"What?!" Pasigaw kong nasabi. Halos matapon ko ang hawak kong tray sa pag ka gulat.

"Shhh. Keep it down, will you?" Bulong nya sakin.

"Okey" sambit ko saka kumalama. "Bakit di ko alam? Akala ko ba walang secrets?"

"Mahabang kwento. Hindi ko lang talaga masabi syo because he is very private person." Aniya atsaka na kami nag bayad sa casher.

"Okey. Pero paano mo nalaman na kaklase ko sya? Kaka transfer palang nya dito. Omg! Iniistak mo sya?" Ani ko habang nag lalakad kami.

"I'll tell you later after class. Sa ngayon kain muna tayo at wag mo munang sabihin kila Claudette at Denise." Aniya ng papalapit nakami sa table namin.

At ganoon nga ang nangyari hinintay ko matapos ang klase. Agad akong ng paalam kay Claudette at Denise umuwi para makasabay ko si Sunny.

"So? Ano na nga." atat na tanong ko kay Sunny.

"uwi muna tayo" aniya.

Pabitin nman tong babaing toh. So umuwi muna kami, kumain ng dinner, naligo at nag skin care.

"Mag kwento kana Sunny." Sambit ko halos patulog na kami ngayon nakahiga na kami sa kama ko. Buti at pinayagan syang mag sleepover sa bahay.

"So paano nga nangyari ang lahat? Bakit di ko to alam?"

"Ang totoo niyan Auds. Hmm parang kami na hindi noon, parang M.U kami noon?"

"Ano?" Napaharap na ako sakanya "akala ko ba ex boyfriend mo tas ngayon M.U na? Ano ba talaga?"

"Ex-M.U lang, Ung ang okey okey nyo nag uusap tas one day bigla nalang hindi kayo nag usap."

"Alam ko naman un. So bakit mo ba sinabing ex-boyfriend mo kung ex-M.U mo lang pala?"

"Bakit ba? bawal? E sa gusto ko e."

"Ay iba din ang level mo. So anong nangyari sainyo?"

"Hindi ko din alam wala kami closure, bigla nalang nya akong hindi kinausap. Kya nga may hang up pa ako sakanya. Gusto ko parin sya."

"Ahh. Edi kausapin mo sya, lalo na ngayon na nasa iisang school nalang kayo."

"Un nga gusto ko gawin pero need ko help mo."

"Papaano naman?" Kunut noo ko syang tinignan. At ngumiti syang parang may binabalak na masama.

"Hmm. Makipag kaibigan ka sakanya, kunin mo loob nya hangang sa yayain ka nyang mag date. Pag nangyari un umoo ka tas hindi mo sya sisiputin. Tapos malulungkot sya tapos ako kunwari napadaan doon sa meeting place nyo ska ko sya kakausapin. Pag katapos mag kakamabutihan ulit kami hanggang sa maging kami. Ano payag ka?" Aniya na para bang napakadali ng pinapagawa nya.

Napatawa nalang ako sakanya. "alam mo hibang kana, ano akala mo ganon lang un kadali? Kumain ka nga ng realidad para naman gumising ka sa kahibangan mo." Ani ko sya tinalikuran.

"Sige na please payag kana Audrey." Anying nag papacute.

Pinaliitan ko lang sya ng mata. " Matulog kana. Baka mabatukan kita e." Atska nag talukbong nalang sa kumot.

Ayaw ko. Hindi ako papayag sa ganitong set up bahala sya.

"Goodmoring! Rise and shine" ani ngitin bati ni Sunny sa akin. Naka uniporme na sya at handang handa na sya pumasok sa school.

Kunut noo ko syang tinignan at bumaling sa wall clock. Alasingko palang ng umaga.

"Ano ba? Ang aga pa gisingan mo nalang ako mamayang 6." Sabay higa sa kama.

Lumapit sya sa amba ng kama at ska ako nitugtug sa bakikat. "Audrey, gumising kana kailangan mong mag ayos ngayon."

Mariin kong pinikit ang mga mata ko saka dumilat. "Ayaw ko nga. Gusto ko pang matulog. Atska tigil tigilan mo ko sa mga binabalak mo." Saka ako nag talukbong ng kumot at humiga.

"Last nalang to Audrey. Tapos dina ako mangungulit pa. Sige na please pumayag kana."

"Ayaw ko nga. Wag makulit!" Medyong iritang sagot ko.

Nakita kong bumaba ang tingin nya sa sahig. "Hmm. Last na talaga to, promise pag tapos nito di nakita kukulitin."

Matalim ko lang syang tinignan at tumayo na sa kama upang maligo na sa banyo. Agad naman nya akong sinundan tigin sa mga kinilos ko.

"Sabi mo sakin pag nanalo ung raptors lilibre mo ako."

"magkaiba ang libre sa humihinge ng pabor." pinandilaan ko na sya ng mata at hinarapan " Sunny," seryoso kong syang tinawag upang mabalin ang atensyon nya sakin. "Ayaw ko sa planong yan. Baka mag ka buholbuhol pa tayo jan. Tayo rin ung mag kakasakitan." seryosong sambit ko sakanya.

Di na ako kina-usap ni Sunny ngayon, kya eto ako mag isang papasok sa school.

"Audrey?" tawag ng isang hindi familyar na boses. Nag palingon-lingon ako sa aking paligid upang makita kung sino un. 

"Audrey? right?" bungad nya sakin ng nasa harapan ko lang pala  sya.  kunot noo ko syang tinanguan sa kanyan tanong sakin. Bakit alam nito ung pangalan ko? 

"Kilala ba kita?" takang tanong ko sakanya habang nag lalakad papasok sa School gate.

ngumisi lamang sya dahilan para makita ko ang kanyan dimples. "Ouch" aniya sabay hawak skanyan dibdib. "kapapakilala ko lang kahapon hindi mo na agad ako kilala?" aniya sa na nunuyang boses nya saka sya tumawa. 

 pekeng nakitawa nalamang ako. Weirdo Alert.  at binilisan ang lakad.

"uy teka lang ang bilis mo naman mag lakad." anyi ng napansin ang aking kilos at mas binilisan ko ang aking pag lalakad papunta sa aking klase. 

Nagulat nalang ako ng biglang may humablot sa aking kamay.

"Di mo ba ako narinig?" Sambit nya ng hilain nya ako patungo skanyan dahilan para mapasandal ako sa dibdib nya.

Agad ko naman siyang tinulak palayo saakin at tumayo ng maayos. "Ano ba?" Inis na sabi ko.

"Sorry, ang bilis mo kasing mag lakad."

"E ano naman ngayon?" Ani ko sabay lakad papunta sa amin klase.

"Makikisabay sana ako. Mag kaklase naman tayo e."

"Huh?! Kailan? Hindi kita kilala."

"Ngayon school year. Ako nga pla si martin."
Pag papakilala nya. 

Dahilan para mapahinto ako sa pag lalakad ko at ibinalin ko ang aking pansin sakanya at kunot noo ko syang tinignan.

Di sya katangkaran na lalaki di din sya maliit nasa tamang laki laman sya at kayumangi ang kanyang kulay may matipunong din syang panga-ngatawan. Halatang nag tatambay ito sa gym.  Ngumiti pa ang loko. Kya kitang kita ang mga malamin nyang dimple.

"Does my name ring a bell?" Tanong nya na nag pabalik sakin sa ulirat.

"Hindi sorry." Sagot ko saka na naglakad papuntang klase.

heartbeatsWhere stories live. Discover now