chapter 22 my ideal man

40 4 2
                                    

Napatitig siya sa likuran nito nang tumimo sa kaniya ang implikasyon ng sinabi nito. Naka move on na talaga ito sa namagitan  sa kanila anim na taon na nakararaan kung nagagawa nitong kaswal na buksan ang paksang iyon.

Huminga ng malalim si kathy niluwagan ang kamao na hindi niya namalayang naikuyom niya pala at nang lumingon si nicky para imuwestra siyang lumapit ay itinaas niya ang noo at tumalima.

Pagkatapos nila mamili ay naaya siya ng binata sa restaurant nito upang kumain muna. Hapon pa kasi maide  deliver ang mg muwebles na napili niya ilang oras pa silang maghihintay kaya pumayag na siya baka kasi kailangan din ito sa restaurant at ayaw lang sabihin sa kanya.

Napakaraming nakain sa Nico's ng dumating sila higit na marami kaysa noong nag punta siya roon. Napansin ni kathy na  halos puro dessert ang kinakain at sa pader ng drinks counter ay may nakasulat na pangalan ng panghimagas.

" ano iyon?" Hindi nakatiis na tanong niya itinuro ang board napatingin doon si nicky natigilan siya ng makita ang biglang pagsilay ng ngiti sa mukha nito at masuyong kumislap ang mga mata.

" ah special desserts  hindi kasama sa offecial menu dahil hindi regular ginagawa ang petissier ang mga iyan. Ang mga speccial dessert ang dinadayo ng ibang costumer ng Nico's bumalik ang tingin sa kanya ng binata. " kadarating lang niya galing sa isang food convention sa las vegas.

" siya iyong sinundo mo sa airport?" Tanong ni kathy nang iginiya siya ni nicky sa isang pandalawahang lamesa. Pinaghatak siya nito silya. At umupo siya.
" oo siya iyon" sagot  niyo na umupo na rin sa katapat niyang silya " subukan mo ang special dessert niya magugustuhan mo dahil mahilig ka sa sweet,"

Tumango na lang siya hindi niya alam kung bakit hindi siya komportable  sa nahihimigang pride at effection sa boses ni nicky habang binibida ang petissier nito mayroon siyang hindi maipaliwanag na kutob.

Nagkaroon ng linaw ang nararamdaman niya ng matapos nilang kumain ng main course ay may naglapag ng dessert sa kanilang lamesa. Napatingala si kathy isang babae ang nakita niya na nakasuot ng puting uniporme ng katulad ng kay nicky kapag nasa kusina. Magand ito slim ang pangangatawan makinis ang kutis at may  mga matang  medyo mabilog na pag tiningnan ka ay sinusuri  ka. Namaywang ito sa harap ng binata nakatingin " akala ko naman kung anong gagawin mo ngayong araw kaya  pala wala ka sa kusina. Nakikipag date ka lang pala....."""

Umangat ang kilay ni kathy hindi niya gusto ang tono ng babae. Pero si nicky ay tumawa lang at tumayo pa. Napaderetso siya ng upo ng akbayan nito ang babae. " pagbigyan muna ako. May ipakikilala ako sayo " george" pinihit nito ang babae paharap sa kanya. " siya si kathy. Kathy this is georgina siya ang patissier ng Nico's.

Nagtama ang paningin nila ng babae. Pareho silang hindi nakangiti. Ilang segundo ang lumipas nang kumurap si georgina at makita niya ang rekognisyon  sa mga mata nito. Manghang napalingon kay nicky.
: kathy? Tha same kathy.......""""
Nawala ang ngiti ng binata, sumulyap sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa babae. " yes" maaliwalas pa rin na ang mukha ni Nicky  pero seryoso ang tono nito na wariy nagbababala.

Napagtanto niya na alam ng babae ang tungkol sa nakaraan nila ng binata. Ibig sabihin ay hindi lamang simpleng business partners ang relasyon ng mga ito.

Kilala niya ang binata at alam niyang hindi ito ang tipong nagkukuwento ng pribadong impormasyon sa iba maliban na lamang kung talagang malapit ito sa taong iyon.

Nagtitigan ang dalawa nag uusap ang mga mata.

Sumama ang pakiramdam ng tiyan ni kathy. Nag iwas siya ng tingin at tumingin sa wristwatch niya isang oras pa lang sila sa restaurant. Hinablot niya ang kanyang bag at dinukot ang wallet niya mula roon. " magkano ang kinain ko" tanong niya gusto niyang palakpalan ang sarili dahil kaswal at halos indefferent ang naging tono niya.

Sabay na napatingin ang dalawa noon lang natapos magtitigan. Naglapag siya ng pera  sa lamesa at tumayo.








Pleassse vote and comment po..... ❤❤❤❤❤❤may bagong karakter tayo... this is a story only wag kayong mainis sakin😃😃😃

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon