Nag libot kami ni Kuya Francis sa Mall. Walang pag babago kasi pinag titinginan pa din sya- este kami ng mga tao.
"Kuya?" Pag tawag ko sa atensyon ni Kuya Francis.
"Oh?" Tugon naman nito.
"Bakit hindi ka kaya sumali ng PBB?"
"PBB? Pinoy Big Brother?" Tanong nya ulit.
"Oo." Sagot ko.
"Bakit naman ako sasali dun?"
"Wala lang, para may formality yung pagiging feeling artista mo. Pinag titinginan ka ng mga tao eh." sagot ko. Dumiretso kami ni Kuya sa KFC para kumaen, tapos na kasi kaming bumili ng regalo para kay Ate Michelle. Napaka bongga lang! Blue Magic na teady bear pa talaga ang binili ni Kuya tsk! Naka 2,000+ sya para lang sa babaeng yun. Eh hindi pa naman sila.
"Baliw, Ayoko no. Ngayon pa nga lang na hindi ako artista, hirap na hirap na ako. Paano pa kaya kung maging artista na talaga ako?" Sabi ni Kuya sabay kindat pa sakin.
Binato ko sya ng tissue sa mukha. "Ang yabang mo!"
"Hahahahaha. Eh totoo naman ah. Ang hirap kayang maging gwapo" Sabi ni Kuya. Tapos nilingon nya yung 3 babae na kanina pa nakatingin samin ni Kuya Francis tapos nginitian ni Kuya yun.
At ang mga girls? Ayun, Kinikig sila. Parang mga baliw.
"Kadiri ka Kuya." Sagot ko.
Yung totoo, Gwapo naman talaga si Kuya Francis. Madami nga ang kumukuha sa kanya para maging Model. Naalala ko nun nung nag lalakad kami sa may Bay walk ni Kuya at ni Mama kasi galing kaming MOA nun kasi hinatid namin si Papa sa Airport.
May lumapit sa kanyang Talent Manager kasi gusto kunin si Kuya as Model ng Bench Body. Kaso hindi sya pumayag kasi graduating si Kuya nun ng Engineering.
Tapos sabi nung Bakla ata yun, Ako nalang daw yung kukunin nila as Palmolive Model. Kasi ang haba at shiny talaga ang buhok ko. Gusto ko sana kasi andun si Julia Barreto kaso nag pakakontra bida si Kuya kaya hindi din pumayag.
Sayang, Instant Model/ Artista sana kaming mag kapatid.
"Francis?" Sabay kaming napalingon ni Kuya sa tumawag sa kanya. Bigla namang napatayo si Kuya at nangiti nalang.
"Oh, Hi Tito Leo. Kamusta po?" Bati naman ni Kuya tapos kinamayan ito. Hindi ko kilala yung kausap ni Kuya.
"Ito ayos naman, kasama ko ang Tita mo." Sagot ni Tito Leo. Naki-Tito na rin ako :D "Ayan naba si Francheska? Ang laki na nya." Tanong ni Tito Leo ng maibaling nya yung tingin sa akin.
"Ah eh. Opo" sagot ko nalang tapos nag bless ako sa kanya.
"Godbless you. Si Mama mo pala nasan?" Tanong ni Tito.
"Nasa bahay po. " sagot ko. Busy kasi si Kuya sa pagkain.
"Ahh. Balita ko uuwi ang Papa mo, Francis?" -Tito Leo.
"Ahh Opo, Sa Graduation po ni France this March." Usal ni Kuya. Nakaramdam ako ng excitement ng sabihin yun ni Kuya. Alam ko naman na uuwi si Papa sa graduation kasi promise nya yun. At for sure, hindi masasayang ang pag uwi ni Papa dahil sisiguraduhin ko na sasabitan nila ako ng medal. And the same time, sabi nya uuwi din daw sya kasi gusto nya akong makita sa graduation ko.
"Ahh. Mabuti naman, ilang buwan nalang pala at uuwi na ang papa mo." Ika ni Tito Leo.
"Oh, ito na pala ang Tita nyo eh." Sabi nya habang nakatingin sa babaeng may hawak na tray. Medyo namumukhaan ko sya.
OW EM G! Sya yung Mama ni Gio! So ibig sabihin, Tatay nung mayabang na yun itong si Tito Leo?
"Hi Tita." Bati ni Kuya.
"Hi po." Bati ko kay Tita Salvi. Oh my gulay! Ano kaya ang itsura ko today. Baka ang haggard ko, first time ko pa naman mameet yung papa ni Gio.
Sa isang lamesa nalang kami nag salo-salo nila Tito Leo at Tita Salve. Nag kakwentuhan at nag kamustahan pa. NaCconcious ako sa sarili ko, hindi naman kasi ako nakapag salamin kanina.
"Kamusta po pala si Gio?" Tanong ni Kuya. Nice one Kuya, yan din ang gusto kong itanong kanina pa.
Gio Buenavista. Sya yung barkada ni Kuya Francis. Sya din yun yung, Basta. Napangiti nalang ako habang naiisip yun.
"Ayos naman. Actually, Uuwi sya this March." Masayang komento ni Tita Salve. Hindi ko alam pero parang may something sa tyan ko kakaiba ng marinig ko na uuwi si Kuya Gio. Ibig sabihin, tototohanin nya talaga yung sinabi nya.
"Woh? Wow! Thats great. Kamusta naman po sya sa America? Hindi na po kasi kami masyadong makakapag usap mula nung pumunta sya dun." Sabi naman ni Kuya.
Hindi ako makapag concentrate sa pagkain ko, nakikinig kasi ako sa kanila.
"Nung nakaraan tumawag yun. Kinakamusta ka nga. Excited na ngang umuwi at makikipag inuman daw sayo. Hahahaha." Sabi naman ni Tito Leo.
Medyo na turn off ako dun, ayoko pa naman sa lalakeng umiinom ng alak. Even though na alam ko naman na dati na syang umiinom.
"Hahaha sure kamo. Kung sa bagay na wala kasi yung phone ko last month. Eh hindi ko din naman nabigay sa kanya yung bagong number ko, pero di bali icchat ko nalang po si Gio mamayang pag uwi" masayang sagot ni Kuya.
Kilala ko si Gio, sya yung best friend ni Kuya. Lagi yung nasa bahay dati, walang ibang ginawa kundi ang makikaen at makitulog. Nakaka-inis yung lalakeng yun. Lagi pa akong binubully.
Nung Kinder ako. Tinanong ko si Kuya nun kung bakit sa bahay natutulog at kumakaen si Kuya Gio. Sabi nya kasi Pamilya na daw namin si Kuya Gio. Kaya akala ko kapatid ko din sya o pinsan.
Pero pinaliwanag naman ni Kuya na hindi namin sya kapatid, kundi parang kapatid lang. Ahead sakin ng 6 years sa Kuya Gio, tapos 8 years naman kay Kuya Francis.
Nung sinabi yun ni Kuya Francis, nainis ako kasi baka kunin nya sakin si Kuya Francis. Baka ako pa yung mawalan ng kapatid.
Pero nung pag kagraduate ko ng grade 6, nagustuhan ko na si Kuya Gio. Gustong gusto.
-
After ng Lunch namin kasama sila Tito Leo at Tita Salvi. Nag kahiwa-hiwalay na kami. Biglang nag salita si Kuya.
"Uuwi na daw yung crush mo." Saad ni Kuya Francis. Sabay ngiti ng nakakaloko.
"Sinong crush?" Taka kong tanong.
"Si Gio, Sino pa ba." Sabay ngiti pa nito.
"Hoy, Asa ka Kuya. Crush your face." Sagot ko.
"Yiiie. Eh bakit hindi ka mapakali nung pinag uusapan namin si Gio?" Pang aasar pa ni Kuya.
"H-huh? Hindi ah. Eh p-paano hindi ko naman alam na sila pala yung magulang ni Kuya Gio. K-kaya ayun." Pag dadahilan ko.
"Eh bakit namumula ka?" Pag pilit ni Kuya Francis.
Hinarap ko si Kuya si Sinimangutan. "Kuya, tigilan mo ako. Susumbong kita kay Mama." Banta ko. Lagi nya kasi akong niloloko kay Kuya Gio.
Nung umalis na kasi sya (si Gio) sa bahay namin, lagi kong tinatanong kay Mama kung nasaan si Kuya Gio.
Tapos napansin yun ni Kuya, sabi ba naman nya. 'Nung nandyan, inaaway at pinapaalis mo. Tapos nung wala na, hinahanap mo. Yung totoo? May gusto ka kay Gio, Bunsoy no?'
Umiyak ako nung sinabi yun ni Kuya. Niloloko nya kasi ako nun kay Kuya Gio kaya sinumbong ko sya kay Mama kaya ayun. Pinagalitan at pinalo sya ni Mama nun.
"Hahahaha oh, edi hindi na." Tapos Inakbayan ako ni Kuya at nag lakad na palabas ng Mall. "Pero Crush mo talaga si Gio diba? Hahahaha" pang aasar nito.
"Waaaaah! Kuya! Susumbong kita kay Mama!" Sigaw ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/35643204-288-k168690.jpg)