Akihira Naomi Luego's pov
"Ate!!" Salubong saakin ng nakababatang kapatid ko na si Adrian.
"Hi baby!" Masaya kong salubong sa kapatid ko.
I hugged my brother before he shows me his new robot toy na bigay daw ni tita Cas.
"Adrian!" Pinanggigilan nila Cath si Adrian at kinikiliti pa ito, tawa naman ng tawa si Adrian.
Si Adrian ang pinaka nag-papasaya sa pamilya namin not just because he is the youngest but also because my mom and dad raised him to be a good boy, kaya special saamin si Adrian.
"O and ito na pala kayo." Sinalubong kami ni tita Yasmin, ang mommy nila Louise at Logan.
Binati nila Louise at Logan si tita, bumati narin kaming lahat.
"Uhm.. Nasan po sila mom?" Tanong ni Cath habang hinuhubad ang bag niya.
"Andon na sa dining room niyo, sumunod na kayo." Ani tita Yas.
Tumango kami at sumunod na kay tita Yas papunta ng dining room nila Cath.
Nang makarating kami sa dining room ay andoon na lahat ng mga tito at tita namin pati narin si mom at dad na nakukuwentuhan pero nalipan ang attention nila saamin.
"O san ba kayo galing? Bakit natagalan kayo?" Tanong ni mom.
"Sorry tita, pumunta po kasi muna kami sa mga house namin para kumuha ng mga clothes kasi balak po namin mag sleep-over." Ani Louise.
"O sige, ma-upo na kayo." Yaya ni tita Cas.
"Wait lang ma, akyat lang po namin ang mga gamit namin." Ani Cath.
Tumango naman si tita, "Sige bilisan niyo ah, mukhang guton na si Adrian." Natawa kami ng nakitang sinusundot ni Adrian yung ulam at isusubo ang daliri.
"Adrian baby sit here." Tawag ni mom kay Adrian at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Agad naman sumunod si Adrian at tahimik na nakaupo. Such a good boy.. I'm proud to be his sister.
.....
"By the way guys, napag-isipan niyo na ba kung anong club kayo sasali?" Tanong ni Cath sa kalagitnaan ng pag-aayos namin ng guest room.
Tapos na kaming mag-family dinner at nag-suiwian na lahat ng mga tito at tita namin pati narin ang parents ko at si Adrian, I felt bad for my brother kasi hindi siya nakakasama sa mga cousins bonding namin, probably when he is older our parents may let him.
Ito kasi ang pinakamalaki nilang room na may dalawang beds kaya ipinag-duktong namin iyon para tabi-tabi kami, hindi kami kakasiya dito kaya napag-isipan namin na sa sahig nalang matulog ang iba at mag-lalatag nalang ng cushion doon.
"Don't know.. Probably chess club." Ani Bryce habang inilalatag ang kumot.
"Chess? Seriously dude? That's boringgg.." Nakangiwi na sabi ni Nathan.
Napabuga nalang ako ng hangin habang patuloy sa pag-asaran ang boys, nagpatuloy sa pag-urong ng kama, tinulungan naman ako ni Cath.
"Eh ikaw Logan? Anong napili mo?" Tanong ni Nathan.
He sighed and fixed his glasses, he looked tired, "Math club." Aniya.
Nalaglag ang panga ni Nathan. Edi sana ol nalang magaling sa Math...
YOU ARE READING
The Treacherous Love (Luego Girls Series #1) | aclriee_
RomanceAkihira Naomi Luego I'm just a typical girl while he is a nerd misterious boy that everyone hates. Follow me on TikTok: wattpadian_crazee My other accounts like; Facebook, IG, Twitter, and Snapchat are private for my privacy, I don't want my friends...