Chapter 4: We meet again

110 6 0
                                    

I dedicate this chapter to my lovely Kendi nachxv. Happybirthday! Loveyou and take care always!
Chapter IV: We meet again

Jamaica.

After 2 years

"The White Sand Beach is now open!"
Sabay ng Grand Launch ang araw na 'yon. Saktong 2 yrs

March 24, 2013

March 24, 2015.

Maraming nangyari sa 2 taon. Nagfocus ako sa mamanage ng Hotel and Resort namin. Dalawa na ang Branch ng Hotel and Resort namin sa awa ng dyos. Bukod sa Hotel and Resort ay nakapagpatayo pa ako ng Clothing Line sa Venice.

2 taon na pero hindi pa ako nagmamahal uli. Mahal ko pa ba si Mikee ? Hindi ko alam. Wala pa naman kasi akong ibang minahal kaya hindi ako sigurado kung ano ba talaga yung feelings ko kay Mikee.

Succesful yung Hotel and Resort at Restaurant ko pero parang di naman ako masaya. Natupad na yung pangarap sa akin ni Mommy na maging Succesful Bussinesswoman pero hindi ako masaya dahil sa lihim ng kahapon ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapatahimik ng konsensya ko. Pinipilit ko maging masaya pero patuloy pa rin akong nakakulong sa kahapon.

Ano bang mararamdaman ko ? Maging masaya samantalang yung kapatid ko nasasaktan?

Tanggap ko na wala na kami ni Mikee pero parang lahat ng sakit hindi pa rin mawala-wala.

"Jamaica!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Marcus na may hawak na dalawang Buko Shell at nakangiti sa akin. Agad-agad siyang lumapit sa akin at umupo sa buangin "...Buko Juice for you Beautiful. Congrats succesful ang Grand Launch. I'm so proud of you"

Kinuha ko yung Buko Shell at ngumti sa kanya.

"Thankyou! Thank you sa lahat-lahat. Since last 2 yrs nandito ka lang sa tabi ko. Thank you for being a nice friend to me. Please don't change, you and Blessy are my strength"

Ngumiti Marcus pero parang malungkot na ngiti.

"I'm just a friend" Nakayukong sabi niya. "...I've been waiting for you Jam pero hindi pa rin pala. Ako yung laging nasa tabi mo pero hindi mo man lang ako nakita hindi bilang kaibigan."

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Oo simula 'nung makilala ko siya alam ko na minahal na niya ko. Ilang beses niya ko pinilit, dalawang taon niya ko hinintay. Pero hindi pa yata handa. Hindi ko pa yata kayang magmahal ulit.

"I'm sorry Marcus. Alam mo namang kaibigan lang diba ? Alam mo noong una palang. Hindi pa siguro ako handa" Hinawakan ko yung kamay niya at tumingin ng diretso sa mata niya "...Hwag ako Marcus. You deserved to be loved. You're kind, sobrang bait mo kaya alam kong di ako deserved na mahalin mo"

Biglang tumulong luha galing sa mata niya peo agad naman niya itong pinunasan at saka tumawa.

"Si Tinkerbell yung nasa tabi palagi ni Peter Pan pero never nakita ni Peter Pan ang halaga ni Tinkerbell" biglang tumayo si Marcus at hinalikan ako sa noo "...Hihinayin pa rin kita Jam. Ganun kita kamahal."

--

"#14 Abigail , #15 Mizzy, #16 Blessy"

Napatingin ako kay Blessy. Kasalukuyan akong nanunuod ng Surfing Contest at kasali 'don si Blessy.

Hindi mawala-wala sa isip ko yung nangyari kanina. Ayokong saktan at paasahin sa wala si Marcus dahil mabait siya at di ko siya kayang saktan. Pero 'bat hindi niya magawang kalimutan ako ?

" #16 Adam"

Bigla kong nabalik sa realidad ng marinig ko yung pangalang 'yon. S-si Adam ?

Agad akong napatingin sa dalampasigan at di nga ako nagkakamali. Si Adam nga. Yung lalaking nakilala ko sa Airport 2 yrs ago.

Halik sa Hangin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon