Chapter 1: Paris Cry

271 10 0
                                    

Chapter I: Paris Cry 😢💦

Jamaica.

Nagising ako dahil mayroong mabigat sa kaliwang balikat ko. Pagtingin ko natutulog si Adam. Malalim ang pagkatulog niya at wala na rin akong lakas na tanggalin yung ulo niya sa balikat ko kaya hinayaan ko na lang.

Tumingin ako sa bintana. Kitang-kita ko ang ulap. Naalala ko sabi sa akin noon ni Mikee lilibutin namin ang buong mundo ng magkasama kahit magka-anak na kami at tumanda. Pero lahat ng 'yon ngayon wala na. Sira na ang pangarap ko, pangarap namin.

Hindi ko na alam kung paano na uli ako magsisimula ng wala siya kasi hindi ko makita yung future ko ng wala siya.

Naramdaman ko na lang na sabay-sabay ang pagbuhos ng luha ko sa pisngi.

Mas masakit pala talaga yung break-up kaysa yung cool off at tampuhan. Lalong-lalo na kapag niloko ka. Oo maarte ako pero alam ko namang pati yun minahal na siya akin at tanggap na niya yun.

Di ko lang maisip bakit niya ko niloko. Pati si Anya paano niya nagawa sa akin yon? Pati niya nagawang pagtaksilan yung kapatid ng bestfriend niya ?

Naramdaman kong gumaan amg kaliwa kong balikat. Mukhang naalimpungatan yata si Adam. Agad kong pinunasan ang luha ko at napalingon sa kanya.

"Umiiyak ka na naman Miss--"

"Jamaica"

"Alam mo hwag ka ng umiyak" biglang niyang hinawakan ang pisngi ko at pinunasan. Hindi ko namang maiwasan maluha "... sige ka papangit ka nyan Hahahaha"

Umiling na lang ako at pinunasan ang luha ko. Sa ganitong sitwasyon ko, hindi ko alam kung makakayanan ko pang tumawa.

"Paano ko hindi iiyak kung ang bigat-bigat ng loob ko ? Nagawa kong lokohin ng taong minamahal ko 💔" Napayuko na lang ako kasabay ng mga luhang umaagos galing sa mata ko. Kahit anong punas ko ayaw pa rin mawala ng mga luha ko.

"Everything's happen for a reason Jamaica. Wala kang kasalanan. Wag ka manghihinayang sa taong minsan kang sinayang." Hinawi niya ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko

"Siya yung dahilan kaya naging masama akong tao pero di ko naman yun sinasadya. Matatanggap ko pa kung ibang babae yun Adam e , but damn bakit yung bestfriend pa ng ate ko ? Yung tinuturing ko pang isang ate ? Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng buong mundo. Ang sakit Adam 💔 Nagkulang ba ko ? Masama ba kong girlfriend ? Nakakasawa ba ako ?" Pinikit ko nalang ang mata ko at napahawak ako sa tapat ng puso ko. Di ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko, sobrang sakit para kong nagiging manhid 💔

"Jamaica, kalimutan mo na siya. He does'nt deserve you after all. Napakalaki niyang tanga para pakawalan ka. Hwag mong hanapan yung sarili mo ng pagkakamali. Hindi sa'yo ang problema, nasa kanya. Alam mo gago yung taong yun, hindi niya alam kung gaano ka kahalaga. Stop loving that guy. Sinayang niya lang yung pagmamahal mo. Baka hindi talaga siya ang para sa'yo" sabi ni Adam sabay na pagpatong niya ng ulo ko sa balikat niya 🙇 "...Iiyak mo lang lahat Jamaica, hindi man naaalis ng pag-iyak ang lahat ng sakit, atleast naiilalabas mo kung gaano kahapdi"

Katulad ng sinabi ni Adam, iniyak ko lahat ng sakit, hapdi, pagka-guilty na nararamdaman ko.

Darating yung panahon Mikee babalik sa'yo lahat ng sakit 💔 Kakarmahin ka sa lahat ginawa mo 💢 Babalik sa'yo ang sarili mong bangungot 💤

Maghihiganti ako sa'yo at kay Anya 😣 Babalikan ko kayo.

Unti-unting tinawag ako ng antok at umitim na ang buong paligid 💤

--

"Jamaica we're here"

Nagising ka sa boses na tumatawag sa akin. Pagdilat ko 👀 si Adam pala.
"Nandito na tayo sa Paris. let's go!" nakangiti niyang sabi hawak ang bagahe ko -- at saglit. Bakit niya hawak yung bagahe ko ?

Halik sa Hangin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon