority niya." 

" Ok sige. Kahit anong mangyari papanindigan kita at ng anak natin." 


Pagkadating ko sa kumpanya naabutan ko si P' New sa loob ng opisina ko. At may makahulugang tingin sa mag kahawak naming kamay ni Bright.  Agad ko naman ito inialis at lumabas na si Bright ng opisina ko.


" So holding hands..? Ano balita?" 


" Kami na." Nanlaki yung mata ni P' New sa sinabi ko. Lumapit sya sa akin at niyakap niya ako. 

" Maharot kang tunay. Mahal mo na?" 

" di ko pa alam pi, pero willing ako sumugal ulit sa pag ibig para sa anak ko." 

" So kelan mo sasabihin sa daddy mo?" 

" Baka sa Sunday pag kauwi ni Daddy galing sa Thailand. At saka birthday yun ni Mommy." 

The StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon