CHAPTER 9 |Boys' Thing|

90 4 3
                                    

Kris’ POV

8:30 pm na pala.

Akala ko 6 palang.

Pumunta muna ako sa kwarto ko.

Magbibihis na sana ako eh.

“Kris, tara inuman tayo?” pag-aaya ni Kai.

“Ay grabe, kakainom ko lang pre eh, pass muna ako.” Pagtanggi ko naman habang sinusuot ko yung T-Shirt ko.

“Sus! Sige na, bonding din nating lahat yun. Ngayon na nga lang tayo nagkaroon ng chance para maging masaya eh.

Mapilit talaga amp.

“Oh sige, sunod na lang ako.” Pinaalis ko na si Kai sa kwarto ko.

Habang wala akong kasama, sinamantala ko ng itapon lahat ng bagay na nagpapaalala sa amin ni Erika.

Yung picture frame.

Yung scrapbook.

Yung t-shirt na bigay niya.

Yung mga letters na bigay niya, itatapon ko na sana, kaso nagdadalawang isip ako.

Wag na,

Masyado nang bitter.

Kaya lumabas ako ng kwarto.

Halos lahat busy. Lahat may ginagawa.

Eto ba yung mag-iinuman?

“Oy pre. Andyan ka pala?” sabi ni Kyungsoo nang makita niya akong lumabas ng kwarto ko.

“Oo, kanina pa. Andito pa nga si Jessica eh.” Umupo ako sa tabi ni Luhan.

“Oh? Nandito si noona? Sayang! Di na kami nag-uusap nun ah?” sabi niya habang naglalaro siya ng Rubik’s Cube.

“Hala ka? Eh kahapon nga eh, inaasar mo pa nga siya eh.” Sabat ni Xiumin.

“Oo nga!” sabat din ni Chen.

“Okay sige, kayo na. -___________-“

Dinampot ni Luhan yung dalawang steamed buns sa harap niya at binato kina Chen at Xiumin.

Pagkabato niya, dali dali namang sinalo ni Xiumin at sinubo.

“Oyha! Shayang! Tsk!” sabi niya habang nginunguya niya ito.

Into your WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon