Chapter 6

35 0 0
                                        

"When my brother said he was staying here and he saw you, I didn't expect it to be true.

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Devin. Akala ko hindi na siya magsasalita eh. Paano ba naman, magmula kanina pagdating niya ngayon lang nagsalita. Halos trentang minuto rin yung dumaan.

Siguro napansin niya ring hindi agad ako nakasagot kaya napalingon siya sa'kin at hindi sinasadyang nagksalubong ang mga mata namin. Napangiti naman siya at tsaka umiling kaya naguluhan naman ako.

"Pero ang gwapo ha." Sambit ko sa sarili at tsaka rin umiling ng mapagtanto ang sinabi ko sa sarili ko, kahit totoo naman. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya yung salamin niya.

"Is there something on my face?"

"Ha?"

"You're staring, there must be something on my face." 

Ano raw?

Ay siomai kayo, I'm staring daw. Nahuli niya 'kong nakatingin pa rin sa kanya.

"S-Sorry. Ano, bakit ang tahimik mo?" Wala sa sarili kong tanong dahil sa hiya kaya't agad ko namang minura ang sarili ko sa isip.

"I'm as quiet as I can be. My brother's the noisy one." Paliwanag niya naman at tsaka umayos ng pagkakaupo. Nasa park kami ngayon at nakaupo pareho sa isang bench habang nakatingin sa kawalan. Bigla ba namang dumating kanina kung kailan kakaupo ko lang para magpahinga. Hindi niya naman ako pinilit na samahan siya kasi andito naman kapatid niya, pero bisita siya eh. 

Hindi nga basta-bastang bisitia. Customer siya kaya tama lang 'tong ginagawa ko.

Pambawi na rin sa kabaitang pinakita niya kahit hindi pa gaanong nagtatagal ng magkakilala kami.

"Ah, talaga? Akala ko pareho kayong madaldal." 

"Well, I can be talkative. In the classroom."
"Aba, malamang pag nasa classroom ka eh dadaldal ka talaga. Teacher ka eh."
"Exactly."

At nabalot na naman kami ng katahimikan. 

Napatingin ulit ako sa direksyon niya at tsaka lang napagtantong naka teacher's uniform pa siya at suot pa nga yung ID niya. "Galing ka palang sa university kung sa'n ka nagtuturo?" Tanong ko na tinanguan niya naman. Napabuntong hininga pa nga siya bago nagsalita. "Yes. I came here straight from work because my brother demanded me to. Maya-maya siguro uuwi na rin ako." 

Ngayon, ako naman yung tumango. Grabe, ang bait naman nito.

"You know you can leave me here, right?" Sabi niya bigla na ikinataas naman ng isa kong kilay. "Ha?" At dahil sa reaksyon ko ay natawa naman siya kaya mas lalo akong naguluhan. Ganito ba 'to pag pagod?

"For a manager, you sure do have weak listening skills." At tumawa pa siya ulit. Napairap ako at umayos din ng upo. "It is not my fault that you can't communicate properly. Communication is a 2-way process, if you can't express the message properly then as the receiver or the person you're talking to, hindi talaga kita maiintindihan." Ganti ko naman at hinigpitan ang pagkakatali ng buhok ko dahil sa inis.

"Are you mad right now?" Tanong niya ng natatawa pa rin. "No, sir Devin. I'm not." Sagot ko at nanatili sa pwesto ko. 

"What I said was," Panimula niya. "You can leave and go back to work. I'll be fine here and I won't be staying for long anyway since the week's just starting and I have to go to work tomorrow too." 

Ahh, yun lang pala. 

"If you do not need any form of assistance, then I shall take my leave then." Sambit ko hindi lang dahil sa madali akong kausap, kundi dahil sa katotohanang may iba pa akong kailangang atupagin at may iba pang customer at hindi lang siya.

If Only I CouldWhere stories live. Discover now