Akihira Naomi Luego's pov
Nag-lalakad kaming mag pipinsan sa hallway ng school, napalingon ako kay Logan dahil kanina pa siya hikab ng hikab.
Sigurado akong napuyat siya kagabi dahil na gising ako kagabi around 2:16 in the morning na may ka-chat, and its definitely the girl who he was chatting yesterday.
"Didn't sleep?" Tanong ni Louise.
"Yea, can't sleep." Sabi niya sa ate niya.
Yes Louise is older than Logan but he never calls her 'ate' because he said that he feels like he is a little boy at hindi niya raw iyon gusto dahil hindi daw nakakalalaki.
Hayss.. Ewan ko sayo Logan.
"Wews.. Ang sabihin mo napuyat kakachat sa girlfriend mo!" Pang-aasar ni Nathan, siniko ko si Nathan sa gilid ko para sawayin siya baka kasi mag-away nanaman.
"Dude get a life! So what if I have a girlfriend? Baka inggit ka lang dahil hindi ka na mag-kaka love-life!" Pabalik na asar ni Logan.
"Wag naman ganyan bro! Asaran lang walang sumpaan!" Ani Nathan.
Nagtawanan kami, habang nag-uusap kami ay nag-ring na ang bell.
"Tara na guys! Baka mamaya ay-" Napamura ng malakas si Nathan nang deretso siyang bumagsak sa sahig dahil may isang babaeng nag-mamadali ang nakabangga sakaniya.
Malakas na nag-tawanan sila Logan at Bryce sinamaan naman sila ng tinggin ni Nathan pati narin iyong babaeng bumangga sakaniya.
Nilingon ko ang mga studyanteng dumadaan at nakita kong nag bubulungan sila habang masamang nakatingin sa babaeng bumangga kay Nathan, sa tingin ko ay gusto nila si Nathan at akala siguro nila na nag-papapansin itong babae.
Naunang tumayo itong babae, "Ay s-sorry po! Di ko po sinasadya." Aniya at tinulungang tumayo si Nathan.
Tumayo si Nathan sa tulong nuong babae at sinamaan niya ulit ito ng tinggin bago pag-pagin ang uniform niya.
Nanginginig naman ang babae, mukhang nag-papanic siya.
"D-Di ko po talaga sinasadya-" Aniya at tinulungang pag-pain ang damit ni Nathan pero tinulak lang siya ni Nathan dahilan para bumagsak siya sa sahig.
"Forget it! Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo ha babae?" Sigaw ni Nathan at nauna na, sumunod na rin sila Louise at Bryce kay Nathan dahil nga mag-ka kaklase sila.
"Una na ako ah." Paalam ni Logan saamin at nauna na sa classroom namin.
Tumango nalang at at nilingon ko ulit iyong babae dahil narinig ko ang pag-iyak niya, lumuhod ako para tignan kung ok lang siya.
"Uy ayos ka lang? Sorry kay Nathan ah, next time kasi wag ka nang tatakbo ulit dito sa hallway." Sabi ko.
Umangat siya ng tinggin saakin, saglit pa siyang natulala bago mag-salita.
"O-Oo alam ko naman iyon talagang nag-mamadali ako kasi baka ma-late ako-" Napahinto siya ng abutan ko siya ng tissue, "Salamat," Aniya at pinunasan ang mukha.
"Atsaka di ko rin kasi alam kung saan iyong classroom ko eh." Aniya.
Tinulungan ko siyang tumayo, I can't help but to stare at her beauty, she has long brown straight hair, medyo singkit na mata, pinkish lips, and rosy cheeks.
"Don't worry we will help you." Ani Cath sa likod ko.
Ngumiti siya, "Thank you."
"Saan ba yung classroom mo at anong grade ka na?" Tanong ni Faye.
YOU ARE READING
The Treacherous Love (Luego Girls Series #1) | aclriee_
RomansaAkihira Naomi Luego I'm just a typical girl while he is a nerd misterious boy that everyone hates. Follow me on TikTok: wattpadian_crazee My other accounts like; Facebook, IG, Twitter, and Snapchat are private for my privacy, I don't want my friends...