Chapter 25

184 8 6
                                    

flashback muna tayo sa mga panahon na nasa manila si Bright..


Bright's POV

Maaga akong gumising para mag jogging. Routine kasi ng daddy ni Win na mag jogging tuwing umaga bago  pumasok sa opisina. Around the village lang naman sya nag jojogging. Sinalubong ako ni PP sa mismong gate ng village dahil exclusive kasi yun.  Nakita ko yung daddy ni Win na nasa park ang nag jojogging.. Mag isa lang siya pero alam ko nakatago yung mga bodyguard niya. Agad akong tumakbo  papunta sa kanya.

" Good morning po." 

Nagulat siya sa bigla kong pag sulpot sa tabi niya. 

" Anong ginagawa mo dito? Bakit nakapasok ka? Teka nga at matawagan yung security." 

"Sir... please po  gusto ko lang po kayo makilala ng maayos at gusto ko din po mag pakilala ang sarili ko. Please po para po kay Win."  Napahinto siya sa pag tawag sa security at tinitigan ako.  Pero ng palapit na siya sa kinakatayuan ko may isang kotse ang humaharurot papunta sa gawi namin at alam ko na kung sino ang target niya,ang daddy ni Win. Kaya agad agad kong tinulak siya sa kabilang kalye at sakto ako ang nabangga ng kotse. Buti na lang di gaano katindi yung pag kabangga sa akin nag karoon lang ako ng pilay sa kamay ko pero tolerable naman yung sakit. Agad agad naman akong nilapitan ng daddy ni Win. 


" Bright... Bright  ok ka lang?" 

" O-okay lang po ako."

" Bakit mo ginawa yun? Alam mo bang delikado yung ginawa mo."

"Ayoko lang po na may mangyaring  masama sa inyo. Alam ko po kung gaano kayo kahalaga at kamahal kay Win. At lahat ng taong mahalaga at mahal sa kanya ay mahalaga din po sa akin. Kaya po nagawa ko po yun." 

" Mahal mo talaga ang anak ko no?" 

" Sobra po. Walang paglagyan yung pagmamahal ko sa anak niyo po." napatingin sa akin yung daddy ni Win at may mga bodyguard na lumapit sa amin. 

" Sir okay lang po kayo?" 

" Kailangan niyong mahuli yung gustong bumangga sa akin. I need a result later. And please bring this man to hospital para magamot yung mga sugat niya at bay bali yata yung wrist niya." 

"Bright sumama ka muna sa kanila at pumunta sa hospital para magamot yang mga sugat mo. Ayokong isipin ni Win na may ginawa akong kasalanan syo. Then after that mag usap tayo sa bahay." 


Bigla akong nabuhayan sa sinab ng daddy ni Win. Sa wakas at pinagbigyan din nya akong kausapin. Kaya tumango ako bilang pag sang ayon at sumunod sa bodyguard niya at nag punta ng hospital. 


Wanchai's POV ( Daddy of Win) 

Payapa akong nag jojogging ng may sumabay sa akin sa pag takbo. Pag lingon ko si Bright. Talagang purgisido siyang makausap ako at mahingi yung basbas ko sa relasyon nila ni Win. Palapit na ako sa kanya ng may humaharurot na sasakyan at target ay ako. Napapikit na lang ako ng maramdaman kong may tumulak sa akin. Pag mulat ko nakita ko si Bright na nahagip ng sasakyan. May gasgas sa bandang siko niya at mukhang nabalian pa yata ng buto sa kamay. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa yun at nagulat ako sa sinagot nya sa akin. 

Simula ng nalaman ko na may relasyon si Win at Bright na disappoint ako lalo na ng nalaman kong buntis si Win. Marami akong pangarap para sa mga anak ko. Infact si Win ang papalit sa akin as CEO ng kumpanya na tinayo namin mag asawa para sa mga anak namin. Pero lahat ng yun nawala dahil sa maling desisyon ni Win. Pero sabi nga nila walang magulang ang di matiis ang anak.  3 months after umalis ni Win sa bahay pinahanap ko sila. At nalaman kong sa bayan pala ni Bright sa Ilocos sila nanirahan. Nalaman ko din yung pag bili niya ng coffee shop alam kong isa sa panagarap niya ang mag ka coffee shop at para makapag bake din siya ng cakes and ibang pastry. Alam ko hilig niya mag bake dahil tinuruan siya ng mommy niya nung bata pa siya. Passion niya ang pag bake ng pastry pero ng dahil sa akin napilitan siyang kumuha ng business course. 

Naawa ako sa anak ko dahil hindi sanay sa buhay na mahirap. Pero habang tumatagal alam kong nasasanay na siya. At proud ako sa kanya doon. Pinaimbestigahan ko din si Bright at ang pamilya niya. At napanatag ako na nasa mabuting kamay ang anak ko. Unti unti kong kinikilala si Bright at napatunayan ko ngayon na sobra syang masipag at mahal na mahal niya si Win at mabuting ama din siya sa mga anak niya. Dahil na din sa pride kuntento na ako na makita sila sa malayo. Lalo na yung nanganak si Win. Nag punta ako sa hospital at nakita ko ang apo ko. Ang ganda ganda niya. Kamukha ni Win ang cute cute. 

Nalaman ko din na nag propose na si Bright kay Win, nalaman ko yun kay PP. Pinapakita din ni PP yung mga pictures ng apo ko. Pero hindi ako nag pahalata na nakita ko na yung apo ko. At ngayon pinatuyan ni Bright na nasa tamang tao ang anak ko. 

Kinagabihan nasa office ako sa bahay namin ng kumatok ang maid namin. Hudyat na dumating na si Bright. Pinapasok ko siya at inutusan yung maid na mag dala ng maiinom at cake. Ilang minuto din kaming tahimik at nabasag lang to ng kumatok ulit yung maid para dalhin yung inumin.

"So kamusta yung kamay mo?" nakasemento kasi yung kamay niya mukhang nabalian nga ng buto sa kamay si Bright.

"ok naman po yung kamay ko may ilang buto lang po na dislocate pero ok naman po. Nasemento na po ito ilang days lang po ok ba daw po ito."

"Mabuti naman kung ganun. Ayokong isipin ng anak ko na minamaltrato kita. So lets get straight to the point. Ano ang plano mo sa anak ko? "



"Marami po akong plano para po sa pamilya ko at unang una doon ang pakasalan po si Win. Isa din po sa dahilan kung bakit nais ko din po kayo kausapin para personal na hiningin yung kamay ni Win."

"Gaano ka kasigurado na ibibigay ko ang basbas sa kasal niyo?"

"Dahil mahal niyo po si Win. At alam ko na ang happiness ng mga anak niyo po ang priority niyo."

Kitang kita ko ang determinasyon na makuha ang approval ko para kay Win. At alam kong mahal na mahal niya si Win at ang anak nila. Sino ba naman ako para ipagkait sa anak ko ang kaligayahan na nais niya. SI bright at ang anak nila ang kaligayahan ni Win ngayon. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Tinapik ko sya sa balikat.


"Aasahan ko ang mga sinabi mo na aalagaan at mamahalin mo ang anak ko at apo ko. Wag na wag mong  sayangin ang tiwalang binigay ko syo." kitang kita ko yung saya sa mukha niya.



" salamat po sir. Salamat po."



"Dad.. Dad na ang itawag mo sa akin." at nag lakad na ako palabas ng office.












----------------------------------------------------

Hi... Naka update ulit enjoy reading po...






The StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon