Chapter 19

75 6 0
                                    

PP's POV

" Hello babe i miss you." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng narinig ko yung katagang yun. Hindi ko sya na bosesan.

Agad kong binaba yung phone at di ko alam yung nararamdaman ko. after almost the year since na nabreak kami wala kaming communication. Ang Balita ko na lang eh nag transfer sya sa ibang lugar. Di ko alam kung saan di ko naman na kasi tinanong sa mga kaibigan niya. Simula nung nag break kami binura ko na sya sa buhay ko. Lahat ng nag papaalala sa kanya tinapon ko na. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. I'm in the moving on stage pa din. Di naman kasi biro yung ilang taon na pinagsamahan namin.

Nahirapan ako na sumubok na makipag date ulit di dahil sa mahal ko pa sya. Kundi nag karoon na ako ng trust issues, parang na trauma ako sa nangyari sa relasyon namin ni Billkin. Kaya hanggang ngayon ay nakasarado pa din ang puso ko para sa iba. Sabi ng mga taong nasa paligid ko sumubok ako pero para sa akin wag muna masakit pa. Di ko namalayan nakatulog na ako.



Kinabukasan maaga akong nagising. Nakita ko si P'Win at yung anak niya na nag papaaraw. Pinuntahan ko sila para pinikchuran ang cute talaga ng pamangkin ko manang mana sa gwapo at magandang Tito and that's me. After mag paaraw iniayos ko na yung mga gamit ko at pupunta na kami sa shop. Nalinis na daw ni P'Bright yung kwarto doon kaya pwede na ako matulog doon. Nasa kwarto ako nag aayos ng gamit ko ng pumasok si P'Win. 

" Ready ka na PP?" 

" Yep, ilalagay ko na lang tong mga nagamit kong damit then ready na ako." 

" Si Bright na lang muna ang mag hahatid syo. Alam mo naman bagong tahi lang ako at limited pa yung galaw ko. Buti di makulet yung mga bata kaya keri lang." 

" Ang laki na talaga ng pinag bago mo P'Win. Nanay na nanay ang peg ah." 

" Hahhaha syempre sino ang mag aalaga ng mga anak ko syempre ako. Hindi ko naman na afford ang kumuha ng kasambahay." 

" Proud ako syo Pi." 

" Salamat." At niyakap ko siya. Pero ramdam ko may lungkot pa din siya.kumalas ako sa pag kakayakap at kinuha yung mga kamay niya.

"Alam ko may parang may kulang pa sa buhay mo at si daddy yun. Hayaan mo at lalambot din yun." 

" Sana nga. Gusto kong makita niya yung apo niya." 

"Soon Pi." 

" Oh sya lumakad na. Si Bright na muna ang bahala syo. Papakilala na din niya yung dalawang kasama ko sa shop. " 

" Sige pi." Pa tayo na ako sa kama ng may kumatok sa pinto. Binuksan ni P'Win yung pinto at si P'Bright yun. 

" PP tara na punta na tayo sa coffee shop."  Si P' Bright. Doon muna ako sa coffee shop mag stay para di na ako mapagod mag pabalikbalik mula sa bahay nila P'Win at coffee shop. May kwarto naman doon. At dahil bakasyon na din ng dalawang empleyado tulong tulong kami sa coffee shop. 

"Buti di ka nahirapang hanapin tong bayan namin." panimula ni P'Bright. Habang nasa daan kami papuntang shop.  

" Uhmmm hindi naman nasa waze naman siya kaya keri lang." 

"Buti at nagbakasyon ka dito sa amin. Maraming mga tourist spot dito. At may malapit din na beach dito pwede kang mag swimming." 

" Kaya nga Pi mukhang maganda dito sa inyo. Hiyang na hiyang si P' Win dito. Proud na Proud ako kay P'Win dahil nakaya nya lahat ng ito." 

" Malaking adjustment and sacrifice ang ginawa ng kuya mo kaya di ko hahayaang masayang ang lahat ng iyon. At mahal na mahal ko yung kuya mo." 

" Sana all ganyan. Napaka swerte ni P' Win syo. May anak na nga kayo at ikakasal na din." 

" Dadating din yung para sa inyo or baka mahanap mo na din dito. Alam mo yung mga taga dito mababaet at syempre gwapo pa tulad ko. Hahahahah" 

" Focus muna ako sa studies ko. Malapit naman  naman na ako matapos eh. Para ako na ang mag handle ng business namin." 

