chapter 34

12 3 6
                                    

Later, kinain din nila ang cake  kahit na hindi tapos ang pagkakalagay ng icing doon pagkatapos nilang mag shower. Masarap naman at sinabi niya yon kay nicky na umiling - iling.
" hindi ko na uulitin. Hindi ako sanay na kung ano ang sukat ng sangkap ay iyon lang dapat. Mas masaya  ako sa pag luluto ng main dish kaysa sa dessert. Isa pa baka may maisipan ka na namang kapilyahan eh."

" bakit nagustuhan mo rin naman ah? " ngisi ni kathy.

Tumawa ang binata. " Hindi  ko naman sinabi na hindi ko nagustuhan."
Natawa narin siya. Maya- maya ay nag tanong ito," wala kaba talagang plano ngayong araw?"

" Meron pero kaya ko naman gawin dito sa bahay. Mag aayos lang ako ng porfolio. May internship kasi na gusto kong pasahan ng application form. It's  a huge step for my career  if i get accepted," imporma niya

May sumilay na proud  na ngiti sa mga  labi ni nicky." Matatanggap ka. You  always get the things you set  your eyes on. I will support  you all the way."

Ngumiti si kathy. Dumukwang siya at mabilis itong hinalikan sa pisngi. " thank you," sinserong wika niya. Mainit na ngiti ang naging sagot ng binata. She love's  that smile. Lalo at ngimiti din ang mga mata  nito. Hindi nakatiis na malabing niyang  tinusok ng daliri niya ang pisngi  ng binata bago bumalik sa maayos na pagkakaupo. " at ikaw? May plano kabang gawin sa araw na ito?"


"I'm planning to think of new recipes.
Hindi para sa yellow ribbon kung hindi para sa restaurant na itatayo ko. Magluluto ako dito sa kusina kaya pwede kita maistorbo paminsan- minsan para tikman ang luto ko?"

" Oo naman," mabilis na sagot ni kathy.

Naging  masuyo ang ngiti ni Nicky.
Inabot nito ang kamay niya at hinalikan iyon.  " Ang sarap ng ganito."

" napangiti siya. " ganito  na ano?"

"Ganito na kasama kita. That we get to spend time together. Na
Nasusuportahan natin ang isa't isa."

Tumango si kathy at napabuntong  hininga nang muli nitong halikan ang kamay niya. Tama sa Nicky. Masarap ang pakiramdam na may significant other na nag mamahal at sumosuporta sa kaniya. It feels good that she makes him feel like this too.

" Mangako tayo sa isa't isa  hindi tayo maghihiwalay at tutuparin natin ang mga pangarap natin na magkasama, seryosong  sabi ni Nicky

Sumikdo ang puso ni kathy at muntik na manginig ang ngiti sa kanyang mga labi. May kumudlit na guilt sa dibdib  niya. Dahil hindi niya nasabi rito ang intership na gusto niyang mahuha AY sa New York. Dapat ay sabihin niya. Sa ibang  pagkakataon ay walang pag dadalawang isip ba iyon ang gagawin niya. Pero habang nakatitig siya sa mukha  ni Nicky na puno ng pagsuyo at pag mamahal ay may bumikig sa lalamunan niya. Ksya pilit na pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi at tumango.
" Pangako," anas niya.

" Pangako, " sang ayon ng binata.

Dumilat si kathy at tumitig sa kisame.
May kirot sa kanyang puso dahil sa mga alaala. Alam niya naman noon pa at mas lalong batid niya ngayon . NIcky is one in a million. Ito ang klase ng lalaki na kapag iniwan mo, mahirap na balikan kahit pa gustuhin mo. Dahil kapag umalis ka, maraming babae ang tiyak na nakahandang palitan ka sa puwesto mo. Dahil lahat ng babae ay naghihintay para sa isang lalaki na katulad ni  Nicky. He's  every women's  Mr. Right.

Subalit pinakawalan niya ito anim na taon na ang nakararaan.

Hanggang doon  na lamang ba talaga ang lahat? Mali ba na hinayaan niyang magkalapit pa sila ulit ngayon? Kasi ngayong nagkaroon na siya ulit ng pagkakataong makasama at makausap si Nicky, nagdududa na siya kung talagang naka- move on na ba siya sa naging relasyon  nila.

Siya ang agrabyado kung sakali. Dahil kung si kathy ay may pag dududa, si Nicky ay talagang naka move on na he told her so. Kaya ba ng pride niya iyon?

Bumalik sa isip niya ang mukha ng binata kaninang bago umalis ng condo  niya. Ang hinanakit sa mga mata nito. Ang frustration sa tinig.
Nakagat niya ang ibabang labi. Parang pinipiga ang dibdib niya. Ayaw niyang makita ulit sa mukha ni Nicky  ang nakita niya kanina. Hindi niya kayang ang mukhang iyon ang huli niyang makikita kung mag mamatigas siya dahil sa pride. Anim na taon siyang nabuhay na ang nakikitang huling imahe ng binata ay ang sakit at pagkadismaya na nasa mukha nito nang huling beses na nag usap sila bago siya tumulak papuntang New York. Hindi na niya nais maulit pa ang torture  na iyon.

Tumayo si kathy. Naging determinado.
Pupuntahan niya si Nicky. Noon, sa tuwing hindi sila nagkakaunawaan ay palaging nauuna ang binata na suyuin siya. Pagkakataon na para siya naman ang humingi ng tawad at manuyo rito.














Autors Note: may balikan kayang mangyayari sa dalawang bida natin..
ABANGAN..☺☺☺☺

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon