KABANATA 20: Ang Dating Maharlika

14 0 0
                                    

New character's POV

"Ulitin mo nga ang iyong tinuran" utos ko kay Eduardo

"Isang diwata po mahal na reyna. Isang babaeng diwata ang aking nakita" sagot nya

"Paano naman mapupunta ang isang diwata sa mundo ng mga tao?" tanong ko at napaisip din

"Hindi po sya isang normal na diwata" pagsasalita uli nya na ikinalingon ko

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Isa syang maharlika"

Napukaw ng salitang iyon ang buo kong atensyon

Maharlika....

Ang dati kong titulo

"Ano?" hindi makapaniwala kong tanong

"Inatake ko po sya sa pag aakalang normal lamang syang tao. Ngunit nang amoyin kopo ang kanyang dugo, iba po ang amoy nito kumpara sa normal na nilalang. At ang mas ikinabigla ko pa po ay nang biglang mag ilaw ang kanyang kaliwang mata. Kulay ginto Reyna Akeldama, tulad ng sa mga diwata" paliwanag nya at kita sakanyang mga mata na nagugulahan din sya sa impormasyong iyon ngunit nagsasabi talaga ng totoo.

"Baka naman namalikmata kalang Eduardo" pagsasalita naman ni Draco, ang kanang kamay ko

"Hindi po, hindi po ako maaaring magkamali. Lumiwanag iyon dahilan upang mas lalo ko itong mapansin. At isa pa po, kaya nyang pagalawin ang lupa" desididong sagot nya

"Pagalawin ang lupa?" tanong uli ni Draco

"Opo kung hindi po ako nakatakbo nang mabilis ay lumubog na po ako sa lupa. Kitang kita ko rin po ang patuloy na pag liwanag ng isa nyang mata habang hinahabol ako ng mga tipak ng lupa" mahabang sabi ni Eduardo

"Teka nga lang" singit ko at napakamot sa sentido "Anong isang mata? Kung maharlika nga sya bakit isang mata lamang ang nakita mong umilaw?" kunot noong tanong ko

Imposible kasi iyon

"Hindi kopo alam" sagot nya

"Wag mo na lamang masyadong isipin iyon mahal na reyna" wika ni Draco habang nilalagyan ng pulang likido ang baso ko

Nandito kami ngayon sa aking kwarto na pula at itim ang pintura pati na rin ang mga kasangkapan. Sinadya ko talagang ihalintulad ito sa aking silid noon. Nakaupo kami sa pahaba at malambot na upuan, nakapikit ako habang malalim ang iniisip.

"Hindi kaya binubuksan na uli ang lagusan?" tanong ko nang hindi inimumulat ang aking mga mata

"Hindi malabo, napakatagal na ng panahong iyon. Baka nga isa na tayong alamat sa kabataan ng Casamahika" sagot nya at bahagya pang tumawa

"Mababait na tao lamang ang bida sa mga alamat Draco" walang ganang sagot ko

"Sino bang nagsabing tayo ang bida?" at saka sya tumawa, napangisi din ako.

Ngunit.... napaisip din

"Napakasama koba talaga ng mga panahong iyon?" seryosong tanong ko habang nakadilat na ang mga mata at nakatingin sa kawalan.

Bumuntong hininga muna sya "Marahil ay mabuti ang layunin mo ngunit di maganda ang dahilan at paraan" sagot nya

"Ipaalala mo nga sa akin ang layunin, dahilan at paraan na ginawa ko" utos ko

"Oh galit ka ata eh?" tila natatawang sabi nya

"Dahil hindi mo sinagot ang tanong"

Seven Worlds and the Lost Princess (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon