“Hi Miss! Pwede ka mamaya?”
“Huh? Ikaw si Kris diba?”
“Oo. Ano? Payag ka? Date? I know you want me.”
“Ugh. Okay sige, kita tayo mamaya sa likod ng gym after class.”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello! Ako nga pala si Kristian Kent Ramirez.
‘Kris’ for short.
Ayoko kasing magpatawag ng Kristian.
That’s so,…. CLICHÉ.
Oo, alam ko gwapo ako, kaya nga maraming patay na patay sa akin eh! Haha!
Leader ako sa isang sikat na boy group.
MACHINE ang pangalan ng group namin.
Gad. Ang bantot niyan, pramis.
Ang gwapo namin, lalo na yung leader *wink* tapos ganyan lang ang ending ng pangalan namin?
Hell no.
Pero wala kaming laban. Yan ang gusto ng manager namin eh.
Dibale.
So, magkkwento naman ako tungkol sa mga tropa ko.
12 kami sa MACHINE, ako, (syempre, kailangan ng poging-poging leader! Hahaha!) ang bestfriend kong si Chen, at ang mga tropa kong sina Lay, Luhan, Tao, Xiumin, Kai, Sehun, Baekhyun, Chanyeol, D O at Suho. (mga stage name lang yan ah)
Grabe kaya, matagal na kaming magkakakilala, hanggang ngayon, naku, mag-uutol pa rin kami. LOL.
Si Chen, yan ang pinaka-close ko.
Siya kasi yung ex ng girl bestest bestfriend kong si Jessica.
Ay teka, papakilala ko nga pala siya.
Maganda tong utol kong to.
Kung may chance nga ako eh, liligawan ko to.
Pero, nopey, imposible.
Ayokong sirain yung friendship namin.
Kinaiinggitan na ng lahat, tas gagaguhin ko pa?
Hell no.
Kaya nga hinayaan ko na lang na maging sila ni Chen eh.
Sakit no?
Pero shhhh ka lang ah.
Hindi kasi alam ni Jessica na may gusto ako sa kanya eh.
Baka mailang.
Grabe pa naman yun kapag nasasaktan.
But then, nagbreak sila.
So I’m like, should I be happy dahil sa akin na ulit ang atensyon ni Jess, or should I be sad dahil malungkot ang dalawa kong bestfriend?
Oh god.
Anyways.
Let’s talk about my ex.
Si Erika, a.k.a. Taeyeon.
Oo, kagrupo din ni Jess, leader ng Dancing Queens.
Minahal ko yun eh, kaso ano eh.
Ano….
Ano kasi.……
..........................
Yes, ok, next time na lang. Aaral pa ako.
~~~~~~~~~~~~~~~
AN: Hi po~ Si Kris po yung nasa kanan~ Yeah, he's freakin' handsome~ Anw, medyo paputol yung pag-uupdate ko, medyo BV kase this days, and yeah. Bye. :)