Akihira Naomi Luego's pov
Matapos ng nangyari ay tumunog na ang Bell which means mag sisimula na ang klase, agad-agad nag-sialisan ang mga studyante sa loob ng cafeteria at pumunta na sa kani-kanilang mga classroom.
Hanggang sa kami-kaming mag pipinsan at si Axel nalang ang natirang studyante sa loob ng cafeteria, pinupunasan niya ng tissue ang kaniyang uniform na may mantsa.
"Let's go guys baka-ma late tayo." Ani Nathan at tumayo na, tumayo na rin kaming lahat.
Nauuna na silang mag-lakad habang nakasunod kami ni Faye sakanila, pare has kaming nakatingin kay Axel na patuloy sa pagpunas ng mantsa sa uniform niya, nawa ako kasi baka hindi siya papasukin dahil nga may mantsa siya sa damit at amoy ulam siya.
Pagkatapos ay agad-agad na umalis si Axel ng mapansing na nakatingin kaming lahat sakaniya, ayaw niya sigurong kaawaan siya.
"Kawawa talaga siya noh?" Naaawang sabi ni Faye.
Tumango nalang ako sakaniya, napahinto ako ng may naisip akong paraan para matulungan ko kahit papano si Axel.
Lumingon sila saakin ng mapansing napahinto ako sa pag-lalakad, "Akihira bakit?" tanong ni Logan.
"Uhm mauna na kayo, mag-cr lang ako saglit." Palusot ko.
Tumango naman sila at nauna na, nang mawala na sila sa paningin ko ay pa lakad-takbo akong pumunta sa locker room.
Mahina akong napamura nang may humawak sa braso ko, nilingon ko iyon at si Faye lang pala.
"Ay sorry.. Nagulat ba kita sorry hehe." Aniya.
"Faye naman! Bakit ka sumunod? Muntik na akong atakihin sayo!" Napahawak ako sa dibdib ko.
"Sorry talaga," Natawa siya, "Gusto ko kasing sumama sayo dahil feeling ko hindi ka talaga mag ccr." Paliwanag niya.
Itinaas ko ang isa kong kilay. Pano niya nalaman? Masyado ba akong obvious??
Natawa siya, "Alam namin ni kuya Nathan na tutulungan mo si Axel, gusto namin tumulong kaya eto." Aniya habang inaabot saakin ang bottle na pabango na panlalaki.
"Ano yan? Para san naman iyan?" Tanong ko.
Dissapointed siyang tumingin saakin, "Pinabibigay ni kuya Nathan, Di naman daw niya kasi kailangan itong pabango kaya ibibigay nalang daw niya kay Axel, dahil alam mo na baka layuan siya ng mga classmates natin kapag nangangamoy ulam siya sa room." Aniya.
Kinuha ko yung pabango sa kamay niya,"Thank you ah, at pakisabi narin kay Nathan na thank you." Sabi ko.
Nginitian ako pabalik ng pinsan ko, "O sige na una na ako ah, bilisan mo nalang kasi baka mapagalitan ka ni ma'am." Aniya bago lakad-takbong bumalik sa classroom.
***
Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang dark blue kong over-sized na hoodie, wala itong design kaya hindu ito mukhang pambabae, ipapahiram ko nalang ito kay Axel, sana nga lang magkasya sakaniya.
Matapos ay isinara ko na ang locker ko at nag-simulang hanapin si Axel, San na kaya yun..
Habang naglalakad ay may idea na pumasok sa isip ko. Baka nasa restroom siya...
Agad akong naglakad papunta sa male's restroom at sumilip doon, at tama nga ako nandito si Axel na nakasando na nilalabhan ang uniform niya.
Mukhang siya lang ang tao sa restroom dahil nakabukas ang mga pinti ng bawat cubicle kaya malamang walang mga gumagamit non.
"Psst! Axel!" Pabulong kong tawag sakaniya.
Noong una ay nagulat pa siya ng makita ako, sinenyasan ko siya na lumapit saakin.
Lumapit siya saakin na nag-tataka, oo nga sobrang tangkad niya, siguro ay mga nasa 5'11 siya eh 5'6 lang ako.
Inabot ko sakaniya ang shopping bag na dala ko, laman non ay ang hoodie at pabango.
"Kunin mo to." Alok ko sakaniya, tinitigan niya lang iyon ng mga 5 seconds bago kuhanin at tignan ang laman.
Mukhang nagulat pa siya ng makita yung laman, paulit-ulit siyang umiling habang ibinabalik saakin yung shopping bag.
"Uy bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ko habang ibinabalik sakaniya yung shopping bag.
Paulit-ulit siyang umiling, mukhang ayaw niya talagang tanggapin yon.
Teka nga pipe ba siya?!
Parang di siya nagsasalita eh!
Kaya siguro siya binubully kasi hindi siya nag-sasalita!
Nanlaki ang mga mata ko sa realization na iyon, nagtaka naman si Axel sa reaction ko.
"Pipe ka noh!? Kaya ka nila binubully!" Sabi ko na ma's lalong nag-tataka kay Axel.
"Naku! Grabe naman si Bianca pati person with disability ay pinapatulan! Grabe talaga!" Napapa-iling na ako sa inis.
"Sorry ah di ko alam na di ka pala nakakapag-salita." Ibinalik ko ang tingin ko kay Axel na takang-taka sa mga sinasabi ko.
Ay baka di niya ako maintindihan..
Pano yan di pa naman ako marunong mag sign-language...
"Ikaw," itinuro ko siya, hopefully this works, "kuha ito," itinuro ko yung shopping bag, "tapos suot," nag-aksyon ako na nagsusuot ng damit.
Kinuha naman niya yung shopping bag. Mukhang an-gets niya! Yeshh!
"Then spray." sabi ko at nag-aksyon na nag-iispray ng pabango.
Tumango naman siya pero di talaga siya ngumingiti palagi siyang seryoso.
Hayss para talaga siyang sanggol..
"Ang hirap palang kumausap sayo," Bumuga ako ng hangin, "Sige una na ako ah, isauli mo nalang iyang hoodie ko bukas at iyo na yang pabango." Sabi ko, bahala na kahit di niya ako ma-gets, kahit sakanila nalang yung favorite kong hoodie.
Akmang naglalakad na ako paalis ng mapahinto ako ng may nag-salita.
"Salamat."
Gulat akong tumingin kay Axel. S-so all this time hindi siya pipe??!!
Langya nagpakahirap pa ako!
Pero infairness, ang lalim at ang lamig ng bosses niya, bosses lalaking lalaki talaga.
"Nakakapag-salita ka!?"
〰️〰️〰️
A star "⭐" is highly appreciated! ☺️
YOU ARE READING
The Treacherous Love (Luego Girls Series #1) | aclriee_
RomantizmAkihira Naomi Luego I'm just a typical girl while he is a nerd misterious boy that everyone hates. Follow me on TikTok: wattpadian_crazee My other accounts like; Facebook, IG, Twitter, and Snapchat are private for my privacy, I don't want my friends...