chapter21 my ideal man

24 4 1
                                    

Wala pang kalahating minuto ay narating na nila iyon. Isang tingin pa lamang ni kathy sa gusali ay humanga na agad siya sa hitsura niyon. Lalo na ng ilibot na. sila sa loob nauna ang mga aminities at panghuli ay ang mismong  unit. Wala iyong  kalaman laman  at ang unang nakakuha ng atensiyon ay pagbukas ng pinto. Makikita kaagad ang malaking french door papunta sa maluwag na veranda. Na magandang punuin ng mga halaman at isang couch at coffee table. Nakinita din agad niya ang magiging disenyo ng unit na iyon.


She felt inlove with it. Kahit pa ayaw niya ma atouch sa lugar na iyon dahil hindi naman siya sigurado kung magtatagal siya sa pilipinas.

Sa huli ay binili rin niya iyon. Mabilis ang proseso at binigyan siya ni luke ng discount.  Sumunod na lingo ay bumili na sya ng kama para sa kwarto niya. Para lang may matulugan at nang makapag check out na siya sa hotel.


Kararating lang niya sa bago niyang unit ay tumawag si nicky.
" where are you?"
Sa unit ko nag check out na ako sa hotel"
Sandaling katahimikan" namili ka ng hindi ako isinama, tama ba ako?"

Naitirik ni kathy ang mga mata " kama lang. Para may matulugan ako bukas ko pa balak tumingin ng mga furniture.
At para lang malaman mo, alam ko na hindi praktikal ang mag papasok ng ekstranghero sa unit ko  na ako lang ang tao dito kapag nag pa deliver ako. Plano kung tawagan ka para mag pasama sa pamimili."

" good anong oras?"
Napailing siya kahit na sa cellphone  lang ay maririnig niya ang masayang ngiti sa tinig ni Nicky.  Sinabi niya dito ang oras at agad itong nag paalam. Maingay ang background  kaya malamang ay nasa restaurant ito. Nakuha pa siyang tawagan kahit mukhang abala ito. Napatitig siya sa kanyang cellphone at napaisip kung tama bang nakikipagkita siya ng ganoon sa dati niyang nobyo. Tama ata si kian. " they are wierd couple" pero tama din si nicky. Wala siyang ibang malalapitan at ayaw niyang makaabala pa sa mga kaibigan niya na may kanya kanya na ring  pamilya. Wala siyang ibang malalapitan at handang tumulong at umintindi sa kanya sa pilipinas kung hindi ang binata lang ayaw na niyang mag matigas pa at tanggihan ito bukod sa gumagaan ang  kanyang pakiramdam kapag kasama niya ang binata.

Huli na ng mapagtanto ni kathy ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag pumasok  siya sa isang home depot na may kasamang lalaki sa bedroom section sila unang dinala ng staff. Na nag a- aasist ipinakita ang mga double bed na matitibay daw na bagay sa bagong kasal na katulad daw nila. Tumawa si nicky. Tumiim ang mga labi  niya at tinapunan ito ng masamang tingin.

Pagkatapos ay binalingan niya ang staff " hindi  kami bagong kasal at may kama na ako " can we check out other section please.

Humingi ng tawad ang staff at mabilis silang dinala sa living room section nang sulyapan niya si nicky na napapangiti parin ito na para bang may naiisip na nakaka aliw.

" bakit ka nakangiti?" Hindi nakatiis na tanong ni kathy.

Napasulyap ito sa kanya." Naisip ko lang noon, nakinita ko ang sarili ko na kasama kang namimili ng mga gamit sa bahay. Kaya natawa ako ng pagkamalan tayo ng staff na bagong kasal."

Napahinto siya sa paglalakad at napamaang sa binata bago  pa siya makaisip ng sasabihin ay napunta na sa harapan ang tingin nito.
"That living room set look's good tingnan natin.








Pleasssssss po vote and comment tagal maka update busy kasi.... 😊😊😊😊😊❤❤❤❤❤

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon