Kris’ POV
“Kris, mag-usap nga tayo.” May boses na nagsalita na galing sa likod ko.
“Huh?” humarap ako sa likod. “Oh Erika, ikaw pala.”
“Kris,….”
Tahimik lang talaga ako.
“Kris, I think this won’t work out anymore.”
“Huh? Bakit? May nagawa na naman ba ako?”
Kinabahan na ako.
“Kris, ano kasi eh. Mataas pa ang pangarap ko. Ayokong may humadlang pa dun.”
Tugon niya.
“Ah so ganun? Balakid ako?”
“Oo.”
“Eh tangina pala Erika, sabi mo noon, pangarap mong mapasayo ako eh! Eto na nga! Binigay ko na nga sayo ang lahat-lahat, tapos ngayon isusumbat mo sa akin na hadlang ako sa mga pangarap mo? Ginago mo lang yata ako eh!”
Sinubukan ko talagang magpigil.
“Gusto mong malaman? Okay, hindi na kita gusto. Hindi ko alam. Pero I think, I’m liking someone else.” Sabi niya.
“Eh Erika, pano naman ako? Tayo? Ganun-ganun na lang ba kadali yun? Mag-iisang taon na tayo sa makalawa, tapos tatapusin na natin ngayon? Grabe ka.”
Naluluha na ako nang masabi ko ‘to.
“Eh yun na nga yung point ko eh, bago pa tayo mag-isang taon, tapusin na natin to. At least diba, alam mo na, bago pa tayo mag-isang taon. Mas masakit yun.”
Pinaglalaruan niya yung sapatos niya.
Tumahimik muna kami saglit.
Lumakas yung simoy ng hangin, nakita kong lumipad yung buhok niya sa mukha niya.
“Erika…”
“Oh?”
“Sino ba siya?”
“Anong sino ba siya?”
“Yung pinalit mo sa akin.”
“Ah! Hindi naman kita pinalitan. Sadyang namili lang ako between the two of you. Si Baekhyun.”
“Si Baekhyun?”
“Oo! Si Lewis! Yung taga-kabilang section, yung ka-grupo mo.”
“Eh bakit si Lewis pa?”
Onti na lang talaga, maiiyak na ako.
“Ewan ko. Minahal na namin ang isa’t isa eh.”
Tumayo na ako, naglakad palayo bago pa niya matapos sabihin yun.
