Nasilayan ko ang mag ngiti nya sa labi at ang malalim nyang dimple ay kitang kita.
"Wala akong paki. Bastat masaya ko na hawak mo kamay ko."
At dali dali kong binitawan ang kamay nya. Ngunit bago paman nyon mangyari ay agad na nyang hinawakan ang aking kamay at pinagsiklop ang aming mga darili.
"Love, what you do to me? Fuck! Kht bawal ka sakin ginugusto talaga kita." Frustrated na natatawang sabi nya.
"Bitawan mo nga ako! Baka may makakita pa satin dito mag ka roon ng misunderstanding! Worst makita pa ako ni kuya." Inis na sambit ko habang pinipilit na pinag hihiwalay ko ang mga kamay namin.
Nakita ko ang biglang pag dilim ng kanyan mga mata. Sa mga binitawan kong salita.
At that moment, bigla akong nakaramdam ng takot sa aura nya. Sheems di ko ata dapat ginagalit to. Baka bigla nya akong patayin.
Naramdman ko din ang pag luwag ng hawak sa aking kamay. Dahilan upang makawala sa kanyang kamay.
Ngunit napakabilis talaga nyang kumilos at agad nya din binawi ang aking kamay.
"Natakot ka ba?" Panimula nya ng mahawakan nya ang aking kamay.
"Hindi" lakas loob kong sambit kht ang totoo natakot talaga ako sa inasal nya kanina.
At binalin nya ang tingin nya sakin. Dahilan para mapalunok ako. mahahalata mo parin ang galit sa mata nya pero di na ito kalulad ng kanina.
"Bakit?" Kabadong tanong ko.
"Wala." Tipid nyang sambit at hinalikan ang likod ng aking kamay na hawak nya. Dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.
"Audrey!" Isang familyar na boses ang tumawag sa aking pangalan.
"Kuya Tristan!" Natarantang sambit ko habang papalapit sya saamin ni martin. Ngunit di binitawan ni martin ang aking kamay.
"Bitawan mo kapatid ko! Gago ka!" Sambit ni kuya atsaka sinuntok si martin dahilan para makawala ako sa pag kakahawak nya saakin.
At agad naman akong hinila ni kuya papunta salikod nya.
"Kuya its not what you think" paliwanag ko.
At hinarap ako ni kuya "ano sabi ko sayo?! Bawal ka pang makipag relasyon Audrey! At sa dami dami pa ng lalaki siya pa ang napili mo!"
"Wala kaming relasyon okey?! Nanliligaw sya pero binasted ko na sya. hanggang doon lng un"
"Ang hina mo naman sumuntok tristan." Biglang sambit ni martin ng makabawi saya sa pag kakasuntok ni kuya at kitang kita mo ang dugo sakanyang basag na labi.
"Ano hanggang doon lang kaya mo?" Pang iinis nya pa kay kuya at ska dumura sa gilid.
Ayan na naman ung aura nyan nakakatakot. Parang gustong pumatay ng tao. Nanlilisik ang mga mata, at makikita mo ang galit nito.
"Hinahamon mo ba ako?!" Inis na sambit ni kuya at kinuwelyohan si martin.
"Sige para matapos na to!" Matapang naman sagot ni martin.
"Ano ba tama nayan! Kuya bitawan mo na si martin." Pag aawat ko sakanila.
"Wag nakayong gumawa ng exsena dito. para kayong mga bata." Biglang sambit ni chua sa di kalayuaan.
Dahilan para linugin ko sya. Pero tong dalawa na to parang walang naririnig.
"Nasa loob pa kayo ng school. Sa labas nyo nalang yan gawin." Dagdag pa ni Anthony na pinsan ni clau.
"Pasalamat ka anjan ung dalawa mong alalay." Ani kuya saka tinulak palayo si martin.
"Audrey tara na." Ani kuya sabay hila sa aking kamay. At nag lakad palayo sakanila.
"Bakit mo kasama ung gago na un?! Bakit ka nag papahalik ka ng kamay sakanya?! Kayo na ba? Kala ko ba na busted na un?! Mag salita ka Audrey. " Inis na sunod sunod na tanong ni kuya.
Nandito kami ngayon sa building ng collage nya. Isa sa mag classroom na walang nag kla-klase. Dito nya ako dinala at pinag sara nya amg mga pinto at inupo nya ako sa teachers table.
"Kuya wala kaming relasyon non. At isa pa na bigla lang ako sa ginawa nya saakin." Pag dadahilan ko.
"Oh dapat sinamapal mo sya okya nag sisigaw ka doon." Frustrated na sabi nya. Habang naglalakad sa harapan ko ng pabalik balik. At naka ang kanyang mga kamay ay naka hawak a kanyang bewang.
"Audery, kht sinung lalaki pwd wag lang sya. Pakiusap wag lang sya." Biglang pakiusap ni kuya.
"Bakit kuya? Ano bang meron?" Takang tanong ko.
"Bastat." Tugon nya. Na mas lalo kong nag taka. Akmang mag tatanong sana ako pero bigla syang nag salita.
"Umuwi kana muna ngayon. Ako na bahala sa klase mo." Aniya ska nya ako hinatid hanggang gate ng school.
"Pag tinanong ka nila mama at papa bkt maaga kang umuwi sabihin mo pina uwi kitang maaga." Bilin nya bago ako maka sakay ng jeep.
Narinig ko ang pag tunog ng aking cellphone sa kalagit naang ng pag biyahe ko. Nakita ko ang pangalan ni Sunny.
"Hello saan ka? Di ka daw makaka pasok sabi ni kuya tristan bkt?" Alalang tanong nya
Gusto mag sabi skanya tungkol sa nangyari pero na isip ko na wag na muna baka mas lalong gumulo.
"Ahh. Oo sumakit ks pakiramdam ko kanina. Ang sakit ng chan ko." Pag dadahilan ko nalng.
"Hala ba dahil sa pag kain kanina."
"Baka nga. Sige sunny maya nalang pag uwi. Nasa biyahe kasi ako."
"Sige ingat ka. Tawagan mo ko pag naka uwi kana."
At bina ba na nya ang tawag.
"Manong para po. Jan lang sa tabi." Nang makita ko na ang kanton malpit saamin.
At bumaba na para mag lakad papunta sa amin.
Muling tumunog ang aking cellphone. At tinignan kung sino ang nag txt. Si clau at denise lang pla.
"Angyari sayo? Okey kalang ba?" Ani clau
"Hoy babae anong nangyari sayo?" Ani denise.
Mag rereply na ako sakanila ng biglang nag dilim ang aking paningin.
"Uhrg sakit ng ulo ko." Nagising ako sa isang puting kwarto. Dahilan para ako ay mataranta at tigninan kung may damit at buo pa ko. Kinapa kapa ko din ang sarili ko kung may masakit ba. Pero wala naman. Napatingin ako sa salamin at may suot naman akong damit. Naka uniform padin naman ako.
Tumayo ako sa kama upang gumala sa kwarto. Malaki ang kwarto na un. May balkonahe at may maliit na sala. Kulay itim ang sopa kya Nag mumukhang elegandeng tignan. May nakita akong isang litrato ng babae. Mahahalata na mas matanda saakin ito halos sing edad ni kuya tristan.
"Gising ka na pla." Isang pamilya na boses ang na rinig ko.