"Anong ginagawa ko dito?" Gulat ko syang hinarap. "Ahhhhh!" Bulalas ko ng makita ko syang naka tapis lang nag tuwalya. Galing sya sa banyo at bagong ligo lang.
Dali dali akong tumalikod ulit at tinakpan ang akin mga mata.
Nag pakawala lang sya nga halakhak.
"Ano ba sa palagay mo?" Tanong nya sakin.
"Hindi ko alam! Mag bihis ka na nga!" Inis nantugon ko habang naka talikod.
"Okey. Your wish is my command." Pang aasar pa nya.
"Bilisan mo!" Iritang sagot ko.
Ngunit isang halakhak lang ang aking na rinig.
"Pwd ka nang humarap." Aniya
"Ano ba ginagawa ko dito? Pag kakaalam ko nag lalakad ako pauwi saamin paano ako napadpad dito? Pwd na ba akong umuwi? Baka hinahnap na ako sa amin." Tuloy tuloy na sabi ko nang harapin ko sya.
"Woah! Easy ka lang. Maaga pa. Mamaya na kita ihahatid sainyo." Aniya sabay hila sa upuaan. " Upo ka muna."
At dahil masunurin naman akong bata. Umupo naman ako.
"Ano sinabi ni tristan sayo?" Tanong nya na may diin sa pangalan ni kuya.
"Wala. Bakit may atraso ka ba sa kuya ko?"
"Wala baka sya ang meron." Makahugang sambit nya.
"Anong sabi mo?" Takang tanong ko.
"Tanungin mo sya. Kung bkt ganon nalang reaction nya ng makita nya tayo." Bahagyang natawang sambit nya pero ung tawa na insulto.
"Teka nasaan ba ako? Bkt ako nandito? Anong ginawa mo sakin? Bkt mo ko kinidnap? Gangster ka ba?"
"Nasa bahay ka namin. At di ako gangster. Mataas pa ako doon. Isa akong capo bastone." Seryosong sabi nya.
"Ano?" Takang tanong ko. "Pinag sasabi mo" patawang sambit ko.
Seryoso parin sya. At titig na titig sakin. Dahilan para huminto ako sa pagtawa at kunot noo ko syang tignan.
"Ano?" Basag ko sa katahimikan.
"Makakatawa ka pa ba kya ng ganyang pag nalaman mo kung sino talaga ako?" Seryosong tanong nya.
"Wala akong paki kung sino ka. Gusto ko lng malaman bkt ako nandito? Paano mo ko dinala dito?"
"Pinakuha kita sa mga soldato nmin tapos dinala ka dito." Simpleng sagot nya.
"Ano ba yang pinag sasabi mo? Di ko maintindihan." iritang sambit ko. "nasan ung bag ko? uuwi na lang ako wala naman kong mahihita sayo." dagdag ko
"paano kung ayaw ko?" pang aasasar nya.
sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang text mula kina Sunny, Denise at Claudette at 30 miss calls galing kay kuya.
"Auds? nasan ka na? tumawasg si kuya tristan tinatanong kung may nasabi ba ikw na ibang pupuntahan." txt ni sunny
"naka uwi ka na ba!? hanap ka saamin ni kuya mo." ani claudette
" umuwi ka na nag aalala na ung asawa koooooo!" ani Denise
"uuwi na ako hinahanp na ako saamin" tanging nasabi ko ng mabasa ang mag text sa akin.
nag pakawala lang sya ng buntong hininga. " sige hatid na kita." aniya at tumayo sa kina uupuan nya upang kunin at dalahin ang aking bag.
"tara na." aya pa nya.
nag simula kaming maglakad sa hallway ng bahay nila. Di ko mawari kung bahay pa ba iyon o isang mall na sa laki at lapad ng kanila bahay. bawat madaanan namin ay humihinto at nag bibigay ng pugay or pag respeto skanya.
Pababa na kami ng hagdan galing sa kwarto nya ay may nakita akong lalaki na may edad na din. Siguro tatay nya to.
"Magandang hapon sayo Martin at sa maganda mo din kasama." Bungad nito saamin nag makababa na kami.
"Magandang hapon din po." Sagot ko at akmang mag mamano. Ngunit bahagya nyang tinatas ang kanyang kamay para sensyasan ako na wag na.
Kya di ko na ito tinuloy.
"Napasyal ka Luther. May problema ba?" Sambit ni martin.
"Wala naman. May pag uusapan lang kami ng Don." Simpling sagot nya. " Sino pla yang kasama mo?" Biglang tanong nya.
"Sya ang aking magiging moglie." Sambit ni martin.
Ngunit tawa lamang ang tugon nong lalaki skanya. At napailaing na lang sa sinamabit ni martin.
"Pakihanda ang sasakyan ko." Anya sa mga naka abang na tao doon. At dali dali itong sinundan ng inutusan nya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." Dagdag pa nya.
"Handa na po ang iyong sasakyan. Capo bastone." Singit ng inutusan nya kanina na. Atska inbot ang susi ng kanyang sasakyan.
"Una na kami Luther." Paalam ni martin doon sa lalaki.
"Mag ingat kayo." Anyi luther. " Lalo na ikw" dagdag nya habang naka tingin saakin.
Dahilan para makaramdam ako ng kaba at takot.
"Sinu un? Tito mo?" Tanong ko ng makasakay na kami sa kanyang sasakyan.
"Hindi. Siya ang consigliere ng aming pamilya." Natatawang sagot nya.
"Consigliere?" Pag uulit ko. Parang familiar ung word pero di ko alam. Kung ano ibig yang sabihin.
"Oo. Di ko sya tito o kamag anak." Dagdag pa nya saka ng drive na.
Tahimik lang ako sa buong biyahe pauwi saamin. Ang daming mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Isa na ang pag katao ng lalaking kasama ko. Ano bang klaseng tao sya? Sobrang yaman nya sa itsura ng bahay nila pwding pwd sya mag aral sa ibang bansa o kya sa international school pero bkt sya nandito sa ordinaryong private school nag aaral? At bkt galit na galit si kuya sakanya? Anong nangyari?
"Dito na muna kita ibaba. Ayaw ko muna makipag away sa kuya mo ngayon." Biglang sabi nya dahilan para bumalik ako sa ulirat ko.
"Huh?" At napatingin ako sa paligid. Nasa loob na kami ng subdivision kung saan kami nakatira at mga tatlong bahay pa ang aking lalagpasan para makarating na sa bahay namin.
"Ahh. Okey" dadag ko saka tingnagal ang aking seatbelt at aambang baba na ngunit hinawakan nya ang kamay ko para pigilan. Takang tinignan ko sya, "Bakit?"
tinignan nya lang ako at umuling. akala ko bibitawan na nya ako pero nanatili ang pag kakahawak nya sa akin kamay "Sure ka?" tugon ko.
nag pakawala sya ng isang malalim na buntong hininga. "Oo" at aniya.
"oh bitawan mo na ako. baba na ako."
imbis na bitawan ako ay dinala nya ang aking kamay sa kanyang labi. "Ganyan muna habang di mo pa ako mahal." anyi ng matapos nyang halikan ang aking kamay at agad ko naman hinila ang akin kamay dahil sa gulat at naramdaman ko ang pag bilis ng tibok ng akin puso.
tiginan ko nalang sa ng masama at bumaba ng sasakyan nya at padabog kon sinara ang pinto ng kanyan sasakyan dahil sa inis. "ano ba akala nya kikiligin ako sa mga ginagawa nya!? neknek nya! kadiri talga" atska ako kumuha ng wet wipes para punasan ang aking kamay kung saan nya dinampi ang kanyan labi.