Chapter II: Accept and Forgive 💓
jamaica
Humilata ako sa kama ko dahil sa pagod. Buong mag-araw akong nasa Resort. Nakakapagod rin pala mag-Manage ng ganito. Kahit pa-paano naa-adapt ko na rin yung buhay dito sa France tsaka sa trabaho. Sinusubukan ko ring matuto ng French.
Isang linggo na ako rito pero ayaw pa rin magsink-in ng lahat ng nangayare sa utak ko.
Kamusta na kaya si Ate ? Kamusta na kaya si Kuya Ranz ? buhay pa kaya siya ? Naaalala rin kaya ako ni Mikee ?
Kinuha ko yung cellphone ko. Tawagan ko kaya siya ? Baka gusto na niya ako balikan ? Baka wala lang siyang lakas ng loob.
Diniall ko yung number niya at after ng 3 ring.
"Hello, It's Anya Mikee's girlfriend. Who's this ?"
Biglang nabitiwan ko yung Phone ko. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko 💦 Hanggang ngayon sila pa rin ? Talagang pinanindigan na nila yun panloloko nila sa akin ?
Ini-end ko na ang tawag at nagtalukbong ng Blanket. Wala na talagang pag-asa. Tanggap na niya na wala kami at mas pinili niya si Anya 💔
Ang sama mo Mikee. Ang sama sama mo 💔 Di ko akalaing magagawa niya sa akin 'to. Sa isang taon mahigit na pinagsamahan namin, itatapon na lang niya lahat yun.
*Knock Knock Knock*
"Jam, tulog ka na ba ? Pwede pumasok ? May ipapakita ako, it's very important" Nakakapagtaka na gabing-gabi na pero may ipapakita pa siya. Ganun ba ka-importante yun?
Agad kong pinunasan ang luha ko at tinago ang phone ko.
"Come in Blessy"
Dito nakatira si Blessy kasama ko. Pinagpaalam ko siya kay Aunt Mabelle para dito tumira kasama ko.
Pumasok si Blessy dala-dala yung laptop niya at namumutla. Tumabi siya sa akin at tinapat sa akin yung laptop.
"Si kuya Ranz" sabi ni Blessy habang namumutla. Bigla naman tumaas ang balahibo ko.
Kilala ni Blessy si Kuya Ranz kasi 5 yrs na yung relationship nila ate Queen at Kuya Ranz. Pareho kaming 17 noon at 18 na nagmigrate dito sa France si Blessy.
Clinick niya yung picture ng lagayan ng Abo ng crinimate. Sa may caption nakalagay.
Rip Kuya Ranz Ville Chu. We will miss you and We love you forever specially Ate Queen. -eliz
"Trending Topic si Kuya Ranz sa Pilipinas at International. The CEO of Johnson International Corporation is Dead. Nabangga daw ito noong papunta sa Carlo's Restaurant, sa restaurant ninyo, At noong oras na yun ay magpropopose na sana ito kay ate Queen" dagdag ni Blessy.
Lutang na naman ang isip ko.
"Ate sorry"
--
"Thank God gising ka na Jam. Pinag-alala mo ako. Akala ko di ka na magigising" Niyakap-yakap ako ni Blessy habang ako nakatulala pa rin.
"... alam mo ba Jam kinabahan ako nung hinimatay ka. Alam ko namang nagulat ka sa balita pati na rin sa ate mo. Jam umuwi ka muna kaya sa Pilipinas ? Baka kailangan ka roon ng ate mo."Napatingin ako kay Blessy at napayuko.
"Uuwi ? Hindi. Ayoko" nakayuko lang ako at di tumitingin kay Blessy.
"Ayaw mo ? Bakit ayaw mo ? Diba kayong dalawa na lang ng ate mo ? Tyaka ayaw mo bang damayan si Ate Queen ? Kung ako yung kapatid niya uuwi ako dun" pagpupumilit ni Blessy sa akin. Napaupo ako at hinugot ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
Halik sa Hangin
RomanceAng ikli ng panahon na binigay sa amin Pag-ibig na para lang isang Halik sa Hangin Ako si Jamaica. Dahil sa isang aksidente, ang buhay ko, ang buhay ni ate , ang buhay ng pamilya ko at buhay ng pinakamamahal ko Ay magbabago Paano ko mabubuhay kas...