Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2 : Stranger

Nang matapos iyon aminin ni Ariela ay hindi ako umimik. Hindi ko masikmura ang nalaman ko ngayong araw. Gusto kong sampalin ang kasintahan ko pero hindi ko kaya.

Hindi ako umimik na lumapit kay Papa na ngayon ay naka-upo sa aming sopa. Umupo ako sa tabi n 'ya at nilingon si Ariela na nakasandal sa hagdanan.

"Ariela, pakikuha ng first aid kit sa banyo,"Saad ko ng walang bakas na emosyon at hinawakan ang kamay ni Papa at sinuri ito. Hindi naman masyadong malala ang sugat nito.

Nang makarating si Ariela sa harap namin ay hindi ako nag-abala na mag-taas ng tingin kinuha ko lang ang first aid kit sa kamay nito. Nang matapos kong gamutin ang sugat ni Papa ay agad akong tumayo at pumunta sa kusina.

Saktong pagsara ko sa pintuan ng kusina ay agad nanghina ang tuhod ko at dahan-dahan na bumagsak. Sumandal ako sa pintuan at tumingala para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Hinawakan ko ang kwentas na suot ko at hinila ito para maputol. Tangina.. bakit ang kapatid ko pa?

Okay lang naman sa 'kin, e.. okay lang sa 'kin kahit masakit tatanggapin ko naman pero bakit ang kapatid ko pa? Bakit si Ariela?

Agad kong pinunasan ang luha ko at tinakpan ang aking bibig para pigilan ang kumakawala na hikbi. Hindi ko na kaya.. gusto ko silang saktan.. gusto kong i-paramdam sa kanila ang sakit. Hindi naman ako nag-kulang sa kanya.. halos binigay ko na ang lahat sa kanya.. halos lahat. Dahil ba sa hindi ko maibigay ang sarili ko sa kanya kaya s 'ya na ngaliwa?

Napahinto ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan. Dali-dali kong pinunasan ang pisngi ko at mahinang tumayo.

"Anak?" Narinig kong sabi ni Mama sa labas ng pintuan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga mata n 'yang namamaga sa kakaiyak. Pumasok ito at sinirado ang pintuan ang agad akong hinagkan. Dahil sa yakap ng Ina ko ay nanghina ako at nagsimulang humagulgol.

"Ma.. hindi naman po ako nag-kulang kay Anthony, Ma.. bakit n 'ya po nagawa ito sa 'kin..?"I said still embracing my Mom. She sighed then hugged me tighter.

"Ma, tatanggapin ko naman po, e. Kakayanin ko ang sakit Ma kasi hindi naman po iyong magtatagal.. pero si Ariela Ma. Sa dami raming babae ang kapatid ko pa. Ma hindi ko alam kong mapapatawad ko sila Ma,"I continued. She loosen our hug and faced me with a sad smile.

"Anak, naiintindihan kita. Kung ako ang nasa posisyon mo syempre makakaramdam din ako ng pagkamuhi.. katulad nga ng sabi mo Anak wala na tayong magagawa dahil and 'yan na.. buntis na ang kapatid mo, wala na tayong magagawa dahil ang dinadala n 'ya ay sa kasintahan mo,"She uttered. "Anak.. kung hindi mo pa kaya ang nalaman mo.. kung hindi mo pa kayang harapin.. umalis ka muna pansamantala sa bahay at bumalik ka kung kaya mo na harapin. Pero sa ngayon, kausapin mo muna si Anthony. Kailangan mo ng eksplenasyon galing sa kanya.. kayanin mo anak, 'yon lang paraan para makahinga ka ng maluwag."She continued. I cried hardly on her shoulders. I don't think I can face Anthony. I needed a time to breath.

Nang matapos ang kaganapan na 'yon ay sinamahan ako ni Mama papasok sa aking kwarto. Hindi na ako nag-abalang mag-bihis at diretsong humiga sa kama. Natulala pa ako ng mga ilang minuto bago ako sinakop ng kadiliman.

Nang magising ako kinabukasan ay agad kong kinuha ang aking puting maleta na nakatago sa malaki na kahoy kong kabinet. Nilinisan ko ito ng maigi bago nagsimulang hukayin ang mga damit ko at inilagay ito ng maayos sa maleta. Gustuhin ko mang manatili pero hindi ko pa kayang harapin ngayon ang kapatid ko na akala ko na mapapagkatiwalaan pero I think mali ako do 'n sa part na 'yon. I'm almost done packing my things then suddenly I heard a knock on my door. My heart tighten when I saw how puffy my Mom eyes are.

I smiled at Her but It's difficult kasi nauwi iyon sa pilit na ngiti.

"Magandang umaga, Ma. May kailangan ka po?"I uttered. She smiled weakly at me, and at that sight my heart tighten more. Hindi naman ako aalis. Gusto lang talaga huminga ng maayos.. 'yong walang iistorbo. I immediately embraced her. Her shoulders started shaking I tapped her back softly to comfort her.

Serenade of HeartsWhere stories live. Discover now