KABANATA 30: BAGONG UMAGA

11 0 0
                                    

Zea's POV

I woke up feeling... better.

Last night was... unexplainable.

At that moment, bad things were processing inside my head. Yet in every second of that, it has a refreshing feeling in exchange. I was shouting and crying so hard for there's a chaos inside of me. Yet I was in paradise for everything around seems peaceful, plus he's hugging me. It was unusual but I'm thankful it happened. I'm thankful that I was able to get rid half of the heaviness, pain and sadness.

All, because of him

He, who protected me from all the bad things I thought will happen

"Niki! Lando! Sandali lang!" sigaw ko habang mabilis na naglalakad papunta sakanila.

They stopped and looked at me from a distance. Pinanliitan nila ako ng mata "Si Zea ba... si Zea nga!" masayang sigaw ni Niki at tumakbo papalapit sa akin, kasunod nya si Lando at ako naman ay huminto na sa kinatatayuan ko.

"Hi Zea!"

"Magandang umaga Zea"

Sabay nilang bati sa akin

"Goodmorning sainyo, alam ko naabala ko kayo pero may kapalit naman" magiliw kong wika. Saka ko iniabot sakanila ang isang may kalakihang tote bag. Wala na kasi akong mahanap na ibang lalagyan.

"Ay Zea marami kaming lalagyanan ng damit sa bahay" Niki commented in a serious tone.

"Baliw!" I responded then laughed

Then they stared at me like I did something wrong.

"Bakit?" mahinahon kong tanong

"Hala ka Zea nagmura ka" sabi ni Lando habang nakaturo diretso sa mukha ko ang hintuturo na parang bata.

"Mura ba yung "baliw"?" takang tanong ko

Napaisip naman sya "Hindi naman, pero sa isang babaeng super inosenteng tulad mo mura nayun. Isa pa nga"

I giggled "Oh edi sorry na"

"Ano muna yan?" tanong nya habang nakasilip sa tote bag, binuksan ko naman yun.

"Wow adobo!" gilalas nilang dalawa

"Tatlong lunch box yan. Ubusin nyo ah masarap yan!" puri ko sa luto

Kinuha ni Niki yung bag saka inamoy amoy ang loob. "Luto mo Zea?" tanong nya habang nasa loob ng tote bag ang ulo at nakasilip din si Lando doon.

Bat kaya di nalang nila buksan?

"Hindi, luto ni Lola ko yan kagabi" nakangiting tugon ko

Napatigil sila sa ginagawa at dahan dahang nag angat ng tingin sa akin. Gulat na gulat ang ekspresyon nila. Bumilog ang mga singkit na mata ni Niki.

Ilang segundo ang lumipas nang nakangiti lang ako sakanila at sila naman ay hindi alam kung saan titingin. Nanginginig din mga kamay ni Niki habang hawak yung tote bag. Hanggang sa tumawa nako ng malakas.

"Yung...mukha... nakakatawa" putol putol na sabi ko dahil sa sobrang pag tawa, napahawak pa ako sa tyan. I took a deep breath before speaking "Malamang ako nag luto, may iba paba akong kasama sa bahay?"

"N-Nananakot ka naman Zea" mahinang balik ni Niki

"Hay naku ang laki laki mo na matatakutin kapadin"

"Bata pako nho"

"Ilang taon kanaba?"

"Basta!" nakasimangot na tugon nya

Seven Worlds and the Lost Princess (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon