KABANATA 31: Lugar ng mga Bampira

13 0 0
                                    

Jay's POV

Hindi ako inaantok, hindi ako pagod, ngunit tila wala akong kayang gawin ngayon kundi tanungin ang aking sarili...

"Bakit hindi parin sya nagpaparamdam?"

Tila dama ko parin sa aking sistema ang pagyakap ko sakanya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay inihatid ko na sya. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nais kong magsalita ngunit di alam ang sasabihin. Nais kong marinig ang tinig nya ngunit sa tingin ko'y naubusan sya ng lakas dahil sa tagal nyang umiyak at sumigaw.

Pero sa huli, nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay nakapaglabas din sya ng sama ng loob. Naibuhos nya ang lahat ng sakit at galit. Kahit papaano, alam kong gumaan ang kanyang pakiramdam.

At ganoon din ako. Tila guminhawa ang pakiramdam ko nang makitang tumigil na sa pagluha ang kanyang mga mata, nang wala na akong marinig na sigaw mula sakanya.

Dahil tila doble ang naramdaman kong sakit nang sandaling magtama ang aming mga paningin. Nakita ko ang pagpipigil ni Zea sakanyang nararamdaman. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit takot na takot syang umiyak o magalit gayong marami namang handang umalalay sakanya. Ngunit sabi ko nga, wala akong dapat na maintindihan, ang nais ko lang ay tulungan sya.

Nais kong makita ang kanyang mga matang walang itinatago

"Oh Jay uuwi kana? Nagsisimula palang oh" tanong ng isa sa mga kasamahan kong modelo.

Tumango lamang ako at naglakad na palabas mula sa bar na nirentahan nila.

Nandito kami sa isang pagsasalo dahil kaarawan ng isa naming kasamahan sa Made By Love, nais ko sanang aliwin ang aking sarili at kalimutan muna ang babaeng iyon. Kalimutan muna ang pagkasabik kong makita sya. Ngunit imbis na maging payapa ang aking pakiramdam ay mas uminit lamang ang aking ulo dahil sa ingay ng mga hampaslupang taong ito. Napakagulo nilang lahat. Sayaw dito, talon doon, at... kung ano ano pa ang ginawa ng iba. Isang beses kanina ay bigla nalamang tumayo ang aking balahibo nang may humawak sa braso ko. Masyado syang malapit sa akin at tila may balak pang mas dumikit, kaya naman itinulak ko sya agad. Bahagya pa akong nakonsensya dahil babae sya, ngunit di ko talaga nagustuhan ang kanyang ginawa. Kaya nagmadali nalamang akong umupo sa isang tabi.

Inihilamos ko sa mukha ang aking palad pagkapasok ko sa kotse. Mas lalo lang talagang bumigat ang pakiramdam ko.

Kung sanang si Zea nalang ang babaeng lumapit sakin kanina baka mas nagustuhan kopa....

"Jay!" sinampal ko ang aking sarili.

Ano ba naman itong iniisip ko, siguro dahil sa alak ito.

Nagsimula na akong magmaneho, nabigla nalang ako nang nasa harap na pala ako ng village nila Zea.

"May sariling utak ba ang sasakyan ng mga tao?" tanong ko at pinalo ang manibela, natamaan ko pa yung busina.

Ngunit pagkaharap kong muli ng diretso, napansin kong nakabukas pala ang malaking gate. Edi nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho, baka senyales na ito na dapat ay puntahan ko sya. Napasilip ako sa pwesto ng guwardiya dahil palagi nya kaming binabati sa tuwing kami'y papasok. Ngunit kumunot ang aking noo nang nakita kong nakayuko lamang sya sa lamesa at tila natutulog.

Hindi nagbabantay ang guwardiya at nakabukas ang gate? Kusa nalamang naging alerto ang sistema ko at mabilis na pinaandar ang makina. Nang malapit na ako sa bahay nila, isang mahabang sasakyan ang dumaan sa gilid ko, magkaiba kami ng direksyon. Nakabukas ang itaas ng aking kotse at nakababa naman ang binatana ng sasakyang iyon. Dahilan upang makita ko ang isang pamilyar na pigura.

Isang babaeng nakasuot ng malaking sumbrero

Hindi ko alam kung papaanong pumasok ang impormasyong ito sa aking sistema. Ngunit alam ko, kung sino iyon. Isang beses palang kaming nagtagpo ngunit kung kayo ako, malalaman ninyong kakaiba talaga ang kanyang presensya. Yung tipong hindi mo pa naman sya kaharap pero alam mo nang nandyan siya. Lalo na at iisa lamang ang aming lahi.

Seven Worlds and the Lost Princess (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon