Chapter 3: I know him too well.
"Iba talaga ang kutob ko kay Anthony simula no 'ng naging kayo, Era. Wag mo akong sisihin huh? Deserve n 'ya ang mga masasamang salita na lumalabas sa bibig ko ngayon!"I sighed when Kaira said that. I know, Anthony is a big jerk. Bakit ngayon ko lang na realise. But then, I can't judge Him easily.
Nandito ako ngayon sa condo ni Art. Kanina ay tinext ko s 'ya na kung puwede bang manatili muna sa condo n 'ya. Hindi naman ito nag-tanong kung ano ang rason dahil alam ko na naman ang sasabihin n 'ya pag-sinabi ko kung 'hindi mo ba tatanongin kung ano ang rason ko?'.
"Hindi ako interesado."
Napalingon ako kay Art ng bigla itong tumayo 'saka inilagay sa coffee table ang kanyang binabasa na libro. Artemis is a romance writer. 'Yon 'nga ang pinaka-gulo sa kanya, e. Romance writer s 'ya pero wala namang katamisan sa buto n 'ya. How did She manage to write romance stories?
"Mag-titimpla ako ng kape. Gusto n 'yo?"Sabi nito at tinanggal ang kanyang suot na glasses at inilagay ito sa ulo n 'ya. Agad akong tumango at si Kaira naman ay umiling dahil uminom na daw ito ng kape bago pumunta dito sa apartment.
Nang maka-alis si Art ay biglang sumeryoso ang mukha ni Kaira habang nakatingin sa 'kin.
"Hindi mo ba kakausapin si Anthony, Era?"Seryosong usal n 'ya, agad akong nagbaba ng tingin at kinamot ang ilong ko.
"Kakausapin ko naman s 'ya. Pero hindi muna sa ngayon. Hindi ko pa kaya, e,"Saad ko na lang at isinandal ang likod ko sa sopa at pumikit. Hindi na nag-salita si Kaira at iyon ang ipinagsasalamat ko dahil naiintindihan n 'ya na ayaw ko muna iyon pag-usapan. Pag pinag-uusapan kasi namin 'yon mas lalong sumasakit ang ulo ko.
Mga ilang minuto ay dumating si Art na may bitbit na dalawang baso ng kape. Inilapag n 'ya ang isa sa harapan ko kaya nag-pasalamat ako sa kanya. Tumango lang ito at bumalik sa kan 'yang kaninang posisyon at nag-simula ulit basahin ang kan 'yang libro.
Nag-paalam na si Kaira kalaunan dahil nag-text na daw ang asawa n 'ya. Niyakap n 'ya kami bago ito tuluyang lumabas at kami nalang ni Art ang nasa loob.
Tumingin ako kay Art na ngayon ay nakasandal at nakatulala sa kisame. Kinalabit ko s 'ya agad n 'ya namang i-binaling sa 'kin ang kan 'yang paningin at tinaasan ako ng kilay.
"Hmm.. 'kailangan mo?"Sabi n 'ya at kinamot ang kan 'yang mata. Umayos ako ng upo at inilagay ang aking kamay sa aking makinis na hita.
"Nalaman mo na naman diba?"Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa baso. Naramdaman kong tumango s 'ya at isinandal ang kan 'yang ulo sa balikat ko.
"Syempre. Sobrang ingay n 'yo ni Kaira, pa 'no ko hindi malalaman?"Napatawa ako ng mahina sa sinabi n 'ya at inilagay ang kamay ko sa bewang n 'ya at isinandal ang ulo ko sa ulo n 'ya. Nag-buntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko.
"Kinausap mo na ba s 'ya?"Tanong nito. Umiling ako kaya naman tumango s 'ya at wala ng sinabi. Nag-paalam na ito na matutulog na kaya ako nalang mag-isa sa living room.
Napag-pasyahan kong tumungo sa kusina at kumain ng garlic bread. Umupo ako sa silya at sinimulang kainin ang garlic bread. Nang matapos ko itong ubusin ay naglakad ako patungo sa lababo at kumuha ng babasaging baso sa lalagyanan, sa gilid lang nitong lababo. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naisipan kong magpahingin muna sa veranda.
Nang makaupo ako sa swing chair ay isinandal ko ang likod ko dito at huminga ng malalim bago tumingin sa kalangitan. The sky was in navy blue, the stars was so many and when I'm staring at them I feel like I'm not alone. I smiled widely when my gaze turned to the moon that's sparkling thru the sky.
YOU ARE READING
Serenade of Hearts
RomanceInaamin ko sa sarili ko na nahulog na talaga ako sa kanya. Pero pa 'no kung hanggang kaibigan lang tingin n 'ya sa 'kin o isang estranghero nga lamang? Masasalo n 'ya kaya ako pag nahulog ako ng lubusan? The story started: September 20, 2021 The sto...