Gulat na gulat parin ako sa nangyari! Bakit hired ako agad? Hindi naman sa nagiinarte ako ah, pero nakakapag taka kasi talaga! Tapos High Schoop graduate lang ako pero magiging secretary na ng CEO ng isang kumpanya!
Umiling iling nalang ako, dapat nga magpasalamat pa ako dahil sa wakas may trabaho na ako! Hindi ko nalang papansinin yung kaguluhan na to!
I woke up at 6AM, masyadong maaga pero mas maganda ng maaga kesa ma-late. Mabilis akong naligo at kumain.
I fried two sunny side up eggs, took 2 whole wheat bread and smashed some avocado.
Sarap!
After eating I now picked what I would wear today. Di ako makapili! Dapat maayos akong tignan kasi first day ko to!
At the end, I just chose a black pencil skirt with a slit on the left side and a white blouse. I paired it with a black blazer and black heels.
Okay na 'to!
Pumara na ako ng jeep at sumakay na. Habang nasa loob hindi talaga ako mapakali. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala!
Mataas kaya sweldo dito? Yayamanin ang may-ari eh!
When I got off the jeep I quickly greeted the guard and head to the receptionist.
"Hi Ma'am I am Aviana. The new Secretary of the CEO?" medyo patanong pa ako, baka mamaya panaginip lang eh!
"Oh ikaw pala! Wala pa si Sir, pero pwede ka ng umakyat sa 60th floor, doon ang office ng CEO." She smiled.
I just smiled at her and said my thank you then went to the elevator and pressed the 60th floor.
Habang nasa loob kabadong kabado ako! Sino kaya trainer ko? Paano kaya ang trabaho dito?
When the elevator door opened napanganga ako.
Ang laki! Mas malaki pa sa ibang floors! Mag isa lang siya dito?
Nilibot ko ang paningin ko sa office niya! Akala ko yung office niya sa interview room ang office ng CEO hindi pala.
napako ang tingin ko sa isang picture frame. Isang medyo may edad na babae ang nakita ko kasama ang isang batang lalaki. Nakayakap ito sakaniya.
Bakit familiar sa akin yung babae? Para bang nakita ko na ito dati...
Tinitigan ko pa ito ng mas matagal, pilit inaalala saan ito nakita pero napatayo ako ng maayos ng magbukas ang pinto!
"Good Morning Sir! I smiled at him
Tinignan lang nya ako at dumiretso sa kaniyang office chair.
Suplado! Kala mo naman Gwapo!
"You're trainer will be here any minute now. I hope you cooperate with him well."
"Uh, yes sir!"
He sighed and pressed the intercom in front of him.
"Samantha where is Nathan? Please tell him to report to my office now." He asked coldly.
He glanced at me quickly and sighed again.
Problema nito?!
"Get me a cup of coffee"
Huh? Ako ba kausap niya?
Nakatingin lang ako sakaniya ng medyo tumaas na ang boses niya.
"I said get me a cup of coffee!"
Nataranta naman akong umalis sa harap niya at hinanap yung pantry. Asan ba yun?
Sa wakas nakita ko din, pumasok ako sa loob at naglagay ng coffee grounds sa coffee maker.
Shit! Paano ba 'to? Lalagyan ko ba ng asukal at creamer or plain lang? Mga ilang minuto rin akong nagisip at napagpasyahang dalhin nalang ang plain black coffee kasama ang lalagyan ng asukal at creamer.
Ha! Talino ko talaga!
Kumatok ako muli sa pintuan at pinihit ito.
"Here is your coffee sir" I smiled.
"What the fuck? Bakit dala dala mo 'yang mga yan?" He told me furiously.
"A-ah hindi ko po kasi alam if plain or with creamer and sugar ang gusto nyo." I smiled awkwardly.
Napasapo siya sa kaniyang noo at minuwestrang lumapit na ako sakaniya.
Dali dali ko namang nilapag ang kape sa kaniyang lamesa.
Pinagmasdan ko siyang maglagay ng kaunting creamer at isang kutsarang asukal sa kaniyang kape.
"This is how I like it, do you understand?" He told me very slowly.
I nodded my head many times.
He then looked in the papers he was reading earlier. I just stood there waiting for something he would ask.
After a few minutes may narinig kaming kumatok sa pintuan, pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay kaedaran ko lang.
"You called me Sir? He asked
"Yes. You'll be the one to train my secretary. I will give you 20 days for her to master the role."
"Understood Sir" the guy bowed his head slightly.
Minuwestra naman sa akin ng lalaki yung pintuan kaya dali dali akong lumabas. Nakita ko naman si Sir na nakamasid sa amin. Nung nakita niya akong nakatingin sakaniya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
Problema nun?
"Hi. So my name is Nathan. I am the Manager in the HR department. Nice to meet you." He smiled at me
"A-ah hello I'm Aviana. Nice to meet you too Sir." I smiled shyly.
"So let's go?"
Tinungo namin at elevator at pinundot niya ang 23th floor. Dito siguro yung HR Department.
Pag bukas ng elevator ay tinuro niya sa akin ang isang table.
"So dito muna kita pansamantalang tuturan about the role you will do, actually to be honest hindi naman mahirap ang role ng pagiging secretary ni Sir. Ewan ko ba bakit pa niya ako pinatawag para turuan ka." He told me chuckling.
"Ay ganon ba, bakit ano ba role ng mga secretary niya dito?" I asked.
"Actually ang role ng secretary niya dito ay more so pagsama lang sakaniya sa mga meetings niya indoor and outdoor, pag papaalala ng mga appointment niya bawat araw at pag rereschedule at pagcacancel ng mga appointments niya."
Yun madali? I mean average lang naman pero hindi naman din yun madali!
"Ah, okay sige" I smiled awkwardly again at him.
Tumunog yung intercom sa gilid niya, medyo napatalon ako sa gulat. Jusko! Napapadalas na kasi pagkakape mo Aviana!
Pinindot niya iyon at narinig ko ang boses ng Boss ko.
"Tell Aviana to report back to my office now" His voice was so cold.
"Yes sir" Nathan said
"See you later Aviana. Importante ata yung pagtawag sayo ni Sir."
I smiled at him and quickly went to my Boss office.
I knocked at the door 3 times and I went inside.
I saw him looking directly at me. Medyo kinabahan ako, nakakatakot yung tingin niya.
"I have to meet with Mr. Sy. I need you to come with me." Tumayo siya bigla sa upuan niya.
"I'll meet you downstairs at 5 mins." Sinabi niya iyon sa akin sa gilid ko! Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya!
Pakshet naman!