" Pasensya na PP kung nalipat yung responsibilidad sayo na sana para kay Win. Di ko naman gustuhin na malayo si Win sa pamilya niya kaso mahal ko talaga yung kuya mo. At ayaw kong takbuhan yung anak namin. Naranasan kong walang ama na gumagabay sa akin at ayaw kong iparanas sa magiging anak ko. Kaya gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. Para sa kuya mo pati na din sa mga anak namin. " 

"Hindi nagkamali si P'Win sa pag pili syo P'Bright. Isa kang responsableng ama at soon to be asawa kay P'Win. Alam ko naman na aalagaan mo sila ng mga anak mo kaya hindi ako nangangamba at yung sinasabi mong nalipat sa akin yung responsibilidad sa pag papatakbo ng kumpanya ok lang yun. Sooner or later ako din naman ang hahawak nun. At saka masaya si P'Win sa pinili niyang buhay kasama ka. Kaya hanggang sa dulo susuportahan ko kayo. As long as di mo sasaktan kuya ko at pamangkin ko. Ok na ako dun." 



" Salamat PP sa acceptance sa amin ng kuya mo. Sana matanggap din kami ng daddy niyo para maging masaya na talaga ang kuya mo. Alam ko naman kahit di niya sabihin na namimiss niya ang daddy niyo. Pero pag tinatanong  ko sya sabi niya okay lang daw siya. Kaya sana makausap ko ang daddy niyo bago kami ikasal, para formal kong hingiin yung kamay ng kuya mo. Para malaman din niya na malinis talaga ang intensyon ko sa kapatid mo. Sana nga makita din niya yung apo niya." 



" Wag kang mag alala P'Bright nag send ako ng picture ni Baby Charlotte kay daddy naseen naman niya kaso di sya nag replay. Sinabi ko na din na ikakasal na kayo. Hintayin na lang natin siya. Alam ko naman di niya matitiis si P'Win kaya sana wag kang mapagod mag hintay. Lalambot din si daddy lalo na may apo na sya at opisyal na nang lolo." 

At ilang minuto lang at nakarating na kami sa coffee shop. Di kalakihan pero ma fefeel mo na good ambiance yung lugar. Nasa bandang highway at malapit din yung dagat kaya maraming nag pupuntang turista. Pagdating namin doon tinulungan ako ni P' Bright na buhatin yung mga dala kong maleta at inilagay sa kwarto sa itaas ng coffee shop. May isang kama doon at isang lamesa at upuan at may tv din na maliit. At pagkatapos mailagay yung gamit ko at brinifing na ako ni P'Bright sa mga pasikot sikot sa shop. At ilang minuto lang at may pumasok na dalawang babae sa shop akala ko customer yun pala yung mga part timer nila P'Win. 

" PP sila si Tu at Prim yung makakatulong mo dito sa coffee shop. Wag kang mag alala matagal na sila at na train na sila ni Win na mag bake at may training na din sila sa pag babarista. Sila ang makakasama mo muna dito pansamantala habang bakasyon at nagpapahinga muna si P'Win mo." 



" Hello po Pi nice meeting you po." Sabi ni Tu. Kinamayan ko din sya at nag smile ganun din kay Prim. Mukhang magkakasundo kami nito.

" Oh sya balik na ako sa bahay walang kasama si Win doon  mauna na muna ako sa inyo. Kayo muna ang bahala dito sa coffee shop. Maraming salamat sa inyo" 

Pagka alis ni P'Bright ay nag chikahan muna kami nila TU at Prim. Di nga ako nag kamali at nagkasundo kami. Then after that nag bukas na kami. May mga pastries naman doon pero di karamihan since di pa kaya ni P'Win ang mag bake kaya si Tu ang nag bake ng ilang pasteries doon. Ako na ang tumao sa cashier at si Tu naman ang gagawa ng mga order at si Prim naman ang magseserve sa mga customer. 

Pagkabukas ng coffee shop madami na ang pumasok at sunod sunod na ang orders. Since malapit to sa highway may mga ilang byahero na nag stop over muna para mag kape. Infairnes smooth ang trio namin nila Tu at Prim. Minsan ginaguide din ako ni Tu since di ko pa gamay yung mga pwesto doon. Pero nakakasurvive naman. Lunch time na kaya pinauna ko na kumain yung dalawa since konti pa lang naman yung tao.  Ilang sandali lang at kumalansing yung bell sa pintuan hudyat na may customer na pumasok. 

"Welocome to Cafe..." hindi ko naituloy yung sinasabi ko ng makita ko kung sino yung nasa harapan ko. 

" PP"

"Ikaw!!!!" 

_____________________________________

Sino Hul niyo nakita ni Pp? Hheheh
Double update happy reading..










The StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon