Akihira Naomi Luego's pov
Nakatulala akong nag-lalakad pabalik ng classroom, pinauna na ako ni Axel dahil hindi daw maganda na sabay kaming pumasok ng room.
Nakatulala ako dahil sa ka-tangahang sinabi ko kanina, napagkamalan ko pa naman siyang bingi!?
Na-offend ko kaya siya?
***
Louise Althea Luego's pov
Nakatingin ako sa pinto habang nag-didiscuss ang teacher namin, hindi pa kasi bumabalik si Bryce at baka mapagalitan siya kasi 30 minutes na siyang late.
"San na kaya yong si Byce." Bulong saakin ni Nathan.
"Ewan.. I don't trust Bianca.. baka mamaya may gawin siya kay Bryce." Sabi ko at nag pay attention na lang sa klase, ganon din ang ginawa ni Nathan.
Maya-maya pa ay nabulabog ang buong klase ng pumasok si Bryce na gulong-gulo ang buhok at nakatanggal ang ilan sa mga butones ng kanyang damit.
What the hell...
"Sorry I'm late." Aniya at inayos ang sarili bago naupo sa upuan sa harap ko.
Hindi nalang nagsalita si sir at nag-patuloy nalang sa pag-tuturo. Mukhang pati si sir nagulat din.
Sinipa ko ang upuan niya dahil an para tumalikod siya at mag kunot ng noo saakin.
"What the hell happened to you? San ka galing?" Pabulong kong tanong.
Umirap siya sa kawalan, "Nag-usap lang kami ni Bianca." Aniya.
Taka ko siyang tinignan. Nag-usap? Pero bakit ganyan itsura niya?
"Dude ngayon lang ako naka kita ng nag-usap na tanggal-tanggal ang butones." Tawa ni Nathan, sinamaan naman siya ng tingin ni Bryce.
"Yong totoo Bryce, anong ginawa niyo nong malanding iyon." Maotoridad kong tanong.
Tinignan ako ng masama ni Bryce, "Stop calling her names Louise." Aniya.
I chuckled, "What's happening to you? Naka-usap mo lang si Bianca tapos ganyan kana samin?" Diniinan ko ang pag-kasabi ko sa 'nag-usap'.
"Wala ka na don Louise, at pabayaan niyo nga ako." Aniya bago humarap sa teacher namin.
Ginayuma ba siya ni Bianca??
***
Akihira Naomi Luego's pov
Nang makabalik ako sa classroom ay dahan-dahan akong sumilip sa loob at nakitang wala pa pala si ma'am at nag kukwentuhan lang ang mga kaklase ko.
Nakita ako ni Faye na sumilip kaya sinenyasan niya ako na pumasok, sumunod naman ako at naupo na sa upuan ko.
Tumalikod ako at hinarap so Faye, "Asan si ma'am?" Tanong ko sakaniya.
"Ewan.. Pero sabi ni Cath may meeting daw ang mga teachers ng saglit." Aniya.
Tumango naman ako at akmang bubuksan ang bag ko dahil balak ko sanang mag-basa ng tawagin ulit ako ni Faye.
"Akihira, ano nga palang nangyari kay Axel? Ano tinanggap ba niya?" Pabulong na tanong ni Faye.
YOU ARE READING
The Treacherous Love (Luego Girls Series #1) | aclriee_
RomansaAkihira Naomi Luego I'm just a typical girl while he is a nerd misterious boy that everyone hates. Follow me on TikTok: wattpadian_crazee My other accounts like; Facebook, IG, Twitter, and Snapchat are private for my privacy, I don't want my friends...