"Good Morning France!" Masayang bati sakin ni Erika pag kapasok ko ng room.
"Oh hi, Good morning din. Ang saya mo ata?" Tanong ko. Sabay kaming pumasok ng room. Mag katabi din kami sa upuan.
Erika Mae Sebastian, 16 years old. My one & only best and childhood friend.
"Hehehe syempre Bes! Aba, Feb-Ibig Month na oh!" Komento ni Erika na bakas na bakas sa mukha ang kasiyahan.
"Oh eh, ano naman ngayon?" Tanong ko
" February na bes, kaya. Ibig sabihin, dapat may love life kana!" Yan na naman po ang best friend ko na mas frustrated pang mag kaboyfriend kaysa sakin.
"Nako. Love life ka dyan. Tigilan mo ako. Chaka na yan." Sagot ko naman.
"Huweeeh? Baka naman, iniintay mo pa din si Pinsan ko ha? Kaya ayaw mong magka-love life." Pag iintriga nya.
"Nako Erika, wag nga ako. Iba nalang. " sagot ko. Nilabas ko na yung notebook ko para sa first subject namin. Ilang minuto nalang kasi mag sstart na ang klase.
"Wow, ang layo ng sagot mo France ah." Pag dududa nya.
"Eh, hindi naman kasi ako interesado sa ganyan." Sagot ko.
Totoo yun, im not into girl-boy relationship. Hindi naman dahil mahigpit yung Magulang ko at si Kuya. Actually, ine-encourage pa nga nila ako na mag boyfriend na, Ayoko lang talaga.
"Nakooo! Baka kasi nasa America pa yung pinag iinteresan mo kaya hindi ka interesado sa mga nanliligaw sayo dito." Sagot ni Erika. Kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Hoy gaga ka. Wag ka ngang maingay dyan." Sagot ko sa kanya. Napaka ingay talaga nito ni Erika kahit kailan eh.
"Hehehehehe, Sorry na. Pero tama ako no?" Ngiting tanong nito. Tinignan ko lang sya at hindi na sinagot.
"Yiiiee. In love talaga sya kay G--France!" Hindi pa tapos yung pang aasar ni Erika ng tagawin ako ng kung sino mang poncio pilato na napaka lakas ng boses.
"Tsk. Si Michael feeling gwapo naman." Saad ni Erika ng makita yung lalakeng naka tayo sa may pintuan ng classroom namin.
Nag one look lang ako kay Michael tapos hindi ko na sya pinansin. Papansin naman kasi palage yan.
"Hi Babe, ano ba naman yan. Ang aga-aga ang sungit mo." Saad ni Michael. Tapos nag lakad ito patungo samin.
Hindi ko sya pinansin at humarap lang kay Erika. "Ano nga ulit yung sinasabi mo Erika?" Tanong ko dito.
Tinignan lang ako ni Erika na nag tataka at sinenyasan ko 'to na. Mag-tanong-ka-ng-kahit-ano.
"Ahh. Ayy Oo nga. Nga pala kamusta na pala yung project mo sa Physics, France?" Tanong ni Erika sakin.
"Ah yung sakin? Tapos na. Nung isang araw ko pa ginawa." Sagot ko. Tinignan ko naman si Michael na ngayon ay nasa harapan ko na. "Ikaw Michael, Tapos kana ba sa project mo ay kay aga-aga eh nandito kana?" Tanong ko.
Michael Evangelista. 4-B, 17 years old. Nung nag paulan ng si Lord ng kayabangan. Sinalo nyang lahat.
"Ofcourse Babe, alam ko namang itatanong mo yan eh." Sagot nito at nag pacute pa.
Napa-irap nalang ako sa kawalan. Bwiset!
"K.whatever. Alis kana, may teacher na kami oh." Sabay turo ko sa harap kung saan nag aayos ng gamit si Maam Aguilar.
