"Bunso manliligaw mo ba yun? Pogi, pero saan mo ba nakilala?"
Nabilaukan ako pagkarinig sa tanong ng kapatid ko ng matapos siyang kumain. Agad naman akong inabutan ni papa ng isang baso ng tubig habang nauubo. "Bakit mo naman kasi tinanong ng ganyan kapatid mo, pero JanJan, sino nga ba yun?"
"Papa naman, isa ka pa. Wala lang yun." Sagot ko bago nagpatuloy sa pag-ubos sa pagkain na nasa plato ko. Kanin lang naman yun na hinaluan ng toyo. May ulam naman pero naglagay si kuya ng sawsawan eh, kaya yun na ginawa kong ulam. "Sigurado ka ba? Mukhang nakakagaan nga sa buhay. Anong trabaho niya?" Tanong ulit ng kapatid ko. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at nagpatuloy na sa pag kain.
"Junior High School teacher sa university na malapit. English ang tinuturo niya." Pagsagot ko sa tanong nila pagkainom ko ulit ng tubig. Napatango naman si papa habang nag-iisip naman yung kapatid ko. "Hindi ka naman liniligawan?" Pag ulit niya sa tanong niya kanina. "Sabing hindi nga eh. Kakakilala ko lang doon sa tao." Pagpapaliwanag ko. Tumayo na ako at dinala na yung pinagkainan ko sa lababo at hinanda na yung ipapakain ko sa alaga kong pusa, si Gray.
Nagising na mula sa mahimbing niyang tulog yung pusa na tinutukoy ko kaya binilisan ko yung pagtimpla sa pagkain niya.
Pagkatapos ay linagay naman agad ng kapatid ko yung mga natitirang plato sa lababo kaya nakapagsimula na rin akong maghugas. "Jan, di ka night shift ngayon?" Tanong ng tatay ko na inilingan ko lang. "Bukas pa. Si Bogs na muna bahala doon, babawi raw siya kasi isang buwan na wala." Dagdag ko pa.
"How is everything pala, bunso? Kamusta staff? Any reports? Is everything going well?" Tanong naman ng kapatid ko na nakaupo pa rin sa upuan niya sa dining table. "Syempre. Wala pa namang offenses o kung ano. Sana lang ngayong buwan wala. Hindi kagaya nung March." Tugon ko at hindi sinasadyang nailabas yung gigil sa isang baso.
"Didn't I tell you already that it wasn't your fault?" Saad ng kapatid ko. "I didn't say it was my fault." Ganti ko naman. Napabuntong-hininga na lang siya at tsaka na nanatiling tahimik.
Natapos na 'ko sa paghugas kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at tsaka bumagsak sa kama ko sabay yakap sa isang unan. Marami yung customers ngayon kaya nakakapagod talaga. Nagkasakit pa yung isang server kaya kinailangan pa ng substitute kanina.
"Maaga pa 'kong papasok bukas." Pagkausap ko sa sarili ko, kaya agad akong bumangon at inalis na yung pagkakatali ng buhok ko para suklayin na ito bago ako matulog. Pagkatapos naman ay nagsepilyo na ako. Habang nagsesepilyo, nakasanayan ko na atang mag isip ng kung ano-ano habang linilinisan ngipin ko.
Minsan nga umaabot na 'ko sa puntong kinakausap ko na talaga sarili ko, kahit habang naghihilamos.
At ng matapos ay bumalik na ako sa kwarto ko at tsaka pinatay yung ilaw at inon yung electric fan. Tsaka ko na hinayaan ang katawan kong mahulog sa kama ko at makasama na ng mga unan ko.
Yun nga lang, hindi ako nakakatulog agad-agad. Kailangan ko munang humilata dito sa kama ng mga sampung minuto bago ako tuluyang makatulog. Pero ngayon, hindi ko na siguro kailangan pang maghintay ng ganun para lang makatulog. Basta pagod, hindi ako nahihirapang makatulog eh. At pagod ako ngayon.
"Good night." Sambit ko kahit ako lang ang nasa kwartong 'to at tsaka tumagilid at ipinikit na ang mga mata ko.
Kinabukasan, pakiramdam ko hindi pa nga nag-iisang oras yung tulog ko ng marinig ko nang tumunog yung alarm kong nakaset sa alas sinco ng umaga.
Gusto ko mang matulog pa, hindi na pwede dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho.
YOU ARE READING
If Only I Could
Cerita PendekThere are many things in life which we have no control over, and we have to learn how to not dwell on them. Because what's the use? Well, that was how Devin perceives things at least. But what if there was something he could've done for the only pe...
