After 4 years.
"Bunso!" Tawag ni Kuya sakin mula sa sala. Eto na naman sya, Bunso na naman. Alam ko na yan eh. Mag uutos na naman yan malamang.
Hindi ko sya pinansin at nag patuloy lang sa pag babasa ng paborito kong libro.
Siguro ang tanda ko na para mag basa ng mga gantong libro. Pero kaso, Grade 2 palang ako ng magustuhan ko ang kwento na'to. Lagi ko kasi syang napapanuod sa T.V. mag pahanggang ngayon. Halos kabisado ko na nga ang kwento nito, pero okay lang.
Tapos binigyan pa ako ni Tita Leni ng book version nung umuwi sya mula sa Hongkong. Ang ganda nya, hindi nakakasawang basahin at ang cool pag book version."Bunso!" Tawag ulit ni Kuya. Rinig ko ang yabag ng paa ni Kuya mula sa hagdan. Hinayaan ko lang sya sa pag tawag sa akin. Masyadong nasasanay si Kuya na ako lagi ang gunagawa ng mga inuutos sa kanya ni Mama.
"Bunso, Oy!" Tinignan ko lang si Kuya ng pumasok sya ng kwarto ko. "Ano na naman?" Medyo irita kong tanong ng maka-upo sya kama ko.
Ngumiti ito bago mag salita. "Samahan mo ko?" Saad ni Kuya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nya.
"At saan na naman?" Tanong ko, alam ko na amg mga ngitian ni Kuya na yan, may hihingin yang pabor pag nginitian at nilambing ako ng ganyan.
"Sa Mall, bili na France samahan mo na ko, Please." Pag pipilit nito.
"A.yo.ko." matigas kong sagot. Ayokong kasama si Kuya Francis sa Mall bukod sa napakatagal nyang pumili ng damit, napaka arte pa nya. At bukod dun pinag titinginan kami ng mga tao pag nasa Mall.
Hindi naman kasi maitatangi ang katotohanan na. Gwapo, Matangkad, Chinito, Maganda ang pangangatawan at Maappeal ang Kuya ko. Kaya hindi nakakapag taka kung bakit All eyes on him pag nakikita sya. Nag mumukha akong Magandang Katulong pag kasama sya.
He's my one and only and handsome Kuya. Si Kuya Francis Santos.
"Eh Bilis na Bunso, Lilibre kita pag katapos." Suhol nito.
"May pera ako. " mabilis kong sagot. Totoo naman kasi, binigyan ako ni Mama kahapon ng 100 pesos.
"Grabe ka naman Francheska. Samahan mo na ko, bili na." Pag pilit nito at sinundot sundot pa ang tagilaran ko kung saan ang lakas ng kiliti ko.
"Waaaaah! Kuya Hahahaha! Ayok-hahahaha. Aray ko! Hahahahaha!" Sumasakit na yung tyan ko sa kakatawa. Baliw talaga tong kapatid ko.
"Sasamahan mo ako o hindi, Hindi kita titigilan hanggat hindi mo ako sinasamahan. Ayiiiiie. Kiliti Kiliti, Kikiti. Hahahahaha" Patuloy pa din si Kuya Francis sa pag kiliti sa tagiliran ko. Nakakainis! Alam talaga ni Kuya ang kahinaan ko.
"Oo na! Oo na! Sasamahan na kita. Tigilan mo na k-Hahahahaha!" Pumayag na akong samahan si Kuya Francis. Dahil kung hindi ako sasama, Malamang eh hindi nya ako titigilan.
"Sabi mo yan ah. Ligo kana Bunso, antayin kita sa baba" sabi ni Kuya at umayos ito ng upo sa kama ko.
"Ok. Basta ilibre mo ako mamaya ah." Paalala ko sa kanya. Sya naman kasi ang nag sabi kanina na ililibre nya ko.
"Ha? Libre? Wala akong maalalang ililibre kita." Sabi ni Kuya habang umaacting na wala syang maalala.
"Osige. Ayaw mo kong ilibre? Hindi na din kita sasamahan." Sagot ko. Humiga ako ulit sa higaan ko at nag talukbong ng kumot. Alas-nuebe palang naman kasi ng umaga.
"Oyy. Joke lang eh. Sige na bangon na Bunsoy, nag hain na si Mama sa baba kanina pa." Sabi ni Kuya.
"Basta ililibre mo ako mamaya?" Paninigurado ko.
"Oo na, Ang sigurista mo talaga." Ngiting sagot ni Kuya sakin habang ginugulo ang magulong buhok ko hehehe.
Umalis na si Kuya Francis sa kwarto ko kaya naman inayos ko na yung kama at kwarto ko. Naligo, nag toothbrust at nag bihis ako pag katapos ay bumaba na.
"GoodMorning Bunsoy." Bati sakin ni Mama pagkita palang sakin pababa ng hagdan. Dalawang palapag kasi ang bahay namin.
"Morning din." Bati ko kay Mama tapos naupo na sa harap ng mesa. "Si Kuya?"
"Nasa kwarto nya ata nag bibihis. " napatango nalang ako sa sagot ni Mama. Tapos kumaen na ng almusal. Konti lang ang kakainin ko kasi mag papalibre ako kay Kuya mamaya hehehe.
"Saan kayo pupuntang mag kapatid?" Tanong ni Mama ng makita din nyang nakabihis si Kuya Francis.
"SM 'ma." Sagot ni Kuya na dumiretso pa sa harap ng salamin at inaayos ng buhok.
"Anong gagawin nyo dun? Ang aga pa ah." Ika ni Mama.
"May bibilin lang po. " wika ni Kuya.
Halos alas onse na kami nakapunta ni Kuya sa SM dahil sa sobrang traffic.
"Ano bang bibilin natin?" Tanong ko kay Kuya pag kapasok na pag kapasok namin sa SM.
"Regalo."
"Para saan?" Taka kong tanong. Bigla akong napaisip kasi wala namang may birth day samin.
"Mag Bbirth day kasi si Ate Michelle mo kaya bibilan ko sya ng regalo." Sabi naman ni Kuya.
"Bigyan mo ng kamote." Diretsong sagot ko.
"Ang bata bata mo pa, Ang bitter mo na." Natatawang sagot naman ni Kuya.
Si ate Michelle yung bagong nililigawan ni Kuya. Napaka-arte ng babaeng yun, sabihin na nga nating maganda sya. Pero kahit na, ang arte nya. Hindi ko sya gusto para sa Kuya Francis ko.
"Tse." Tanging sagot ko. Kumapit ako sa Braso ni Kuya Francis, ganto kami palagi. Minsan nag aaway din kami ni Kuya dahil may mga bagay din naman kami na hindi mapag kasunduan.
Yung ibang tao, pag nakikita kami ni Kuya na mag kasama, Akala nila mag boyfriend-girlfriend kami. Kasi kahit 23 na si Kuya Francis hindi masyadong halata yung edad nya kasi Baby face nya. Parang 18 years old nga lang sya, pwera biro.
At ako naman? Ako si Francheska Santos. 15 years old na ko, 4th year high school. Matangkad din ako katulad ni Kuya Francis. Syempre maganda din kasi Gwapo yung Kuya ko hehehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/35643204-288-k168690.jpg)