Chapter 4: Fell out of love
Sa nakalipas na araw ay laging nagpaparamdam sa 'kin si Anthony thru texts. Hindi n 'ya kasi alam kung saan ako nakatira ngayon. Mabuti na lang marunong mag-tago ng emosyon si Art kaya hindi nalaman ni Anthony na sa kanya ako ngayon tumitira.
Huminga ako ng malalim bago kinuha ang cellphone ko sa bedside table at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang napakarami na messages galing kay Anthony, lahat. Wala akong choice kun 'di i-block ang number n 'ya sa cellphone ko para matigil na ang kan 'yang panggugulo. Nang matapos ko itong i-block ay tinapon ko ang aking cellphone sa kama at binagsak ang sarili sa kama.
Nagmuni-muni ako habang nakatingin sa ceiling ng makarinig ako ng katok galing sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito at bumungad sa 'kin si Art na nakabusangot ang mukha.
"Ano 'ng nangyari? Bakit gan 'yan itsura mo?"Usal ko at pinatuloy s 'ya sa kwarto. Umupo s 'ya sa kama habang ako naman umupo sa upuan.
Umirap s 'ya at inayos ang glasses na suot-suot, "Laging pumupunta iyong si Anthony sa trabaho ko! He kept disturbing me like a dog who's searching to His owner!"Supladang saad n 'ya. Napabuntong hininga ako at tumingin sa bintana. 'Kailan n 'ya ba balak tumigil? Hindi n 'ya ba alam 'yong salitang tigil at ayaw?
Wala ng tyansa na magkakabalikan kami. Dahil sa isang kamalian.. nasira ang lahat. At hindi na iyon dapat pang balikan.
"You should tell him to stop, Nav. Naiinis na ako sa gagong 'yon!"Huling usal n 'ya bago lumabas sa kwarto. Napailing ako at pabagsak na humiga sa kama at tinitigan ang ceiling habang nag-iisip kong paano s 'ya papatigilin.
Nang hindi pa rin ako maka-isip kong pa 'no s 'ya patigilin ay napag desisyonan kung lumabas at pumunta sa kusina para gumawa ng Smooth Berry Ice Cream. Matagal-tagal na rin siguro akong hindi nakakagawa no 'n. Kaya gagawa ako nga 'yon bilang panghihingi ng pasensya kay Art.
Paglabas ko sa kwarto ay wala akong nakitang bakas ni Art sa sala. Hinilot ko ang aking sintido bago pumasok ng tuluyan sa kusina.
Binuksan ko ang Refrigerator at kinuha sa freezer ang Vanilla Ice Cream. Kinuha ko rin ang Strawberry at Strawberry Syrup. Pagkatapos ilagay iyon sa kitchen counter ay kumuha ako ng platito at scoop.
Nag-scoop ako ng Vanilla Ice Cream at inilagay iyon sa platito. Mabuti na lang may pang-scoop sa Ice Cream dito. Inabot ko ang syrup at binuksan at i-kinalat ito na parang zigzag pagkatapos ay hinugasan ko ang isang pirasong strawberry at hiniwa ito at inalagay sa ibabaw ng Ice Cream. Pagkatapos ko iyong gawin ay binitbit ko ito patungo sa kwarto ni Art at agad kumatok. Pinagbuksan n 'ya ako at nandoon pa rin ang inis ka kan 'yang mukha. Tinignan n 'ya ang hawak ko at umirap.
"Ano 'yan?"Sabi n 'ya habang nakatingin pa rin sa hawak ko at napalunok. Napatawa ako sa isip at inilahad ito sa kanya. Halata naman kasing gusto n 'ya, e!
"Peace offering ko! Kunin mo na halata namang gusto mo, e!"Usal ko sa kanya at kinuha ang kanyang kanang kamay at inilagay doon ang platito at kutsara.
"Tss... wala ka bang trabaho ngayon?"
Napatigil ako at agad nanlaki ang mga mata ko. Shet! Nalimutan ko! Lagot!
Hindi ko na s 'ya hinintay magsalita ulit at patakbong lumapit sa kuwarto. Binilisan ko ang pag-ligo at pag-bihis at pag-ayos. Wearing my usual attire, lumabas ako at dali-daling pumunta sa may entrance para i-suot ang black-peep toe sandals.
Pagkadating ko sa opisina ay naabutan ko si Ma 'am Vinhna na nakatayo sa pwesto ko at problemadong nakatitig dito. Napasapo ako sa aking noo at lumapit do 'n. Bumaling ang tingin n 'ya sa 'kin at pansin ko ro 'n ang pagbago agad ng kan 'yang ekspresyon.
YOU ARE READING
Serenade of Hearts
RomanceInaamin ko sa sarili ko na nahulog na talaga ako sa kanya. Pero pa 'no kung hanggang kaibigan lang tingin n 'ya sa 'kin o isang estranghero nga lamang? Masasalo n 'ya kaya ako pag nahulog ako ng lubusan? The story started: September 20, 2021 The sto...